Chapter 47 - Anak

490 19 21
                                    


MACARENA.

Nalaman ko mula kay Abuela na nandito sa hospital si Papa para dalawin si Juliana, aksidenteng marinig ko ang pag-uusap nila ni Bernardo sa kanyang kwarto kanina. Agad naman akong pumunta dito sa hospital para makausap si Barbara, hindi ko akalain na pagpasok ko sa kwarto ni Natalia ay makikita ko si Papa.

Nang makita kong nagtitigan sila pagpasok ko at idagdag pa ang bulaklak na hawak ni Papa isa lang ang pumasok agad sa isip ko, si Natalia ay si Juliana. Tss.. hindi ko naisip na napaka imposible nga naman kung ganoon. Pero kung nagkatotoo na tama ang hinala ko kanina, gosh! Hindi ko alam kung ano ang magagawa ko.

"Now tell me, bakit ka nandito at bakit mo alam na nahospital si Juliana?" Wika ni Papa at nakatingin sa akin habang hinihintay na sagutin ko ang tanong nya.

"Narinig ko ang pag-uusap nina Abuela at Bernardo." Matapat na sagot ko sa kanya. "Lets go Pa, sasamahan kitang dalawin si Juliana para naman makilala ko sya at ang kapatid ko."

Hindi sumagot si Papa at nakatitig parin sya sa akin, parang hindi sya makapaniwala na gusto kong makita ang mag-ina nya sa labas. Napabuntong hininga sya at inabot nya sa nurse na dumaan ang bulaklak na dala nya.

"Ms. sayo na 'yan." Wika ni Papa habang nakangiti sa nurse. Nakita kong kinilig ang nurse at agad tinanggap ang bulaklak.

"Gracias. (Thanks)" Wika ng babae at umalis na agad, tinanguan lang ito ni Papa. "Bakit gusto mong makilala si Juliana?"

"Bakit hindi? Kahit sa ayaw at sa gusto namin ni Mama, parte na sya ng buhay natin dahil may anak ka rin sa kanya." Sagot ko sa kanya, hindi ko alam saan ako humuhugot ng tapang na sabihin ito kay Papa. "Dadalawin mo lang naman sya diba, Papa?"

Muling napabuntong hininga si Papa at napalingon sya sa may bandang elevator saka muling tumingin naman sa akin.

"Okay, ipapakilala kita sa kanya pero sa isang kondisyon." Wika nya at seryosong nakatingin sa akin, tss.. bakit ba kailangang may kondisyon pa? "Ipakilala mo muna sa akin ang girlfriend mo bago ko sayo ipakilala si Juliana. Okay?"

Seriouly? OMG! Si Papa ba itong kausap ko? Kailan pa sya natotong magbigay ng kondisyon sa akin kapag may hinihiling ako sa kanya? Tsk. Mukhang iisahan nya yata ako.

"Seryoso ka Pa?" Naniniguro na tanong ko sa kanya. "Seryoso ka nga, sige ipapakilala ko sayo ang girlfriend ko at kapag nangyari na iyon ipapakilala mo rin sa akin si Juliana." Itinaas ni Papa ang kanyang dalawang kamay na parang sumusuko.

"Sa bahay na tayo mag-usap Maca, kailangan ko ng umalis. Ciao." Hinalikan nya ako sa pisngi saka agad na tumalikod at naglakad papunta sa elevator.

Bakit ba naging ganito si Papa nitong mga nakaraang araw? Lage nalang syang umiiwas kapag may importante kaming pinag-uusapan. Hmp! Tumunog ang cellphone ko, si Barbara ang nagtext, nasa canteen daw sya kaya agad naman akong nagtext back na papunta na ako sa canteen.

Pagpasok ko sa canteen agad ko namang nakita sina Barbara, Debbie at si Stacy na nakaupo sa may kaliwang bahagi ng canteen. Nandito na pala si Stacy, mabuti naman at sumama ito sa kanila ngayon dito pero nakasimangot parin na nakatingin sa akin.

"Hola." Nakangiting bati ko sa kanila.

"Hola Maca." Wika ni Barbara at tumayo agad saka niyakap ako.

"Anong ginagawa ng babaeng ito dito?" Mataray na tanong ni Stacy. Pinaupo ako ni Barbara sa tabi nya.

"Hola Maca, i like your dress." Wika ni Debbie sa akin na nakangiti at maarteng sinuklay ang kanyang buhok gamit ang mga daliri. "Can i tell you three things?"

TILL I MET YOU (Macarena and Barbara)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon