Chapter 83 - Only Love

861 36 32
                                    


MACARENA.

Nauna akong umuwi sa mansyon dahil biglang sumama ang pakiramdam ko, napahinto ako sa living room nang mapansin ko ang isang baso na may lamang juice na nangangalahati na.

"May dumating bang bisita dito Antonieta?" Tanong ko sa mayordoma ng lumapit sya at iligpit ang mga ito.

"Dumating ang kaibigan ni Señorita Debbie." Maikling tugon ni Antonieta at agad na umalis.

Napabuga ako ng hangin habang pasakay sa elevator paakyat sa third floor, biglang sumakit ang ulo ko at bigla akong nakaramdam ng pagod. Haays, buong araw nasi Barbara lang ang iniisip ko, sobrang hirap nyang kalimutan. Sa sobrang pangungulila ko sa kanya kaya bumigay ako kanina at napahagulhol ng iyak.

Pagdating sa third floor agad akong lumabas sa elevator pero sandali akong napahinto ng makita kong may pumasok sa dating kwarto ni Barbara dito sa mansyon.

"Barbara!" Tawag ko sa babaeng kakapasok lang sa kwarto, tinakbo ko na ito para agad akong makalapit. "Barbara buksan mo ito! Barbara!" Tawag ko pa habang malakas na kinakatok ang pinto.

"Señorita, wala po si Señorita Barbara dyan sa loob." Wika ng isang katulong na lumapit sa akin.

"Anong wala, nakita ko syang pumasok dyan sa loob ngayon lang."

"H-hindi po si Señorita Barbara iyon. May bisita po."

Tss.. nandito pala ang kaibigan ni Debbie.

"Ganoon ba, bakit nasa kwarto sya ni Barbara?"

"Hindi ko po alam Señorita."

Tumuloy nalang ako sa kwarto ko para magbihis. Nakakahiya ang ginawa ko, nakadisturbo ako sa bisita, mabuti nalang hindi sya lumabas at baka lalo akong napahiya. Akala ko lang talaga si Barbara na ang nakita ko, haays! Pati mata ko sya na ang hinahanap.

____

Pumunta kami nina Papa at ni Natalia sa Portugal para magbakasyon ng ilang araw bago ako uuwi sa Buenos Aires. Mas magandang ideya rin ito para maaliw ako at the same time masulit ko ang pagpunta dito sa Spain.

"Salamat Tita Naty."

Nakangiti akong nilingon ni Naty, nasa San Lawrence golf club kami ngayon at nanunuod kay Papa na naglalaro ng golf.

"Salamat saan Maca?"

"Natinanggap mo ako na maging parte ng pamilya nyo at pinatawad nyo si Mama. Salamat dahil binigyan nyo ng pagkakataon na maging magkaibigan muli ang pamilya de Tagle at Achaga."

"Anak ka ng asawa ko Maca, mas nauna si Luisa sa buhay ni George kaysa sa akin at kung sino ang mahal ng asawa ko, mahal ko rin." Muling itinuon ni Natalia ang paningin nya kay Papa na patuloy na naglalaro kasama ang isang kaibigan. "Mahal ko ang pamilya ko Macarena at hindi ako papayag na sisirain ito ng kahit na sino. Binigyan ko lang ng isang pagkakataon si Luisa dahil nakikita kong totoo ang pagsisisi nya kaya wag nya sana itong sayangin."

"Yes Tita, makakaasa ka. Malaki na ang ipinagbago ni Mama at hindi na sya ang dating Luisa na maldita, snob at mapangmataas. Naging malapit narin silang dalawa ni Papa sa isat-isa." Masayang pagbabalita ko kay Naty.

"Natutuwa akong marinig iyan Maca, hindi malayong magkabalikan sina Federico at Luisa."

"Sana nga tita, ang saya ko siguro kapag mangyari iyan." Nilingon ko si Natalia na ngayon ay nakatingin na pala sa akin. "Sorry dahil napagbintangan ko kayo ni Juliana na homewrecker."

"Okay lang Maca, hindi naman totoo ang ibinintang mo." Aniya sabay tawa, nahihiya tuloy ako sa kanya.

Lumapit si Papa at inaya kaming maglaro kasama nya. Kaya siguro masaya ang pamilya nila dahil marunong silang magpatawad at may mga mabubuting kalooban. Masarap sa pakiramdam na parte ako ng pamilyang ito at masarap sa pakiramdam na nagkakasundo na ang dalawa kong pamilya, sana tuloy-tuloy na ito.

TILL I MET YOU (Macarena and Barbara)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon