Chapter 10 - The Illegitimate Child

1K 52 26
                                    


Stacy Claudette

Pababa na ako sa ground floor ng Mansion galing sa kwarto ko sa third floor. Simple lang ang ayos ko, maluwag na pants na kulay yellow at spaghetti top na kulay white. Naka lugay ang itim kong buhok na may highlight na kulay yellow. Napatingin ako sa wrist watch ko, 9 a.m ng umaga.

Nang nasa ground floor na ako, pumunta ako sa may outdoor na pool, nandoon sina Papa at Barbara nakupo sa harap ng mesa malapit sa pool. May mga pagkain nasa kanilang harapan pero di pa sila kumakain, alam kong ako ang hinihintay nila.

"Buenas dias, mi amor (Good Morning, My love)." Bati ni Papa sa akin na nakangiti ng makita ako.

"Buenas dias (Good Morning) Pa." Bati ko rin at hinalikan siya sa pisngi. Bumaling ako kay Barbara, dahil ayaw ko ma bad shot kay Papa. "Buenas dias hermana (Sister)."

"Buenas dias, Stacy." Nakangiti rin niyang bati sa akin.

Kung alam lang ng Barbara na ito na naiinis ako sa kanya na narito siya sa Mansion. Kumukulo talaga ang dugo ko kapag nakikita ko siya, isa lang siyang illegitimate child. Wala siyang karapatan dito. Ako, si Stacy Claudette, ang nag-iisang anak ng bilyonaryong si George Ivo De Tagle at ni Natalia Lopez De Tagle.

Ayaw kong may kahati ako sa lahat ng bagay lalo nasa sa pagmamal na binibigay nina Papa at Mama. At lalong ayaw kong maging kahati ang Barbara na ito.

"Kumain na tayo." Wika ni Papa, ng maka-upo ako.

Nakangiti ako sa kanilang harapan, nakita kong nakangiti rin si Barbara at nagsimula na silang kumain. Lihim akong nakasimangot at tinaasan siya ng kilay, gaga! Di ba niya nahalata na peke ang ngiti ko sa kanya. O makapal lang talaga ang mukha niya.

Di ako mapakali habang kumakain, naiinis ako na parang baliwala lang ni Barbara ang ipinakita kong ka plastikan sa kanya. Nakakagigil siya!

"Aalis ako mamayang hapon, pupunta ako ng Cordova dahil titingnan ko doon ang lugar na tatayuan ko ng hospital." Mayamaya ay wika ni Papa. Basag niya sa katahimikan namin habang kumakain.

"Cordova, Argentina?" Tanong ni Barbara.

"Si (Yes), hija. Balak kong magtayo ng hospital sa Cordova, siguro sa susunod na buwan ay sisimulan na ang construction nito." Sagot ni Papa at uminom ng tubig. "At isa pa Barbara, tinawagan ko na ang school registrar head tungkol sa pagpasok mo. Siya na ang bahala, sa lunes puntahan mo nalang siya at ibibigay niya sa iyo ang schedule mo sa klase."

"Talaga po? Hindi na ako kailangan pumunta sa skwelahan para sa enrollment?" Di makapaniwala na tanong nito.

"No, hindi na kailangan hija. Ang taong tinawagan ko ang bahala nasa lahat." Nakangiti na sagot ni Papa.

"Maraming salamat po, P-papa." Tila nahihiyang pasalamat nito.

Di ko mapigilan at palihim ko ulit siyang tinaasan ng kilay. Gosh! Kahapon lang siya dumating pero feel na feel na niyang tawaging Papa ang ama ko! How dare her!! Pero buti nalang at di nila nahalata.

"Si Papa kasi ang may-ari ng papasokan nating skwelahan Barbara." Nakangiti kong wika sa kanya. "At dahil parte kana ng pamilyang ito, isa ka narin sa may-ari ng paaralang iyon."

"Tama iyan Stacy." Nakangiting wika ni Papa, na nakatingin sa akin.

No! Akala siguro ni Papa at ng babaeng ito na palalampasin ko ito, no! Kailangang gumawa ako ng paraan para makaalis ang babaeng ito dito sa Mansion.

_________

Barbara

Ang ganda ng gising ko. Ang lambot ng kamang kinahihigaan ko. Ang lakas ng aircon, na siyang nagpapahimbing sa aking tulog. Bumangon ako sa queen size bed na tinutulogan ko at agad akong naghilamos sa mukha.

TILL I MET YOU (Macarena and Barbara)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon