Chapter 36 - Ang Pagbabalik

462 18 24
                                    

Natalia.

Buenos Aires, Argentina.

Sa torrepueblo ako tumutuloy ngayon. Isa itong modern type condominuim na nasa Palermo Hollywood. Nag-offer si Florencia na pwede ako sa bahay nya tumuloy pero tinanggihan ko, nasa syudad ng Rosario nya napiling bumili ng bahay at malayo na iyon dito sa Buenos Aires. Nakaupo ako sa harap ng malaking salamin na nasa kwarto ko, naglalagay ako ng make up dahil pupunta ako sa casino mamayang hapon para magsugal.

"So ano ang plano mo?" Narinig kong tanong ni Florencia sa akin, kwenento ko kasi sa kanya ang sinumbong sa akin ni Stacy tungkol kay Barbara at Macarena.

"Hindi ko alam." Sagot ko at sandaling itinigil ang paglalagay ko ng lipstick. Si Barbara at Macarena ang nasa isip ko.

"Natalia, nasa 21st century na tayo ngayon, normal na ang mga ganyan na tulad ni Barbara." Wika ulit ni Florencia saka uminom ng alak. "Wag mo sa aking sabihin na malaking bagay para sayo kung lesbiana sya."

Hindi muna ako sumagot, nakatitig lang ako sa repleksyon ko sa salamin. Paano nga kaya kong lesbiana si Barbara? Ang sabi sa akin ni Mama noong nabubuhay pa sya na hindi pa nagkaka boyfriend ang anak ko. Kaya ba hindi sya nagkaka boyfriend kasi babae ang gusto nya, baka may nakarelasyon na syang babae dati at hindi lang alam ni Mama.

"Hindi ako against sa mga LGBT Florencia, pero gusto kong magkaroon ng sariling pamilya balang araw si Barbara, iyong normal na pamilya na may asawat'anak."

"Ano ba ang tawag mo sa buhay ng anak mo kung sakaling totoo na may relasyon sila ng Macarena na iyan, hindi normal?" Tanong naman ni Florencia sa akin, lumapit sya sa inuupoan ko at nakatayo sa likurang bahagi. "Normal parin sila Natalia. Tao parin sila at hindi nila kasalanan kung ganyan sila."

Nakatingin lang ako kay Florencia mula sa repleksyon nya sa salamin na nakatayo sa likuran ko. May punto sya, walang mali kay Barbara kahit babae ang gusto nya, pero hindi maaari. Napatayo ako at lumapit sa mesa saka nagsalin ng alak sa baso at uminom.

"Masasaktan lang sya." Wika ko kay Florencia pagharap ko sa kanya. Umupo sya sa inuupoan ko kanina sa harap ng salamin. "Anak ni Federico Achaga si Macarena."

Muli syang tumayo ng marinig ang sinabi ko at lumapit sa akin.

"Gumawa kana ng paraan para maghiwalay sila. Wag mong hintayin na tumagal pa iyan dahil mas masakit kapag mangyari iyon." Bulalas ni Florencia at nilapag ang basong walang laman sa mesa.

"Tama ka nga." Wika ko at napatango-tango. Umupo ako sa gilid ng kama at isinuot ko ang sapatos na may mataas na sakong.

"Anong plano mo pagdating natin sa casino mamaya?" Maya-maya ay tanong ni Flor, sya na naman ngayon ang naglagay ng make up sa mukha nya.

"Magsusugal. Ikaw, si Federico at iyang sinasabi mong Pablo." Tumayo ako ng matapos ko nang maisuot ang sapatos. "Mapagkakatiwalaan ba ang taong iyan?"

"Yes, of course." Nakangiting sagot agad ni Flor sa akin. "Baliw na baliw kaya iyon sa akin."

Napangiti ako dahil sa sinabi nya. Para syang teenager magsalita.

"Ano nga ulit ang pangalan ng nobyo mo?" Tanong ko sa kanya.

"Pablo, Pablo Rapallo."

Napaisip ako, pamilyar sa akin ang pangalan pero di ko matandaan kung saan ko nakilala.

"How about Federico?" Tanong ulit ni Flor, nakatayo na sya ngayon kaharap ko. "Mahihirapan ka sa kanya."

Ngumiti ako saka lumapit sa kinalalagyan ng bag ko at dinampot ito.

"Tayo nasa casino, excited na akong maglaro." Pag-iiba ko sa usapan. Buti nalang hindi na ako kinulit ni Florencia na sagutin ang tanong nya.

Hindi rin naman ako sigurado kong mapapayag ko ba si Federico Achaga na magsugal. Kapag hindi mangyari ang plano ko ngayon, mapipilitan akong gawin ang plan B.

TILL I MET YOU (Macarena and Barbara)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon