Chapter 4 - Unang Pagkikita

1.3K 79 27
                                    


MACARENA's POV.
*******


Te marchaste sin palabras
(You left without a word)
Cerrando la puerta
(You closed the door)
Justo cuando te pedia un poco más
(Just when I was asking for some more)
El miedo te alejó del nido
(Fear drove you from our nest)
Sin una respuesta
(But for no reason)
Dejando un corazón herido dejandome atrás
(You left behind a broken heart)

Kahit maganda ang boses ng vocalista na nagpe-perform sa stage at kahit paborito ko ang kantang kinanta niya, wala sa pagkanta niya ang atensyon ko.

Katulad ng ibang parokyano ng bar and restaurant na ito, sa suot na red mini-skirt, black tube blouse at net stockings ng singer ako nakatingin.

Y ahora me muero de amor si no estás
(And now I'm dying for your love but you're gone)
Me muero y no puedo esperar
(I'm dying and I can not wait)
A que vuelvas de nuevo aqui
(Until you've returned again)
Junto a mi con tus besos
(To me here with your kisses)

Bumagay sa kanyang kagandahan ang kanyang suot ngayong gabi. May naramdaman akong tuwa sa puso ko habang nakatitig sa kanya, iba siya sa lahat ng mga vocalistang nakikita ko nang kumanta.

Gusto ko tuloy maging kagaya niya.

Siguro ang mga taong kagaya niya ang hindi na aapektuhan ng mga problema, o baka nga wala talagang problema ang mga kagaya niya. Pwede niya kasing idaan sa pagkanta ang lahat ng mga nararamdaman niya.

Nakakainggit siya.


Es que me muero de amor si no estás
(I'm dying here, you see, for your love when you're gone)
Me muero y no puedo esperar
(I'm dying and I can not wait)
Necesito tenerte aqui junto a me
(I need to have you here with me)
Sin tu amor no puedo seguir
(Without your love I can not go on)

Tumayo ako sa inuupuan ko at humakbang palapit ng konti sa stage.

"Macarena stay here."

"Leave me alone Victoria." Baliwala sa akin ang naramdaman kong pagkahilo habang nakatitig sa vocalista.

Tagos sa puso ang kanta niya.

Until i realized umiiyak na pala ako.

Bigla akong nakaramdam ng panlulumo habang sumasabay naman ang kirot sa puso ko. Gusto ko iiyak lahat ng sakit na nararamdaman ko, gusto kong ilabas lahat ng mga hinanakit ko. Para man lang mabawasan itong bigat sa dibdib ko.

Mabilis akong tumalikod at lumabas ng bar nang maramdaman kong nanginginig at nanghihina na ako.

"Are you okay Maca?" Nag-alalang tanong ni Vicky. Sinundan niya pala ako dito sa parking area.

"Yes Vicky, im okay. Naparami lang ang inom ko kaya ako nahilo at biglang naging emosyonal." Sagot ko sabay pasok sa loob ng kotse.

"Aalis ka na?"

"Si. (Yes) Gusto ko nang magpahinga at matulog."

"Pasensya ka na Maca, gusto man kitang ihatid pero hindi ko naman maiwan dito sa bar ang mga college friends ko na dumayo pa talaga dito from Brazil and Mexico para lang makasama ako."

"I understand Vicky, wag mo na akong alalahanin. Bumalik kana sa loob, okay lang ako." Sagot ko.

"Thanks Maca.. Drive safely, bye."

"Adios. (Bye)"

Napahilamos ako sa mukha at napasandal. Kinuha ko ang cellphone sa bag para e-check. Sobrang daming missed calls from Sebastian, may missed calls rin si Mama at Papa. Ugh. Ilang beses akong nagbuntong hininga bago binuhay ang makina ng kotse.

TILL I MET YOU (Macarena and Barbara)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon