Chapter 32 - Pagbabalik ng Taksil

601 19 34
                                    

Barbara

Hapon na nang lumabas ako sa kwarto. Pagkatapos naming mag-usap ni Mama kaninang umaga hindi na ako lumabas nang kwarto para kumain. Natatakot akong kausapin na naman nya ako tungkol sa nakita ni Stacy kagabi at baka maamin ko na nagsasabi ng totoo si Stacy, natatakot ako sa magiging reaksyon nya.

Gustong-gusto ko ng aminin sa kanya kaninang umaga na totoo ang sinasabi ni Stacy at girlfriend ko nasi Macarena pero naunahan talaga ako ng takot. Baka mabigla sya at ayaw nya akong pakinggan, and worst baka mas lalo nyang hindi magustuhan si Maca.

Nahihirapan akong aminin, paano ko ba ipapaliwanag na totoo ang nararamdaman ko kay Maca, weird! pero minahal ko sya agad. Hindi ako sumasagot sa mga tanong ni Mama kanina dahil ayokong magsinungaling at isa pa, para bang bigla nalang umurong ang dila ko.

Kailangan ko nang ihanda ang sarili ko sa pwedeng mangyari na ano mang oras malalaman rin naman talaga nila Papa at Mama ang tungkol sa amin ni Macarena. Pero sa ngayon na hindi pa nila alam, e-enjoy ko muna ang mga panahon na magkasama kami ni Maca at masaya.

Nasa ground floor na ako ng Mansion, naka suot ako ng kulay dilaw na swim suit at papunta ako sa outdoor pool.

"Buenas noches (Good afternoon) Señorita Barbara." Sabay-sabay na bati ng mga katulong sa akin na kasalukuyang naglilinis ng living room.

"Buenas noches." Nakangiting bati ko rin sa kanila pabalik.

Nasa tapat na ako ng swimming pool, sya namang pag-ahon ni Stacy mula dito. Agad akong tumalikod ng makita sya at naglalakad pabalik sa loob, gusto ko syang iwasan kung maaari.

"Entonces eres lesbiana (So you're lesbian)."

Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang sinabi ni Stacy, sinundan pa nya ito ng mahinang pagtawa pero naririnig ko.

"El amor es demasiado hermoso para esconderse en un armario, hermana (Love is too beautiful to be hiding in a closet, sister)." Wika ulit ni Stacy na ikinalingon ko sa kanya. Duh! kung magsalita sya para bang hindi nya ako sinumbong kay Mama. Ugh!

"Mira quien habla (Look whos talking)." Pikon na sagot ko sa kanya, hindi kami close. "No sabes nada (You know nothing)!"

"No me conoces (You dont know me)!" Pikon narin na sagot nya sa akin.

"Uh-huh, de verdad (really)?" Mataray ko namang hirit pa sa kanya, parang nagkapikonan na kami ah. Ugh.

"Si (Yes). Por que estas enojado conmigo (Why are you mad at me)?" Mataray narin nyang tanong, tsk! "Porque te informe a mi madre (Because i reported you to my mother)?"

Kung papatulan ko pa sya ngayon, baka aabot kami sa punto na magsabunotan kaya bago pa mangyari iyon, ako na ang iiwas.

"No quiero perder el tiempo hablando contigo (I dont want to waste my time talking with you)." Sumusuko na wika ko kay Stacy. "Pero mag-iingat ka, dahil kapag may nakita akong mali sa mga ginagawa mo, sinisiguro kong ako mismo ang huhudas sayo."

Pinandilatan ko sya bago ko tinalikuran. Haays, wala naman akong karapatan magalit dahil totoo naman talaga ang mga sinasabi nya pero kung makikita nyang guilty ako, baka ito pa ang gawin nyang alas laban sa akin. waahh! ang hirap ng ganitong sitwasyon.

Nakasimangot ako habang naglalakad paakyat sa grand dual staircase ng Mansion. Nawala ang gana ko para maligo, bakit pa kasi kami nagkasabay ni Stacy.

"Señorita Barbara." Tawag ng isang katulong sa akin. "May tawag po kayo, si Señorita Christina po."

"Gracias (Thanks)." Wika ko at inabot ang wireless na telepono. "Hola Christina, que pasa (Whats up)?"

"Barbara, kailangan mong puntahan si Macarena sa condo nya ngayon din." Nagpapanic na wika ni Christina sa kabilang linya.

TILL I MET YOU (Macarena and Barbara)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon