Chapter 64 - Panggugulo ni Juliana

456 22 11
                                    


MACARENA.

Nandito ako sa tapat ng gate sa dating bahay ng mga magulang ni mama, hinatid ako ni Sebatian dito at sinabi kong wag na nya akong sunduin. Ayoko naman talaga na lage syang nakabuntot sa akin at tratohin ako na para bang nobya nya kaso mapilit sya. Ito ang sinabi nya kanina nina abuela at Barbara na importante kong pupuntahan. Nandito kasi nakatira si mama mula noong pinili nyang umalis sa mansyon at makipaghiwalay kay papa.

May pagtatampo parin ako kay mama pero nangingibabaw parin ang pagmamahal ko at pag-aalala sa kanya, noong araw na nagkasagutan kami bago sya umalis sa mansyon akala ko may masamang mangyayari sa kanya dahil nahihirapan syang huminga, mabuti nalang at hindi na umabot sa puntong kailangan namin syang dalhin sa hospital pero hindi nga talaga sya nagpapigil at desidido syang umalis at nakipaghiwalay kay papa.

Hindi na ako nahirapan pumasok, nandito parin ang ilang mga katulong at ang mayordoma nina abuela at abuelo na syang caretaker narin sa bahay na ito. Pinatuloy at pinaupo ako ng mayordoma sa sofa na nasa salas habang inaakyat pa nya si mama sa kwarto nito. Haays, parang ibang tao ang binibisita ko ngayon dito, matagal narin mula ng nagawi ako sa bahay na ito. Wala parin namang pinagbago pero mahahalata narin talaga na pinaglumaan na ng mga panahon.

"Macarena."

Napatayo ako ng makita si mama na nakatayo sa may hagdanan at nakangiting nakatingin sa akin, lumapit ako sa kanya pagbaba nya at niyakap ko sya. Hindi naman ako nandito para pakiusapan syang bumalik nasa mansyon, nandito ako para dalawin sya at kumustahin. Naiisip ko rin kasi na mas makakabuti na nga sa kanila ang maghiwalay kaysa manatili silang magkasama bilang mag-asawa pero pareho naman silang nagrereklamo na miserable ang buhay nila mula ng pakasalan nila ang isat-isa.

"Hindi ko ini-expect na dadalawin mo ako Maca?" Wika ni mama at iginiya nya ako paupo sa sofa, mapapansin kong mas lalong mukhang stress si mama ngayon, at mahahalata talaga kapag tinitigan sya na kulang sya sa tulog at pahinga. "Mabuti naman at naalala mo pa ako."

"Mama, napaka imposible ng sinabi mong hindi kita maalala." Napangiti ako pero na offend naman ng konti sa sinabi nya, saan sya makakakita ng anak na kinalimutan ang ina? Ngumiti naman sya ng mapansin nya sigurong umiba ang ekspresyon ng mukha ko.

"Biro lang hija. By the way, kumusta kana? Hindi kaba inaapi doon ng mga bagong salta sa mansyon?" Aniya at kampanteng nakaupo sa sofa at nakatingin sa akin. Tss.. alam ko na kung sino ang mga saltang tinutukoy nya.

"Ma, hindi sila mga salta gaya ng tingin at tawag mo sa kanila dahil anak rin si Barbara ni papa, magkapatid kami." Natigilan at napaduko ako ng marealized ko ang sinabi ko, gosh! Aminado na nga talaga akong kapatid ko sya. Nakita kong muling napangiti si mama pero bigla ring sumeryoso ang mukha.

"Kung ganoon tanggap muna talaga na magkapatid kayo ni Barbara?" Tanong nya, sa tono ng pagtatanong nya ay para syang tsismosa na atat makasagap ng tsismis. "Actually Maca, kung hindi kapa dumalaw dito ngayon tatawagan sana kita para makipagkita ako sayo."

"Kailangan mo paba talagang makipagkita ma? Pwede ka namang pumunta sa mansyon anytime."

"No-- no hija, as much as possible ayokong tumapak sa mansyon ng mga Achaga dahil baka makita ko pa ang katulong na inanakan ni Federico at hindi ako makapagpigil.. mapatay ko sya."

"Ma? you can't be serious!" Bulalas ko, alam kong ayaw nya kay Juliana at Barbara pero hindi ko ini-expect na aabot sa puntong papatay na sya ng tao dahil sa galit nya.

"Joke lang!" Bawi nya sa kanyang sinabi, waah! Kailan pa sya natutong mag-joke? "Hindi ako pumapatay ng tao Maca at ayokong ibaba ang level ko para maging kapantay lang ang muchachang iyon."

TILL I MET YOU (Macarena and Barbara)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon