Chapter 60 - Gran pretendiente

488 21 21
                                    


NATALIA.

Ang sarap sa pakiramdam na nakauwi na ako ngayon dito sa condo mula sa ilang araw na pamamalagi ko sa hospital. Hindi parin tapos ang imbestigasyon kung sino talaga ang taong bumundol sa akin at kung ano ang motibo nya, pero hindi ako natatakot para sa sarili ko dahil lang may gustong pumatay sa akin.

Napaupo ako sa sofa, hindi natuloy ang paghahanap ko kay Barbara dahil sa nangyari sa akin, hindi narin nagpakita si Juliana sa akin mula noong puntahan ko sya sa hotel, hindi rin sya tumawag at nagtext. Tumunog ang doorbell, baka sina George at Debbie na ang dumating kaya agad kong binuksan ang pinto, pero hindi sila ang napagbuksan ko kundi si Federico Achaga.

"Anong kailangan mo?" Pambungad na tanong ko sa kanya, sa parking area ng kompanya nya ako nadisgrasya kaya hindi imposible na isa sya sa mga suspect ko.

"Gusto kitang makausap." Seryosong sagot nya na may seryosong mukha. "Hindi mo ba ako patutuloyin?" Tanong nya ulit, saka ko naman niluwangan ang pagbukas ng pinto at pinapasok sya.

"Tungkol saan ang gusto mong pag-usapan natin? Umupo ka." Tanong ko at pag-aalok ko sa kanya. Umupo naman ako sa tapat nya, mukhang hindi maganda ang kutob ko.

"Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa ngayong nasa pamamahay ko na nakatira si Barbara--"

"Sandali!" Bulalas kong pagpigil sa mga gusto pa sana nyang sasabihin. "Si Barbara, ang anak ko? Nasa bahay mo nakatira?" Talagang hindi ako makapaniwala sa naririnig ko ngayon, nahospital lang ako ng ilang araw pero ngayon nasa puder na nya ang anak ko.

"Bakit parang nagulat ka? Diba ikaw pa nga ang naghatid sa kanya sa mansyon para doon tumira." Parang naweweirdohan syang nakatingin sa akin. "Nag-usap kami ni Barbara kagabi tungkol sa kompanya, pero wag kang mag-alala dahil hindi ko naman sinabi ang totoo na ninakaw mo lang ito at hindi ko talaga binigay sayo. Alam kong galit ka sa akin at sa pamilya ko Juliana pero wag mo namang gamitin ang anak natin para gumanti sa akin."

Nakanganga lang ako habang nakatingin sa kanya, talagang nagulat ako sa rebelasyong ito. Marami na palang ginagawa si Juliana ng hindi ko nalalaman.

"Kaninang umaga ko rin lang nalaman na may bumundol sayo sa parking area ng kompanya ko dahil may nakapagsabi sa akin, pero uunahan na kita na wala akong alam sa nangyari sayo kahit nagkasagutan tayo bago ka umalis sa opisina ko noong araw na nabundol ka." Nagkasagutan bago umalis sa opisina nya? Hindi ako iyon, kaya nga kami nagpunta sa kompanya nya ng araw na iyon dahil gusto ko syang makausap na kasama si George. Nanghihina akong napasandal sa upuan, si Juliana!

"Gusto kong tigilan mo narin ang ginagawa mong pagpapamukha sa mga anak ko na magkapatid sila, alam na nila iyon pero intindihin mo naman sana na hindi madaling makalimutan nila ang isat-isa." Patuloy pa nya, wala akong masabi dahil gulat na gulat ako. Mabuti naman pala at dumating ang taong ito dito ngayon dahil nalaman ko ang totoo.

"Ano pa?" Biglang naitanong ko, nakita kong kumunot ang noo nya pero bahala na, sa tingin ko ngayon sya lang ang susi na malaman ko ang mga ginagawa ni Juliana. "Ano pa ang mga ginagawa ko?"

"Nagpapatawa kaba?" Nakakunot ang noo na tanong pa nya.

"Bakit, natatawa kaba?" Nakataas ang kilay na balik tanong ko sa kanya, hindi muna nya dapat malaman na ibang tao si Juliana para hindi maging komplikado ang lahat, pero kailangan kong malaman kung ano ang ginagawa at maaring maging plano ni Juliana, dahil bawat ginagawa nyang katarantadohan ako ang napapagbintangan.

"Tinatanong mo ako--"

"Yes, tinatanong kita kung ano pa ang mga nagawa ko sayo. Sa dami ko naman kasing nagawa against you eh nakalimutan ko na ang iba." Nakahalf smile na wika ko sa kanya, nawala naman agad ang pagtataka sa mukha nya.

TILL I MET YOU (Macarena and Barbara)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon