Chapter 42 - Agawan

488 13 20
                                    


FEDERICO.

Ilang linggo na akong hindi pumasok dito sa opisina dahil nasa casino ako araw-araw naka focus. Ipinagkatiwala ko na lahat sa manager nang kompanya ang mga dapat gawin at pupunta lang ako dito kapag kailangan na talaga at importante, tulad ngayon na may taong gustong kumausap sa akin pero hindi nya sinabi kung sino, malalaman ko lang daw pagdating ko.

"Hector.." Tawag ko sa pangalan ng manager ng makita kong sinalubong nya ako.

"Kumusta Federico?" Tanong nya pero nasa mukha ang pag-alala. "Kanina kapa hinihintay nang taong gustong kumausap sayo."

"Sino ba sya?" Nagtatakang tanong ko.

"Sumunod ka sa akin, nasa opisina mo sya naghihintay."

Nakasunod ako kay Hector na naunang naglakad papasok sa opisina ko, lalo akong nagtaka sa ikinikilos nya. Pagpasok namin sa opisina, bumungad sa akin si Natalia de Tagle na nakaupo sa swivel chair ko at nakangiti na nakatingin sa akin, sya ang taong gustong kumausap sa akin?

"What is this woman doing in my office, Hector?" Nagtataka na tanong ko sa manager ng kompanya saka ko tiningnan muli si Natalia na nakangiti parin, walang pwedeng umupo sa upuan ko kundi ako lang.

"Federico---- kasi----"

"Hindi ka ba natutuwa na makita ako, mi amor?" Malambing na tanong nito. Tumayo sya at lumapit sa akin at inayos ang kurbata ko. "Ang gwapo mo parin Federico, too bad na hindi ka para sa akin."

Pinagpawisan ako dahil sobrang lapit ni Natalia sa akin, bakit ang ganda ng mood nya ngayon kabaliktaran noong unang kita namin sa casino na nakasimangot sya.

"Bakit kailangan mong itanggi na hindi ikaw si Juliana?" Tanong ko sa kanya. Natigilan sya at napatitig sa akin, nagtitigan kami pero ako ang unang umiwas. Ngumiti sya at tinalikuran ako, muli syang umupo sa swivel chair ko.

"Dahil hindi na ako si Juliana, ako nasi Natalia de Tagle."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Bakit ba sobrang interesado ka? Hindi kapa ba naka moved on sa akin pagkatapos ng twenty two years Federico?" Taas-noong tanong nito sa akin.

Hindi ako sumagot, dumuko ako. Bumukas naman ang pinto at pumasok si Genaro Duarte, ang family at company lawyer namin na kasunod ring pumasok si Pablo.

"Señora Natalia bakit ka nandito?" Nagtatakang tanong ni Pablo. Biglang sumeryoso ang mukha ni Natalia na nakatingin sa amin isa-isa.

"I come to claim the rights over the Achaga group shares." Wika nito na ikinatahimik naming lahat.

"Beg your pardon?" Bulalas ko ng makabawi na mula sa kabiglaan saka napatingin ako kay Hector. "What's this woman talking about?"

"Hindi ba nya ako naiintindihan?" Tanong rin ni Juliana a.k.a Natalia kay Hector na nakatulala lang. "Ako si Natalia de Tagle, big investors. I bought all the shares so i decided that i should----- hmm? fired the company's president."

Nagulat kaming lahat sa sinabi ni Natalia de Tagle. Anong kalokohan ang sinasabi ng babaeng ito? Ilang taon syang nawala, biglang bumalik noong nakaraang araw pagkatapos ngayon nasa opisina ko para tanggalin ako sa pagiging presidente ng sarili kong kompanya. Kalokohan!

"What she did just say?" Tanong ni Genaro sa amin, gusto lang rin nitong masiguro kung tama ba ang narinig nya.

"You all still can't understand?" Nakataas ang kilay na tanong naman ni Natalia at naka crossed legs na nakaupo parin sa swevil chair ko.

"Hector? Anong ibig sabihin nito?" Galit na tanong ko sa Manager ng kompanya, akala ko okay lang ang takbo ng kompanya hindi ko akalain na nangyayari ito ngayon. Lahat ng tingin namin nasa kay Hector at naghihintay sa isasagot nya.

TILL I MET YOU (Macarena and Barbara)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon