Chapter 57 - Chances

463 23 17
                                    


JULIANA.

Pagkatapos kong maipark ang kotse sa parking area ng bahay ko hindi muna ako bumaba. Naiisip ko si Natalia, baka napuruhan ko sya kanina tss.. ang malas naman nya sa araw na ito. Biglang tumunog ang cellphone ko, isa sa mga tauhan ko ang tumatawag at binalitang hindi pa nila nakikita si Barbara kaya sinabi kong hindi sila magpapakita sa akin kapag hindi nila makita ang anak ko.

Tatlong araw na mula ng mawala si Barbara pagkatapos naming magdinner kasama ang mga Achaga. Ayokong isipin na pinagtataguan nya ako, masyado lang siguro syang nasaktan kaya hindi muna sya nagpapakita. Poor girl, kung hindi siguro ako galit sa pamilya ng ama nya hindi sana ito mangyayari sa kanya. Napabuntong hininga ako at biglang bumalik sa alaala ko ang mga nangyayari dati na gustong-gusto ko na sanang kalimutan.

~ FLASHBACK ~

Mabagal akong naglalakad sa pasilyo papunta sa kwarto ni Señorito Federico, naisip ko na ang bilis lumipas ng panahon, dalawang buwan nya akong nililigawan at isang buwan na mula ng sinagot ko sya at mag-aapat na buwan narin akong nagtatrabaho dito sa mansyon ng mga Achaga.

Una ko palang makita si Federico gusto ko na sya, akala ko hanggang pangarap nalang sya pero hindi ko akalain na naging interesado sya sa akin at minahal nya ako. Siya ang una ko sa lahat-lahat at hindi ko iyon pinagsisihan, masaya ako sa piling nya at malaki ang tiwala ko sa kanya.

Pagpasok ko sa kwarto nya para maglinis, nakita ko ang tshirt nya sa ibabaw ng kama, dinampot ko ito at dinala sa ilong ko habang napapikit at inaamoy ang tshirt nya. "Te queiro mucho mi amor. (I love you so much my love)" Bulong ko at punong-puno ng pagmamahal ang nasa puso ko. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatayo habang nakapikit at inaamoy ang damit ni Federico, natauhan ako ng marinig ko ang mga boses ng nagtatawanan sa labas ng kwarto.

Nagmamadali akong maghanap ng matataguan ng marinig ko ang boses nina Federico at Miguel, ayokong makita nya ako dito sa kwarto nya dahil napagkasunduan namin na ililihim sa lahat ang aming relasyon. Dali-dali akong nagtago sa ilalim ng kama at sakto namang pumasok ang dalawa na masayang nagkwentohan.

"Alam mo namang walang matinong babae sa paaralan natin Miguel." Narinig kong wika ni Federico.

"Aha, wala talagang matino? Sino ba ang matino para sayo, ang nobya mong katulong dito sa mansyon ninyo?" Tanong naman ni Miguel at tumawa pagkatapos magtanong, Natigilan ako, alam ni Miguel na magnobyo kami ni Federico pero akala ko ang sabi nya ililihim namin ito?

"Tumahimik ka gago!" Sita ni Federico kasabay ng pag-alog sa kama na parang may umupo. "Wag mong kalimutan Miguel na talo ka sa pustahan natin. Isang buwan ko ng nobya si Juliana at alam mong naikama ko na sya pero hindi ka parin nagbabayad sa akin."

Para akong naistatwa sa narinig ko, anong pustahan ang sinasabi ni Federico? At bakit sinabi nya kay Miguel na may nangyari nasa amin? Napaka gago nya!

"Hahaha, ang sabihin mo gusto mulang ipagyabang na virgin si Juliana ng makuha mo sya kaya nga bilib na ako sayo bro. Isipin mo, hindi ka mag-eeffort na patulan ang isang katulong na tulad ni Juliana kong hindi dahil sa pustahan natin." Narinig kong humalakhak si Miguel at tuwang-tuwa, ngayon alam ko na kaya pala pinatulan ako ni Federico dahil pinagpustahan nila ako, naikuyom ko ang dalawang palad ko. "Nagtawanan nga ang ibang mga kaibigan natin ng ikwento ko sa kanila na syota mo ang isa sa mga katulong ninyo."

"Gago ka talaga, pinahiya mo ako!"

"Bakit ka naman mahihiya, totoo naman."

"Shut up Miguel! Hindi ako pumapatol sa isang tulad ni Juliana bro kasi hindi sya ang ideal girl ko at isa pa katulong lang sya, ang layo ng agwat namin. Magbayad kana Miguel para mahiwalayan ko na ang katulong na iyon."

TILL I MET YOU (Macarena and Barbara)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon