Chapter 14 - Sweet Revenge

919 52 15
                                    


BARBARA.

Tanghali na at kanina pa ako nandito sa ground floor ng building kung saan nasa taas ang condo unit ni Maca. Hinihintay ko si Natalia dahil gusto nya na sya mismo ang susundo sa akin. Maagang umalis si Maca kaninang umaga at nagpunta sya sa La Moraleja bago tumuloy sa airport para sunduin ang parents nya.

Sa totoo lang nag-enjoy ako ng husto habang nandito ako sa condo ni Maca. Ang bait kasi nya at maasikaso, tanga lang ang lalaking maghahanap at ipagpalit si Maca sa iba.

"Barbara!" Napalingon ako sa tumatawag sa akin, si Natalia! Bago pa ako maka-react ay nakalapit na sya sa akin at mahigpit nya akong niyakap. Gosh! Ito ang unang pagkakataon na nararamdaman kong sincere syang nakayakap sa akin.

"Nag-alala kami ng husto kung saan kana nagpunta, akala namin lumayas ka." Nakangiting wika ni George Ivo de Tagle, hindi ko namalayan na nakalapit na pala sya sa amin ni Natalia. OMG! Tumutulo na pala ang mga luha ko, napaka overwhelming naman ng pag-alala nila sa aki. Whew! Feel ko na yatang hindi umuwi sa Mansion nila para mag-alala sila at hanapin ako.

"Nag-alala ako kasi akala ko may masamang nangyari sayo. Hindi mo pa alam ang mga pasikot-sikot dito sa Madrid. Umaga kana nag-email sa akin, dalawang gabi akong hindi nakatulog sa kakaisip kong nasaan kana." Wika ni Natalia pagkatapos nya akong yakapin at nasa tono ang pag-alala.

Seryoso? Nag-alala talaga sya sa akin? Gosh! Na touch naman ako, ngayon ko lang napatunayan na takot syang mawalan ng magandang anak.whew!

"Nasaan ang kaibiganng tumulong sayo hija, para naman mapasalamatan namin sya." Wika ni George de Tagle at inakbayan si Natalia. Bakit nga pala nandito ang step-father ko? Diba nasa Cordoba sya.

"Maaga syang umalis, nagpunta sya sa La Moraleja. Salamat po sa pagsundo ninyo sa akin dito." Wika ko at nagpahid ng luha, muli akong niyakap ni Natalia. Wow! Bakit ba ang sweet nya ngayon?

"Ano ba ang nangyari sayo at hindi kana nakauwi sa Mansion?" Tanong ni Natalia habang sapo nya ang magkabila kong pisngi. Seriously hindi nya alam? Duh! Dahil sa bruha nilang anak.

"Naligaw lang po ako." Maikling sagot ko at dumuko.

"I'm sorry hija, ngayon kalang namin sinundo dito. Pinahintay ko pa kasi ang Mama mo sa pagdating ko para kaming dalawa mismo ang susundo sayo." Pagpapa-liwanag ng step-father ko sa akin.

"Kung hindi pa sya nagpahintay, kahapon pa kita sinundo dito hija." Wika naman ni Natalia at nakangiti na sya ngayon. Wow! Ang ganda pala ni Natalia at napakabata nya tingnan para maging ina ko.

"Chuchi! Wag ka ngang ganyan, para ka namang napipilitan na hintayin ako." Nakasimangot na reklamo ng step-father ko at inakbayan muli si Natalia.

"No Chuchi. Pinaliwanag ko lang sa anak natin kung bakit di natin sya na sundo agad, wag ka ng magtampo." Nakangiting sagot ni Natalia sa asawa nya at niyakap ito, hinalikan naman sya ng step-father ko sa noo.

Waah! Ang sweet naman nila. Chuchi? Ang cute naman ng endearment na 'yan para lang talaga silang teen-ager na magsyota. Wehehe! Feeling O.P na talaga ako. Anak natin? Whew! So parte na talaga ako sa pamilya nila? Aba! Dapat lang mag-celebrate ako dahil dyan.

Dahil tanghali na gusto ni George de Tagle na mag-lunch muna kami bago bumalik sa La Moraleja. So, posible na magkikita kami ni Macarena lage kasi nasa La Moraleja rin ang Town house nila. Hmm! Exciting!

Sa Segovia pala ako dinala ni Stacy, ang pinaka malayong syudad dito sa Madrid. Talagang gusto nya akong itapon sa malayo pero sorry sya dahil nagbabalik na ako at humanda sya sa resbak ko! Wahaha!! Nag-evil smile ako dahil sa naiisip ko, para talaga akong bida sa pelikula na inaapi noon pero nagbabakik ngayon para maghiganti.

TILL I MET YOU (Macarena and Barbara)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon