Chapter 50 - Lukso ng dugo

495 21 14
                                    


BARBARA.

Pupungas-pungas akong bumangon, nagising ako sa ingay ng tumutunog na telepono, bakit ba sobrang lapit ng tunog nito samantalang nasa salas lang naman ito. Napaupo ako habang nakapikit parin ang mga mata, napadilat ako sandali saka pumikit ulit. Kyaa! Nandito pala ako sa salas nakatulog, naalala ko na.

Biglang huminto sa pagtunog ang telepono, galing kami sa Cronico bar kagabi ni Maca dahil may tugtog ang bandang Wild Angels, pinakilala ko rin sya sa mga kaibigan ko at napasubo kami sa inuman kaya madaling araw ko ng nahatid si Maca sa bahay nila saka ako umuwi dito. Sa sobrang kalasingan ko kagabi hindi ko na nakayang pumasok hanggang kwarto kaya dito nalang ako sa sofa natulog.

Nagulat pa ako sa muling pagtunog ng telepono, naiinis ko itong dinampot at sinagot.. si Papa pala.

"Nasa Cordoba ako hija at binisita ko ang hospital na pinapatayo ko dito, would mind kung papupuntahin kita dito mamaya?" Wika ni Papa mula sa kabilang linya.

"Kasal ng kaibigan ko mamayang gabi Pa, sa Mar del Plata ang location mga anong oras ko ba kailangan pumunta dyan?" Tanong ko habang napakamot ako sa leeg, ang kati kasi.

"Pwedeng ngayon na, ipapasundo kita ng chopper." Wika ni Papa. "Okay Pa, maliligo muna ako." Sagot ko at agad ng nagpaalam para maligo at makapagbihis.

Ano kaya ang kailangan nya bakit nya ako pinapapunta sa Cordoba? Hmm, kung hindi sya tumawag di ko malalaman na nandito pala sya sa Argentina, kasama kaya nya si Mama?

Pagkatapos kong maligo at magbihis tinawagan ko si Maca na pupunta muna ako sa Cordoba at babalik ako bago magtanghali saka kami babiyahe papunta sa Mar del Plata, isa kasing beach wedding ang kasal ni Rocky at excited narin si Maca na magsurfing doon.

Pasado alas nueve ng umaga dumating ang chopper sa rooftop ng condo na tinitirahan ko, agad rin kaming umalis pagkasampa ko sa chopper, isang oras at kinse minutos lang ang biyahe nasa Cordoba na kami. Sa isang malaki at malawak na bakuran na may nakatayong tatlong palapag na bahay lumapag ang chopper na sinasakyan ko.

Sinalubong agad ako ni Papa na nakangiti at niyakap ako. "Welcome to Cordoba hija." Wika ni Papa at iginiya ako papunta sa nakatayong malaking bahay na may modern design.

"Bakit mo ako pinapunta dito Pa?" Tanong ko sa kanya. "Kumusta na kayo ni Mama?"

"Hindi pa kami okay, kinakausap lang nya ako kapag kakausapin ko sya pero inaasikaso naman nya ako tulad ng dati." Sagot nya habang nakaakbay sa akin. "Pinapapunta kita dito para ipasyal ka sa mga ari-arian natin dito at para magkita naman tayo."

Sabi ni Papa bagong bili ang bahay na ito dito sa Cordoba, kumain muna kami ng almusal at nagkwentohan. Inamin nya na totoong nagkita sila ng ex-girlfriend nya pero hindi ko na tinanong ang pangalan kasi hindi ako interesado sa babaeng iyon lalo na at karibal sya ng Mama ko. Ang paliwanag nya sa larawang magkahalikan sila, nagpapa alam na sya ng bigla nalang daw sya nitong hinalikan kaya nagulat sya at hindi naka react agad.

Ginawa nya ang lahat para maniwala ako sa kanya sa pamamagitan ng mga magagandang paliwanag, nararamdaman ko naman na nagsasabi sya ng totoo pero mahirap magtiwala agad kaya nakikinig lang ako habang nagsasalita sya pero wala akong sinabi na ikakasakit nya o ikakasakit ni Mama. Kung mahal nila ang isat-isa, malalampasan nila ito at magkakaayos sila.

Pagkatapos namin kumain umalis kami ni Papa sakay ng kanyang kotse, isinama nya ako sa pagdalaw nya sa Cathedral Cordoba.

Dumiretso kami sa kombento na nasa likurang bahagi ng cathedral, sinalubong kami ng isang pari nasi Padre Manuel at magiliw nya kaming pinatuloy sa nagsisilbing salas nila dito at masaya silang nag-uusap ni Papa, napag-alaman ko na sina Papa at Mama pala ang nagbibigay ng pera at mga kakailanganin ng mga batang nandito nakatira sa kombento dahil walang mga magulang at mga batang lansangan.

TILL I MET YOU (Macarena and Barbara)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon