Chapter 15 - First Day of School

909 45 16
                                    


                       Macarena

Kagigising ko lang, ang sarap ng tulog ko. Tumayo ako mula sa kama at nag-unat. Lumabas ako sa aking kwarto at nagmamadaling pumasok sa kabila, ang kwarto nina Papa at Mama.

Nasa Town House namin dito sa La Moraleja ako ngayon nag-stay dahil nandito pa ang parents ko. Aabot pa sila ng ilang araw dito bago sila babalik ng Argentina.

Pagpasok ko sa kwarto nila, natutulog pa sila, agad akong sumampa sa kama at umupo sa gitna nila. Sabay namang nagising sina Papa at Mama dahil sa kabiglaan.

"Buenos dias (Good morning) Papa, Mama." Bati ko sa kanila at isa-isa silang hinalikan.

"Buenos dias hija." Sabay nilang bati at parehong nakangiti.

"Kumusta naman ang tulog nyo?" Tanong ko sa kanila.

"Okay na okay sana hija kung hindi mo pa kami ginising. Madaling araw na tayo nakauwi, bakit ba ang aga mong nagising?" Reklamo ni Papa.

Nag-dinner kami sa labas kagabi at nanonood ng concert. Masaya ako na dumating ang parents ko dito sa Madrid. Napag-usapan namin ng masinsinan ang problema namin. Pina-intindi at siniguro ni Papa na kami ang pamilya nya. At hindi ko na dapat isipin ang tungkol sa kapatid ko at sa great love nya dahil matagal ng tapos iyon.

Nag-sorry ako sa lahat ng nagawa ko at nasabi na hindi maganda sa kanila. Ganon rin sila sa akin, lalo nasi Mama nang masampal nya ako. Bumalik ang closeness namin ng pamilya ko tulad ng dati. At magaan narin ang pakiramdam ko na okay na ang lahat sa amin.

Sinabi ko na rin sa kanila ang nangyari sa amin ni Sebastian. Kung kailan at paano ko sya na huli na may ibang babae.

"That cretin!" Nanggagalaiti na wika ni Papa ng malaman nyang nag taksil si Sebastian sa akin.

Pero siniguro ko sa kanila na okay na ang lahat, at okay na ako. Mas mabuti ng maaga ko nalaman ang mga hindi magandang ginagawa ni Sebastian. At ngayon, hindi ko na sya naiisip at masaya na ako sa buhay ko, kahit hindi na sya parte nito.

"Ano ka ba Pa, ang ganda ng umaga para tulogan mo lang!" Reklamo ko at hinila sya para bumangon.

"No hija, gusto ko pang matulog. Ang Mama mo ang kulitin mo, wag ako." wika ni Papa at nagtulakbong ng kumot.

"Wala kang mapapala sa Papa mo hija, let's go, tayo nalang ang sabay kumain ng almusal." Wika ni Mama at bumangon na mula sa kama.

Nakasimangot ako habang tumatayo. Napatingin ako kay Papa na ngayon ay nakatulog na ulit. Sabay kami ni Mama na bumaba at kumain ng almusal.

Pagkatapos naming kumain, nag sun bathing kami sa tabi ng pool habang nag-uusap. Nag-kwento si Mama ng tungkol sa kabataan nya, at dito rin pala sya sa Spain nag-aaral dati. Sa Barcelona nga lang.

"Bago kami nagpakasal ng Papa mo, may nobyo rin ako. Pero, hiniwalayan ko sya ng malaman kong ipapakasal ako kay Federico."

"So, may great love rin kayo Ma, tulad ni Papa. Pero pinili mong iwan sya para sundin ang gusto ng mga magulang mo." Wika ko at napalingon kay Mama.

"Parang ganon na nga." Sagot ni Mama at biglang lumungkot ang mukha. "Ang pagpapakasal ko sa Papa mo ang tanging paraan para pag-isahin ang kayamanan ng pamilya namin at pamilya nila."

"Kaya sinakripisyo mo ang pansariling kaligayahan para sa pagpapayaman pa lalo ng dalawang pamilya." Wika ko at hindi sang-ayon sa desisyon nila.

Natahimik si Mama. Napatingin sya sa akin, kitang-kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Gosh! Totoo ba itong nakita ko? Nalungkot sya na pinag-usapan namin ang ex-boyfriend nya? Darn! Inlove pa ba si Mama sa lalaking iyon?

TILL I MET YOU (Macarena and Barbara)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon