Chapter 70 - Desisyon ni Maca

509 19 30
                                    


BARBARA.

"Wag mo na ulit gawin iyon sa akin Florencia kung ayaw mong masaktan kita, wag mo rin akong pakialaman kong lalapitan ko ang mag-ina ko!"

Whut? Sinong mag-ina ang tinutukoy ng lalaking ito? Ako ba at si Juliana ang tinutukoy nyang mag-ina?

Hindi ko naituloy ang pagpasok sana sa loob ng ICU, mas pinili kong umalis at lumabas ng hospital. Umupo ako sa upuan na nasa waiting area malapit sa guard house. Kami ba ang tinutukoy na mag-ina ng Pablo na iyon? Kung kami nga, posibleng hindi ko talaga totoong ama si Federico Acahaga. Pero bakit ngayon lang sya nagpakita at umamin kung ganoon nga? Tss.. gaga talaga ako, bakit ba ako umalis sa ICU. Kung itinuloy ko nalang sana ang pagpasok at tinanong ang taong iyon eh di sana nasagot na nya ang mga tanong ko.

Agad akong tumayo at bumalik sa ICU, wala na sila ng makabalik ako. Si Juliana nalang ang mag-isa sa loob. Lumapit ako sa kanya na nakahiga at wala paring malay.

"Narinig mo ba ang dalawa kanina na nagtatalo dito sa loob ng ICU?" Tanong ko kay Juliana kahit wala itong malay, naiinis rin akong isipin na dito pa sila nagtatalo sa loob. "Sino ba talaga ang lalaking iyon? Tayong dalawa ba ang tinutukoy nyang mag-ina nya?"

Napabuntong hininga ako at napaupo sa upuan malapit sa higaan ni Juliana. Kahit gaano pa karami ang itatanong ko hindi naman nya iyon masasagot, i doubt it nga kung naririnig nya itong mga sinasabi ko.

"Ang dami mo talagang sekreto Juliana, hanggang ngayon napaka mistersyosa parin ng dating mo sa akin." Wika ko ulit at nakatingin sa kanya na nakapikit. "Astig mo nga pero nasubrahan ka lang sa taray at kasamaan."

Para akong shunga na nagsasalita sa walang malay. Tumayo ako at inayos ang kumot nya, hinahaplos ko rin ang buhok nya malapit sa noo.

"Magpagaling ka, at kapag gumaling kana magbago kana rin. Sana makilala kita ng lubusan at maramdaman kong mahal mo rin ako." Wika ko pa ulit, umalis na ako bago pa tumulo ang luha ko.

Sa kwarto ni Natalia ako tumuloy, wala si Florencia pagdating ko at ang sabi nila hindi daw ito pumasok dito simula kanina pagdating namin. Ibig sabihin nito, umalis si Florencia kasama ang Pablo na iyon. May alam kaya si Florencia sa mag-ina ni Pablo?

"Barbara!"

Napalingon ako ng sumigaw si Stacy sa pangalan ko.

"Ano daw?" Tanong ko na parang wala sa sarili.

"Tinatanong ka ni mama." Wika nya, saka ako napalingon at lumapit kay mama. "Wala pa bang balita sa paghahanap kay papa?" Tanong naman ni Stacy.

"Tawagan mo si Florencia, sabihin mong ibalita nya sa mga pulis na nakita nyo na ako at si George nalang ang hanapin nila. At sabihin mo rin kay Florencia na hindi kailangang mailabas sa media na nakita nyo na ako at nandito tayo sa hospital."

"Opo ma." Sagot ko at lumabas ng kwarto para tawagan si Florencia.

Nakailang tawag na ako pero hindi ako sinasagot ni Florencia, saan kaya nagpunta ang babaeng iyon? Tinawagan ko parin sya pero talagang hindi ako sinasagot hanggang sa hindi ko na talaga sya makontak. Kaloka!

"Barbara!"

Nagulat na naman ako ng biglang tawagin ang pangalan ko, paglingon ko si Debbie lang pala at nahihirapan sa mga dala nyang gamit kaya agad ko syang nilapitan at tinulungan.

"Balak mo bang lumipat ng tirahan dito sa hospital? Ang dami namang gamit na dala mo." Komento ko habang papasok nasa loob ng kwarto.

"Bakit Barbara, pwede na bang umupa ng tirahan dito sa hospital?" Tanong naman ni Debbie habang nakasunod sa akin.

TILL I MET YOU (Macarena and Barbara)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon