Chapter 69 - Mag-ina ni Pablo

406 20 36
                                    



BARBARA.

Para akong lumulutang at wala sa sarili habang tumatakbo papalapit sa kotse, sobrang lakas ng kabog sa dibdib ko habang iniisip ko kung ano ang nangyari kay Natalia at Juliana sa loob nito. May mga taong tumulong para mailabas sa kotse ang magkapatid, napahagulhol naman ako ng iyak ng makita silang dalawa na parehong walang malay at duguan.

Pagdating ng dalawang ambulansya agad silang isinakay pareho, sumakay naman ako sa ambulansya kasama ni Juliana at sa kabilang ambulansya naman si Florencia. Habang nagbibiyahe kami papunta sa hospital hindi huminto sa pagpatak ang mga luha ko habang nakatingin sa walang malay nasi Juliana na maraming dugo ang ulo.

Pagdating namin sa hospital iyak ako ng iyak habang nakasunod sa stretchers papasok sa loob ng emergency room pero hinarangan ako ng isa sa mga nurse.

"Dito nalang po kayo maam." Wika nito at isinarado na ang pinto.

Wala kaming magawa ni Florencia kundi ang maghintay dito sa labas at lihim akong nagdasal na sana walang mangyaring masama sa kanilang dalawa. Ughh, ang bigat ng nararamdaman ko, sa isang iglap lang nasa bingit na ng kamatayan ang dalawang ina ko.

"Barbara kalma kalang, umupo ka muna dito." Wika ni Flor ng makita nyang pabalik-balik akong naglalakad habang hindi mapakali at umiiyak.

"No Flor, baka may masamang mangyari sa kanilang dalawa hindi ko alam ang gagawin ko." Umiiyak na sagot ko at natataranta. Hinawakan ako ni Flor at pinaupo sa upuan. Kinuha nya ang kanyang cellphone at may tinawagan-- si Debbie.

Lumipas ang kalahating oras, lumabas ang doktor na nag-asikaso kay Natalia.

"Dok, kumusta si Naty?" Agad na tanong ni Flor.

"Gising na ang isang pasyente, nahimatay lang sya dahil sa lakas ng impact ng pagkabunggo at swerte na hindi naman masyadong malalim ang sugat nya, wala rin syang serious injury sa katawan at daplis lang din ang tama ng baril sa paa nya."

Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ang sinabi ng doktor, biglang bumukas ang pinto ng emergency room at iniluwa nito si Natalia na nakasakay sa wheelchair habang tinutulak ng isang nurse.

"Mamaaa.." Umiiyak na bulalas ko, agad ko syang nilapitan at niyakap, umiiyak rin sya at niyakap ako pabalik.

"Nasa loob pa ang kapatid ko Barbara at ayoko syang mapahamak." Umiiyak na wika nya at mas lalong humigpit ang yakap nya sa akin. "Kung may magagawa lang sana ako para mailigtas sya gaya ng pagligtas nya sa akin kanina."

Hindi ko maintindihan ang sinabi nyang iniligtas sya ni Juliana dahil binaril pa nga sya nito kanina, at ito rin ang dahilan kung bakit sya nandito ngayon. Pero ayoko ng dagdagan ang bigat ng nararamdaman nya kaya hindi ko na sya tinanong pa dahil pareho kaming nag-alala kay Juliana.

Lumipas ang isang oras, nandito parin kaming tatlo sa labas ng emergency room at hinihintay na lumabas ang doktor ni Juliana. Hindi ako mapakali sa pag-alala na baka hindi nya makaya, si Natalia naman tahimik lang na nakaupo sa wheelchair nya at nakatulala. Panay ang lapit ko sa pintoan ng emergency room at sumilip baka sakaling makita ko ang nangyayari sa loob pero may nakatakip na kurtina. Paano nalang kung mamatay si Juliana? Ughh, wag naman sana.

Ilang minuto pa ang lumipas, humahangos na dumating si Debbie pero hindi parin lumalabas ang doktor.

"Oh my God, Naty! Buhay ka!" Masayang wika ni Debbie at umiiyak na niyakap si Natalia.

"Debbie nasa loob pa ang kapatid ko, baka may mangyaring masama sa kanya." Umiiyak na namang sumbong ni Natalia. Tss.. kahit masama sa kanya si Juliana, nangingibabaw parin ang pagmamahal nya sa kapatid nya.

TILL I MET YOU (Macarena and Barbara)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon