Chapter 49 - Pagtanggap

454 16 18
                                    



MACARENA.

Tawa kami ng tawa ni Barbara habang nag-uusap at umiinom dito sa loob ng wine cellar, aminado akong medyo na tatamaan na ako sa alak na iniinom namin ngayon at pati si Barbara pulang-pula narin ang mukha.

"Kung hindi pa masakit ang sampal ni Mama sa akin, tumawa na ako dahil sa hitsura nyang galit na nakatingin sa atin." Wika ni Barbara at humalakhak sabay inum ng alak na nasa baso, tumatawa rin ako habang nakatingin sa kanya, nakakadala at nakakatuwa ang tawa nya kaya nahawa narin ako.

"Hindi siguro ini-expect ni Natalia na lesbian ang anak nya. Hahaha." Sagot ko naman at tawa ng tawa. "Biroin mo, ang ganda mo pero mahilig karin sa maganda." Sabay kaming tumawa ng malakas dahil sa sinabi ko at naghigh five.

"Hindi ko rin alam Maca, nagising nalang ako isang araw na mahal na kita." Sumeryoso ang mukha na wika nya sa akin, sumeryoso narin ako at napalunok ng dalawang beses habang nakatingin sa kanya.

"Sa tingin mo ba tama itong ginagawa natin?" Tanong ko sa kanya ng maalala ko na naman ang banta ni Natalia na sisirain nya ako at ang pamilya ko kapag hindi ko nilayoan si Barbara.

"No, no please dont say that." Wika nya at napailing-iling pero agad ring napabuntong hininga. "Bakit ang tono mo parang hindi ka na yata sigurado sa ating dalawa?" Nakita ko ang takot sa mukha nya habang nakatingin sa akin.

"Dont you think we should give each other a bit of space?"

"Again?" Parang dismayadong tanong nya at agad nag-shot ng alak na nasa baso.

"Para makapag isip-isip tayong dalawa." Ugh, ang hirap magpaliwanag at magsinungaling. Bakit bigla nalang bumabagabag sa isip ko ang banta ni Natalia ngayon, akala ko kaya ko itong baliwalain. "Para-- para makabalik tayo sa pareho nating normal na buhay."

"Lasing ka na ba? bakit biglang naging ganyan ka magsalita?" Nakakunot ang noo nya habang hindi makapaniwala na nakatingin sa akin. "Look Maca, im very sure of what i want and what i feel. Look my love, i want this to be my normal life." Bago pa ako makasagot sa sinabi nya, hinalikan na nya ako sa labi na naging dahilan para mapawi lahat ng mga pag-alala ko para sa amin at sa pamilya ko.

_______

Madaling araw na saka pa kami lumabas sa wine cellar, nakaakbay ang isang kamay ko kay Barbara habang ang isa ko pang kamay nakahawak naman sa bote ng alak. Nakayakap naman sa baywang ko ang dalawang braso ni Barbara at tumatawa kami habang naglalakad papunta sa living room na panay naman ang pagtungga ko sa bote ng alak.

"Oh my God! Bakit parang ang lalim na ng nilalakaran natin Maca?" Malakas ang boses na tanong ni Barbara na ikinatawa ko ng malakas. "Tapos naging dalawa na ang daan."

"Lasing ka na kasi!" Pasigaw ko ring sagot at tawa ng tawa, nahawa narin si Barbara at tumatawa na.

"Macarena!"

Napatigil kami sa paglalakad at sabay na napatayo ng tuwid ng makita namin si Papa na walang kangiti-ngiting nakatingin sa amin. Agad akong tumungga ulit sa bote bago ko ito itinago sa likuran ko.

"Papa, ang aga mo yatang umuwi." Nakangiting wika ko sa kanya, alam kong sa casino sya galing at baka malaki na naman ang talo nya kasi ang tigas ng mukha nya. Ugh.

"Buenos dias Señor." Mahinang bati ni Barbara kay Papa, haays mabuti nalang at tumango lang si Papa.

"Bakit kayo umiinom?" Seryosong tanong ni Papa.

"Wala lang, trip lang namin." Sagot ko naman at seryoso naring nakatingin sa kanya. "Bernardo! Bernardo!" Malakas na sigaw ko sa pangalan ng mayordomo namin at ilang segundo lang patakbo na itong lumapit sa akin.

TILL I MET YOU (Macarena and Barbara)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon