Chapter 8 - Muling Pagkikita

1K 55 18
                                    


BARBARA's POV.
**************

Nandito na ako sa loob ng eroplano at biyaheng business class ang peg ko ngayon. Iyon kasi ang gusto ng magaling kong ina. Kanina pa ako nagdarasal na sana huminto ang oras para hindi muna ako matutuloy sa Spain.

Tss.. kung gaano ko man kagustong bumagal ang oras, kabaliktaran naman ang nangyari.

Hopeless akong napasandal at napapikit ng marinig ang welcome announcement. This is it, wala na talagang makakapigil pa. Ilang sandali lang, naramdaman ko na ang bahagyang pag-alog ng eroplano.

Goodluck self!


Kinuha ko sa loob ng sling bag ang earphone ng di sinasadyang mapatingin ako sa babaeng nakaupo sa tabi ko. Umiiyak ba siya? Umiiyak nga! Bakit kaya siya umiiyak?

Hindi ko itinuloy ang pagkuha sa airphone at naisipan ko nalang sumandal sa upuan habang nakiramdam.

Kapag nakakita ako ng babaeng umiiyak, iniisip ko agad na pinapaiyak sila ng lalaki. Ugh, baka magiging man hater na ako nito.

Naririnig ko na ang mahinang paghikbi ng katabi ko. Tss.. hindi ba siya aware na napapalakas na ang pag-iyak niya? Palihim ko siyang sinulyapan, nakahilig siya sa upuan at natatakpan ang mukha niya sa kanyang mahabang buhok.

Haays. Nakakaawa naman siya.

Pwede ba Barbara, wag mong isipin ang ibang tao. Isipin mo muna ang mangyayari sayo pagdating mo sa Espanya. Sigaw ng isang bahagi ng isip ko.

Oo nga, noh.

Ano kayang mangyayari pagdating ko 'don? For sure, sasalubungin ako nang step-dad ko at nang half-sister ko ng mainit na yakap at halik. Wahaha! Sabay sabing, sa wakas dumating na ang taong magbibigay sa kanila ng sakit ng ulo.

Pero sa totoo lang, hiling ko sana.. Mabait sila sa akin, di bali ng di kami magkasundo ni Natalia.

Muli akong napatingin sa babaeng nasa tabi ko ng marinig ko ang pagsinga niya. Hays, akala ko ako lang ang may pinoproblema. May mga tao pa palang mas malala pa ang problema kaysa sa problema ko.

Kampanti akong nakasandal sa upuan at pumikit habang patuloy na naririnig ang pag-iyak ng babae. Ugh, di na ako nakatiis kaya kinuha ko na talaga ang earphone sa bag at ginamit. Nilakasan ko ang tugtog at muling pumikit, ilang sandali lang naka-idlip na ako.







***************
***************







MACARENA's POV.
*********

Nasasaktan talaga ako sa pagtikis sa akin ni mama. Mas nangingibabaw ang galit niya kaysa sa pagiging mag-ina namin. Iyong pagnanais kong makausap siya at makipag-ayos sa kanya, napalitan ng pagtatampo. Ngayon ko napagtanto na mas mabuting umalis ako at lumayo, para pareho kaming makapag-isip na malayo sa isat-isa.

Umiiyak ako dahil sa magkahalong emosyon. Nakakalungkot na hindi ko nakita si mama bago ako umalis.Nagsisisi ako kung bakit ko pa sinabi ang mga 'yon sa kanya, hindi sana nagkalamat ang relasyon namin. At naiinis dahil hinayaan kong mawalan ako ng kontrol sa sarili kaya umabot sa ganito ang sitwasyon.

Umupo ako ng maayos nang marinig ang welcome announcement, di sinasadyang mapatingin ako sa babaeng nakaupo sa tabi ng inuupuan ko.

She looks familiar! Iyon ang unang pumasok sa isipan ko.

Nang maramdaman kong nag-take off na ang eroplano, humilig ako sa upuan at sinadyang takpan ang mukha ko sa mahahaba kong buhok. Tss.. napapaiyak na naman ako ng maalala ang pagtikis sa akin ni mama.

TILL I MET YOU (Macarena and Barbara)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon