Chapter 52 - Pagbunyag sa Katotohanan

511 16 24
                                    


MACARENA.

"Maca hija ayon si Juliana oh." Wika ni Abuela at may itinuturo, napatingin naman ako sa direksyon na tinuturo ni Abuela kung saan nakaupo si Juliana pero bigla akong nasagi ng waiter na dumaan sa tapat ko na may dalang mga baso at may lamang inumin kaya nag-uunahan itong bumagsak sa sahig.

Hinila ko si Abuela palayo sa mga basag na baso na nagkalat sa sahig at saka tinulungan ko ang waiter na isa-isang dinampot ang mga bubog.

"Ako na po ma'am dahil baka masugatan ka, im so sorry po hindi ko talaga sinasadya na masagi ka sa dala kong tray." Hinging paumanhin nito pero namumutla sa takot.

"Okay lang, alam kong hindi mo naman sinasadya pero sa susunod mag-iingat kana." Nakangiting wika ko sa kanya para naman mabawasan ang takot at kaba na nararamdaman nya.

"Anong nangyayari dito?" Tanong ng manager nang makalapit sa amin, pinagtitinginan narin kami ng ibang mga customer na kumakain. Ako ang kumausap sa manager at nagpaliwanag.

Pagkatapos naming mag-usap ng manager binalingan ko si Abuela na nakaupo nasa harap ng isang mesa na mag-isa. Tumunog naman ang cellphone ko, si Barbara ang tumatawag.

"Hola Barbs?"

"Nasaan ka na? Kanina pa kita hinihintay dito." Nasa tono nito ang pagkabagot. "Oh no, im so sorry my love kasi hinatid ko pa si Abuela dito sa restaurant pero dont worry papunta na ako, okay? I love you." Sagot ko naman at pinalambing ang boses ko. Narinig kong napabuntong hininga sya at tumawa. "Suhulan ba ako ng i love you para di ko magawang magalit." Narinig kong reklamo nya sa kabilang linya. "I love you too rin sayo."

"Ayiee! Kinikilig ako." Pang-eechos ko na idinaan sa biro. Pagkatapos kung magpaalam kay Barbara sa telepono agad kong nilapitan si Abuela.

"Maca hija, maupo ka muna kasi nasa comfort room pa si Juliana. Hintayin mo muna sya sandali." Nakangiting wika ni Abuela. "Kumusta ang pag-uusap nyo sa manager nitong restaurant?"

"Okay na Abuela, mabuti nalang at hindi sya mahigpit sa mga empleyado nya dito." Sagot ko sabay kamot sa pisngi ko. "Abuela, okay lang ba na mauuna ako at hindi ko na mahintay si Juliana? Tumawag na kasi si Barbara at ayoko syang paghintayin ng matagal."

Nakita kong napangiti si Abuela, parang may kakaiba sa mga ngiti nya habang nakatingin sa akin. "Walang problema hija, go ahead at ipakilala nalang kita kay Juliana sa ibang pagkakataon."

"Gracias Abuela. (Thanks lola)" Masayang wika ko at agad syang hinalikan sa pisngi, napailing-iling nalang sya habang tumatawa. "Mag-iingat ka Maca." Wika nya sa akin.

Nagmamadali akong lumabas sa restaurant, gusto kong makita at makilala si Juliana pero mas importante si Barbara kaya sa ibang pagkakataon ko nalang kilalanin si Juliana, uunahin ko muna ang girlfriend ko at ang problema namin ngayon. Pagkasakay ko sa kotse agad na akong umalis papalayo sa restaurant at papunta sa condo unit ni Barbara.


*****

__________


BARBARA.

Nakangiti si Maca ng mapagbuksan ko sya ng pinto at agad syang lumapit at niyakap ako ng sobrang higpit. Napangiti ako habang niyayakap rin sya pabalik.

TILL I MET YOU (Macarena and Barbara)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon