Chapter 38 - Galit

468 17 28
                                    


Barbara.

Gabi na ng bumaba ako sa ground floor para kumain. Buong araw akong natulog, hindi kumain at hindi nagpa disturbo sa kahit na sino. Pasado alas onse na ng gabi at naisipan kong bumaba kasi hindi ko na matiis ang gutom.

"Buenas noches Señorita Barbara, kakain na po kayo?" Wika ng isang katulong ng makapasok ako sa dining area.

Tumango lang ako at walang imik na umupo na sa upuan habang hinihintay ang pagkain. Ano kaya ang ginagawa ni Maca buong araw? Baka nagkita sila ni Sebastian at galit parin sya sa akin dahil sa ginawa ko. Haays! Ang tanga ko naman kasi na nagpagamit lang kay Sebastian.

"Kumain kana Señorita." Wika ni Antonieta. Nasa harapan ko na pala ang mga pagkain, hindi ko man lang namamalayan.

"Salamat." Maikling sagot ko at nagsimula ng kumain.

Konti lang ang kinain ko dahil wala parin akong gana, mabigat parin ang nararamdaman ko sa dibdib. Hindi ko akalain na tuso rin pala ang isang Sebatian Zurita at naging biktima ako sa pagiging tuso nya. Ugh!

Pagkatapos kong kumain at pagkalabas ko sa dining area dumiretso ako sa lanai at umupo sa isa sa mga sofa at nag-isip. Ano ba ang pwede kong gawin para kausapin ako ni Maca? Biglang may naisip akong isang tao na posibleng makatulong sa akin..

Si Christina.

Agad akong tumayo at pumunta sa living room para tawagan si Christina sa telepono. Sakto naman ng tumawag ako ay nasa bahay na sya, kadalasan kasi ay madaling araw na syang umuuwi.

"What's up Barbs?" Tanong nya at nasa tono ang kawalan ng gana.

"Hola Chris, necesito tu ayuda (Hello Chris, i need your help)." Bungad na sagot ko sa kanya.

"En serio, despues de lo que hiciste?(Seriously, after what you did)" Mataray rin nyang sagot, alam na pala nya at sa tono ng pagsagot nya parang kay Maca sya kumakampi. "Eres increible! (You're unbelievable)."

"Permiteme aclarar por que actue como un tonto anoche! (Let me explain why i acted like a fool last night)" Nakikiusap ang tono na wika ko sa kanya, parang napaka unfair naman kung pati si Christina galit rin sa akin. "Por favor, Chris. (Please Chris)"

Tumahimik sya sa kabilang linya. Siguro nag-isip sya o baka ayaw nya lang talaga akong sagotin dahil tulad ni Maca sarado narin ang isip ni Christina para sa mga paliwanag ko.

"Chris.."

"Bien vale. (Okay fine)" Narinig kong wika nya sabay buntong hininga. "Como puedo ayudarte? (How can i help you)"

Kyaaaa! thank you Lord at may Christina pa na gustong makinig sa mga sasabihin ko at naka handa akong tulungan. Sinabi ko sa kanya lahat, mula ng puntahan ako ni Sebastian sa skwelahan at ang pinag-usapan namin at kung bakit ako napapayag sa plano nito. Galit na galit rin sya kay Sebastian at napagsabihan rin nya akong wag magtitiwala agad sa kahit na sino lalo nasa mga taong katulad ni Sebastian.

Napagkasunduan namin na magkikita kami bukas ng umaga sa isang restaurant sa La Moraleja para mag-usap at matulungan nya akong kausapin ako ni Maca. Dahil ang sabi nya, galit at nagtatampo parin daw sa akin si Maca at ayaw pa daw nitong makita ako at makausap, ouch! Ang sakit pala kapag inayawan ka ng taong mahal mo. Ugh!

Pagkatapos naming mag-usap ni Christina, umakyat na ako sa Third floor at bumalik nasa kwarto ko para magpahinga. Mabuti nalang at nagkausap kami ni Christina at nabawasan ng konti ang bigat na nararamdaman ko sa dibdib, nabuhayan ako ng pag-asa na ipaglaban si Maca. Sana nga lang hindi pa huli ang lahat.


_________



Sa Trattoria Pinocchio na restaurant dito sa La Moraleja kami nagkita ni Christina. Walang masyadong tao pagdating ko, ilang minuto lang mula ng dumating ako ay dumating narin si Christina. Nagbeso-beso kami saka sya umupo sa harapan ko.

TILL I MET YOU (Macarena and Barbara)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon