Chapter 55 - Pain, Hatred and Regret

509 25 36
                                    


MACARENA.

Papasok pa lang kami sa restaurant hindi na ako mapakali, para bang kinakabahan ako na hindi ko maintindihan. Hindi mawala-wala ang ngiti ni Abuela sa kanyang labi habang si Papa naman tahimik lang pero halatang kinakabahan. Si Mama wala lang syang imik at kanina pa naka pokerface.

Mga ilang minuto na kaming naghintay pero hindi parin dumarating sina Juliana at ang anak nya, hindi kami sanay na pinaghintay kasi sa estado ng buhay namin kami lage ang hinihintay. Tahimik kaming apat na nakaupo dito sa loob ng restaurant habang hinihintay ang mag-ina.

Sa pinto ng restaurant lang nakatuon ang atensyon ko dahil gusto kong makita agad ang pagdating nina Juliana at ng anak nya, napalitan ng tuwa ang nararamdaman sa puso ko ng makita ko si Natalia na papasok ngayon dito sa loob ng restaurant kasunod si Barbara. Gosh, dito rin ba nila naisipang mag-dinner?

Tatayo na sana ako para lapitan sila at batiin nang marealized ko nasa amin sila papalapit, biglang bumalik ang kaba sa puso ko pero ngayon mas lalong lumakas ang kabog nito at parang nararamdaman kong hindi maganda ito.

"Hola, buenas noches familia Achaga.(Hello, good evening Achaga family)" Masiglang bati ni Natalia, agad nitong nilapitan si Abuela at nag-beso sila.

Nagtama ang mga mata namin ni Barbara, nakita ko sa mga mata nya na nagulat rin sya, hindi sya umimik at hindi rin nagsalita. Magkakilala sina Abuela at Natalia? Kilala ni Natalia ang pamilya ko? Pero imposibleng hindi nya alam na ako ang anak nina Federico at Luisa Achaga noong ipinakilala ako ni Barbara sa kanila.

"Señora Luisa, Federico.. ito ang anak ko si Barbara." Nakangiting pagpapakilala ni Natalia kay Barbara. "Macarena, si Barbara ang anak namin ni Federico. Si Barbara ang kapatid mo."

Si Barbara ang kapatid mo.

Si Barbara ang kapatid mo.

Parang bombang paulit-ulit na sumabog ang sinabi ni Natalia. Hindi ba ako nagkakamali ng narinig? Si-- si Barbara? Siya? Si Natalia-- si Natalia si Juliana! Paano nangyari ito?

"Half-sister." Narinig kong sabat ni Mama sa usapan pero panay parin ang inom ng alak.

"Pareho lang iyon Luisa." Nakataas ang isang kilay na sagot ni Natalia pero nakangiti parin, ngayon alam ko na-- napaka plastik nyang tao. "Magkapatid parin sila."

Umiiyak at nanginginig na lumapit si Abuela kay Barbara, si Papa naman panay ang punas ng panyo sa noo nya dahil pinagpawisan sya kahit malakas naman ang aircon dito sa loob. Nakita kong niyakap ni Abuela si Barbara, iyong yakap na parang sabik na sabik.

"Ang apo ko, ikaw ang apo ko." Narinig kong wika ni Abuela at napapangiti habang umiiyak sa tuwa.

Dahan-dahan akong tumayo, sumisikip na kasi ang dibdib ko at kapag hindi pa ako tatayo baka hindi na ako makahinga. Panay parin ang sulyap sa akin ni Barbara habang hindi naman nya malaman kong yayakapin pabalik si Abuela o hindi.

"Anong ibig sabihin nito Barbs?" Napapaos ang boses na tanong ko, nag-uunahan nasa pagpatak ang mga luha ko. Kahit alam ko na kung ano ang nangyayari ngayon pero mas pinili ko paring itanong mismo sa kanya baka sakaling sabihin nyang biro lang ang lahat ng ito. "Please, sabihin mo sa akin na hindi totoo ang lahat ng ito. Please Barbs."

"Unfortunately totoo ang lahat ng ito Macarena. Magkapatid kayo." Sagot ni Natalia at tuwang-tuwa na nakatingin sa akin, tumayo si Mama at lumapit sa akin. Naramdaman kong hinahaplos nya ang likod ko habang tuloy lang ako sa pag-iyak na nakatingin kay Barbara.

"I told you so Maca." Pabulong na wika sa akin naman ni Mama.

"Bakit ganito Juliana? Bakit hindi mo agad sinabi nasi Barbara ang anak natin? Bakit hinayaan mong mangyari lahat ito?" Sa wakas, nagsalita narin si Papa at nagawa na nyang magtanong sa babaemg ito.

TILL I MET YOU (Macarena and Barbara)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon