Chapter 75 - Kanya-kanyang buhay

392 23 5
                                    


BARBARA.

Nagtataka ako kaninang umaga ng magising ako na suot ko na ang singsing na ito, nakalimutan ko naman itong tanggalin dahil narin sa pagmamadali ko kanina. Kay Maca pala ang singsing na ito, ibig ba nitong sabihin isinuot nya ito sa akin habang tulog ako?

"Magkasama kami ng bilhin nya ang singsing na iyan kaya alam kong kay Maca iyan." Narinig kong sinabi ni Sebastian sa akin pero matalim ko syang tiningnan.

"Nakita mong suot ko diba kaya akin ang singsing na ito." Mataray na sagot ko sa kanya. "Isa rin akong Achaga at isang de Tagle ang ina ko kaya kahit ilang singsing pa na ganito ang bibilhin ko kayang-kaya ko."

Pinandilatan ko pa sya saka tinalikuran, pero hindi ko naman maintidihan ang naramdaman ng puso ko. Pagpasok ko sa opisina naabutan kong hinihintay na ako nina papa at abuela. Umupo ako sa harapan nila at sinabi ko agad sa kanila na aalis na muna ako sa mansyon at lilipat ng tirahan na kasama si Juliana.

"Bakit biglaan? Bakit hindi mo dito dalhin si Juliana? Atleast dito nandito kami at matutulungan kang bantayan sya." Wika ni abuela, hindi nagsasalita si papa pero alam kong pinag-isipan nya ang sinabi ko.

"May gusto lang akong malaman abuela, isa pa magiging komplikado kapag dito ko dinala si Juliana." Sagot ko sa malumanay na tono. "Iilan lang tayong nakakaalam na kambal sina Natalia at Juliana."

"At ano naman ang gusto mong malaman?" Tanong ni papa na ikinatingin namin ni abuela sa kanya.

"Marami papa, mahirap ipaliwanag pero malalaman nyo rin ito pagdating ng panahon. Magtiwala kayo sa akin." Nakikiusap na wika ko pa sa kanila.

Ilang minuto ko rin silang kinombinsi bago sila pumayag. Para akong nabunutan ng tinik ng pumayag na sila. Agad akong nagpaalam para mag-impaki ng mga gamit ko.

"Hindi ba pwedeng ipagbukas mo nalang ang pag-alis hija? Nawawala pa ang kapatid mo." Narinig kong wika ni abuela ng nasa pintoan na ako. Si Maca nawawala? Saan naman kaya sya nagpunta?

"Mama, hindi naman siguro tama na idamay natin si Barbara sa hindi pag-uwi ni Maca." Wika naman ni papa, nilingon ko sila at nginitian.

"Uuwi rin si Maca abuela, baka kasama lang ang mga kaibigan nya ngayon at sinulit nya ang mga natitirang araw na dalaga pa sya." Agad na akong nagpaalam pagkatapos kong magsalita.

Nag-alala man ako na hindi pa sya umuuwi pero wala na akong mapapala kahit mag-alala pa ako. May kanya-kanya na kaming buhay ngayon. Paakyat na ako sa taas ng maabotan ko parin sa living room sina Luisa at Sebastian, hindi ko sila pinansin at tuloy lang ako sa pag-akyat sa hagdanan.

Pagdating ko sa kwarto ko agad akong nag-impaki sa lahat ng mga gamit na dadalhin ko. Mas mabuti narin ito para hindi na kami magkikita ni Maca at maging madali nasa amin pareho na kalimutan ang isat-isa. Ilang oras akong nag-impaki sa mga gamit ko, gabi na ng matapos ako. Muli akong nagpaalam kina abuela at papa, hindi parin umuuwi si Maca. Si Bernardo ang tumulong sa akin na isakay ang mga maleta ko sa kotse at tinanggihan ko ang alok ni papa na samahan ako at ihatid.

"Bakit kailangan mo pang umalis Señorita?" Tanong ni Bernardo, nasa tono ang lungkot.

"Wag kang mag-alala Bernardo, magkikita parin tayo. Babalik pa naman ako dito pero hindi ko nga alam kong kailan." Nakangiting sagot ko sa kanya. Sa loob ng maikling panahon na pagtira ko dito, naging malapit ako sa mga katulong dito sa mansyon, tinuring ko silang mga kaibigan dahil naging katulong rin dati dito si Juliana.

Palabas nasa gate ng mansyon ang kotse ko pero nakikita ko parin sa salamin ng kotse si Bernardo na kumakaway. Babalik lamang ako dito kapag hindi ko na mahal si Macarena. Mula sa mansyon ng mga Achaga bumalik ako sa hospital at dito ako magpalipas ng gabi. Tumawag sa akin si Natalia na nasa Cordoba na sila at naka stand by na ang eroplanong sasakyan nila pauwi ng Spain. Kahit sa cellphone lang kami nakapagpaalam, masaya naman ako para sa kanila at sana lang hindi na magugulo ang buhay at pamilya nila.

TILL I MET YOU (Macarena and Barbara)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon