Chapter 44 - Love and Hate Collide

532 19 21
                                    


BARBARA.

Hindi ako pumasok sa loob ng condo unit kahit iniutos ni Mama, mabuti nalang at nabaling ang atensyon nya kina Rolando at Debbie kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na sundan si Maca. Sa parkeng area ko sya naabutan na papasakay na sana sa kotse nya, hinila ko sya paharap sa akin at nakita ko ang lungkot ng mukha nya.

"Barbs." Sambit nya sa pangalan ko sa malungkot na boses.

"Im sorry Maca, hindi ko alam na makikita tayo ni Mama sa ganoong ayos." Apologitic na wika ko saka niyakap sya. "Mahal kita at wala akong pakialam kahit magalit pa sya."

"Susuwayin mo sya para sa akin?" Tanong nya sa akin sabay kalas mula sa pagkakayakap ko. "Mas lalo nyang iisipin na ginawa mo iyan dahil sa akin."

"Oo, iyon naman talaga diba?" Hinawakan ko ang kamay nya at hinila sya para pumasok sa loob ng kotse. "Tayo na, baka sundan pa ako ni Natalia dito."

"Saan tayo pupunta?" Nagtatakang tanong nya.

"Kahit saan mo ako dalhin Maca, sasama ako sayo." Sagot ko sa kanya at nagmamadali akong umupo katabi sa drivers seat.

Nginitian nya ako saka nya binuhay ang makina at ilang sandali pa paalis na kami palayo sa condo. Wala akong ibang iniisip kundi ang sumama kay Maca, galit nasi Natalia sa akin kaya lubos-lubosin ko na, ngayon lang kami nagkabati ni Maca kaya gusto ko muna syang makasama ng matagal.

Sa Achaga Mansion nya ako dinala, napag-alaman ko na pagdating nya sa Argentina kanina dumiretso sya agad sa condo namin para makausap ako, ngayon pa sya umuwi dito sa Mansion nila at dinala nya ako dito para ipakilala sa Abuela nya at pati narin sa Papa nya.

Sinalubong kami ng mayordomo at masaya kaming binati. Agad kaming umakyat sa ikalawang palapag ni Maca at dinala nya ako sa kwarto ng Abuela nya nasi Señora Angelica Achaga. Kinatok ni Maca ng tatlong beses ang pinto ng kwarto.

"Adelante. (come in)." Narinig naming sagot mula sa loob saka pa lang binuksan ni Maca ang pinto.

"Hola Abuela, como estas? (Hello lola, how are you)" Masayang bati ni Maca at agad niyakap ang matanda.

"My princess." Nakangiting wika nito at hinalikan si Maca ng maraming beses sa mukha, haays! namiss ko tuloy ang Abuela ko. "Mabuti naman at umuwi ka hija, namiss na kita ng sobra."

"Yo tambien Abuela. (Me too lola)" Hinawakan ni Maca ang kamay ng Abuela nya at hinalikan ito. "Abuela, meet my friend." Nilingon ako ni Maca na nakatayo lang sa may bandang pintoan. "Si Barbara Lopez."

"Hola hija, como estas?" Nakangiting bati ng matanda sa akin.

"Bien Señora." Sagot ko naman saka lumapit sa kanila at nagbeso-beso kami ni Señora Angelica.

"Ang ganda naman ng kaibigan mo Maca, saan kayo nagkakilala?" Tanong ni Señora Angelica kay Maca. "Umupo kayo."

"Gracias Señora." - Ako habang umupo sa isang silya kaharap nya.

"Yes Abuela sobrang ganda nya." Sang-ayon ni Maca saka sinulyapan ako. "Nagkasabay kami sa eroplano papuntang Spain at nagkataon naman na pareho kami ng skwelahan na pinapasokan doon Abuela." Wika pa nya ulit at palihim akong kinindatan, napangiti naman ako sabay duko.

"Talaga? wow, ang liit pala talaga ng mundo noh kasi sa sobrang laki ng Espanya pero nagkita parin talaga kayo doon." Natutuwang sagot naman ng matanda at nakatingin sa akin. Wow, bakit ba ang gaan-gaan ng feeling ko sa matandang ito? Haays, namimiss ko lalo ang Mama ni Mama.

"Oo nga Abuela, parang plano nga talaga ng pagkakataon na magkita kami at magkakilala." Nakangiti namang sagot ni Maca pero sa akin nakatitig. Palipat-lipat naman ng tingin sa aming dalawa si Señora Angelica.

TILL I MET YOU (Macarena and Barbara)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon