Chapter 31 - Denial

593 23 51
                                    

Barbara

Madrid, Spain.

Maghahating gabi na nang dumating kami sa Mansion de Tagle. Tulog na ang halos lahat nang mga katulong, tanging si Antonieta nalang ang gising dahil hinihintay talaga nya ang pagdating namin. Ang driver nasi Cayetano ang nagsundo sa aming tatlo ni Maca at Christina sa private airport na pag-aari ng pamilya ni Papa.

Hinatid namin si Christina sa bahay nila habang si Maca naman ay dito sa Mansion magpapalipas ng gabi. Sinulit talaga namin ang bakasyon sa Ireland, masayang-masaya ako at inlove na inlove. Nag-uumapaw sa kilig ang puso ko.

"Buenas noches Señorita Barbara at Señorita Macarena." Magalang na bati ni Antonieta sa aming dalawa ni Maca.

"Buenas noches." Sabay naming bati rin sa mayordoma.

"Ipahahanda ko na ang mesa para sa hapunan ninyo mga Señorita at pati narin ang guest room para kay Señorita Macarena."

"Wag na Antonieta." Tanggi ko sa kanya at hinawakan ang kamay ni Maca. "Sa kwarto ko matutulog si Maca at hindi na kami kakain ng hapunan."

"Hindi ba kayo nagugutom?" Tanong ni Antonieta at pasimpleng sinulyapan ang magkahawak naming kamay ni Macarena.

"Gracias Antonieta, kumain na kami bago bumiyahe. Salamat sa pag-aasikaso." Nakangiting wika ni Macarena at pasimpleng binitawan ang kamay ko mula sa pagkakahawak.

"Bueno, dumiretso nalang kayo sa taas at tutulongan ko muna si Cayetano na ipasok sa loob ng Mansion ang mga bagahe ninyo. Excuse me." Wika rin nito at tumalikod na.

Nagkatinginan kami ni Maca at ngumiti sa isat-isa. Mahina nya akong kinurot sa tagiliran.

"Que (what)?"

"Masyado kang obvious. Paano kung isumbong tayo ni Antonieta sa Mama mo?" Nakangiting wika nya at naglalakad na kami papasok sa loob ng Mansion.

"Hinawakan ko lang naman ang kamay mo, anong masama doon? Isa pa, magkaibigan tayo sa mga mata nila kaya hindi sya magsusumbong." Kompyansang sagot ko sa kanya.

Hindi na sya sumagot at sinulyapan lang nya ako habang nakangiti. Ang ganda talaga nya. Hinawakan ko muli ang kamay nya habang papasok na kami sa elevator hanggang sa paakyat na ito sa third floor magkahawak kamay parin kami.

Wala kaming imikan sa loob, Nilingon ko sya, nagtama ang mga mata namin. Ang lakas nang kabog ng dibdib ko. Sinapo ko ang pisngi nya, pumikit sya.

"Te amo (I love you)." Pabulong na wika ko. Hindi sya sumagot pero ngumiti sya at nanatiling nakapikit.

Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa mukha nya, naramdaman ko ang pagdampi ng labi ko sa malambot nyang labi. Bigla namang bumukas ang pinto ng elevator.

"Barbara!?"

Agad kaming lumayo ni Macarena sa isat-isa at pareho kaming napatanga at nabigla na nakatingin kay Stacy na nabigla rin at parang napako sa kinatatayoan nya.

"Stacy---" Hindi ko na natapos ang nais ko sanang sabihin dahil agad syang tumalikod at patakbong bumalik sa kwarto nya. God!

Napahilamos ako sa mukha ko. Kinabahan ako bigla, hindi ko alam ang gagawin ko. Of all people bakit si Stacy pa ang nakakita sa amin ni Maca.

"Barbs, baka isumbong nya tayo sa Mama mo?" Nag-alala na wika ni Maca.

"Dont worry, akong bahala sa kanya." Sagot ko at pilit na hindi pinapahalata na pareho kami ng iniisip. Niyakap ko sya at hinalikan sa noo. At tumuloy na kami sa kwarto ko.

Hindi sya mapakali, halatang nag-alala talaga sya ng husto. Ganoon rin naman ako kaya lang hindi ko pinapahalata para naman hindi sya mas lalong mag-alala. Ugh. Nilapitan ko sya at hinawakan ang dalawang kamay nya.

TILL I MET YOU (Macarena and Barbara)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon