Chapter 13 - A Mother's Love

910 53 8
                                    


MACARENA.

Ilang araw na lagi akong nagigising ng maaga kahit laging madaling araw na kaming matutulog, di lang siguro ako sanay na may katabi sa kama. Ikalawang araw nani Barbara dito sa condo ko, masyado kaming nag-enjoy na magkasama kaya nawala nalang sa isip nya ang umuwi. Lol! Nagluto ako ngayon ng breakfast para sa aming dalawa, haays buti nalang at may konti akong kaalaman sa pagluluto na pwede kong magamit pagkina-kailangan tulad ngayon na may bisita ako.

Umupo ako sa isa sa mga upuan sa may dining table, hindi ko iniexpect na magkikita pa kami ulit ni Barbara at kapag naalala ko ang porma at ayos nya noong gabi na nagkita kami sa SnB Restaurant, napapangiti ako kasi para talaga syang lalaki tingnan, akala ko nga girlfriend nya ang kasama nya.

Kapapasok ko pa lang sa SnB Restaurant non pero si Barbara ang una kong nakita, akala ko kamukha lang nya dahil sa suot nya pero sya pala talaga. Nag-uusap sila ng kasama nya habang naghihintay ng order, sa dami ng mga taong kumakain imposibleng makita nya ako.

Habang kumakain na ako, kumakain narin sila. Patapos na akong kumain ng tumayo si Barbara at nagpunta sa cr, balak ko rin sanang mag-cr pero di ko naituloy kasi nakita kong tumayo at nagmamadaling lumabas ng Restaurant ang kasama nyang babae kaya nagtataka ako.

Nang magbalik si Barbara, dito na nga nalaman na iniwan sya ng kasama nya. Base sa usapan nila, walang maibabayad si Barbara sa kinain nila, ilan sa mga kasabayan naming costumers tinitingnan na sya. Dinala sya ng manager sa opisina nito.

Ang sama ng babaeng kasama nya, siguradong balak nyang ipahiya at ipahamak si Barbara. Pero syempre, nakita ko ang buong pangayayari kaya, bakit di ko tutulongan ang kaibigan ko?

Agad kong kinausap ang Manager ng Restaurant at binayaran para pakawalan na nya si Barbara. Sinabi ko na ako ang kasama nya, di naman siguro ako namumukhaan ng ibang staff ng Restaurant kasi hindi naman sila nag-react.

"Tell her sa kotse ako maghihintay sa kanya." Utos ko sa isa sa mga staff ng Restaurant saka ako lumabas.

Di nga nagtagal dumating si Barbara. Nagpa linga-linga sya at halatang may hinahanap. Hindi takot at lungkot ang nakikita ko sa mukha nya, kundi inis. Kaya nagpasya na akong magpakita at kausapin sya. Haays! Ang gaan talaga ng loob ko sa babaeng ito mula ng una ko syang makita sa eroplano. Gustong-gusto ko syang maging kaibigan, hindi kasi sya boring kasama at talagang mag-eenjoy ka.

Whew! Mas lalo syang nakakatuwa sa pagiging tranparent nya, kapag may sinasabi akong cheesy sa pandinig nya namumula sya at naging conscious. Hahaha! Ganoon rin naman ako sa kanya pero hindi ko lang pinapahalata dahil mas ako ang laging tumutukso sa kanya.

Kung hindi pa ako straight, sya na ang instant girl crush ko, pwamis! Kapag naging lalaki naman ako, ang tipo ni Barbara ang syosyotain ko kasi simple lang sya, maganda at walang kaarte-arte. Napangiti ako habang napa iling-iling sa naiisip ko, shemay! nakakaloka naman itong mga iniisip ko kaya napatayo ako at kumuha ng dalawang tasa ng black coffee.

"Ang sayo siguro ng iniisip mo kasi napapangiti ka mag-isa." Muntik na akong mapaso sa mainit na kape ng magsalita si Barbara, hmp! Bakit ba nang gugulat ang babaeng ito? "Whatever!" Mataray kong sagot pero nakangiti na lumingon sa kanya.

Nakakagulat naman kasi sya, napaso tuloy ako. "Maupo kana, kakain na tayo." Wika ko at pinaghila sya agad ng upuan.

Hindi sya makatingin ng direstso sa akin pero nakahalf smile, wait! Namumula sya, nahihiya kya sya? Sobrang bait ko na siguro sa tingin nya o baka naisip nya na kung naging lalaki lang sya ang tulad ko ang aasawahin nya.. ughh! weird.

Erase. Erase. Erase.

"Pinagluto kita ng breakfast." Wika ko ulit sa kanya at nilagyan ko ng pancake with maple syrup ang plato nya. "Salamat." Sagot nya pero namumula parin sya at di makatingin sa akin ng diretso.

TILL I MET YOU (Macarena and Barbara)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon