Chapter 19 - Lihim ni Natalia

769 40 9
                                    

Macarena


patakbo akong bumaba sa hagdanan papuntang sala, wala si Barbara. Nakita ko si Carolina na kapapasok lang galing sa labas ng town house.

"Carolina, nakita mo ba si Barbara?" Tanong ko at humihingal.

"Ka-aalis lang Señorita, hindi ba sya nagpaalam sayo?" Nagtataka na tanong rin sa akin ng katiwala.

"Anong umalis?" Nabigla ako sa narinig ko at patakbong lumabas sa town house.

Tumakbo ako hanggang sa narating ko ang gate ng town house namin, wala nasi Barbara, hindi ko na sya naabotan.

Bakit sya umalis? hindi nga sya nagpaalam na uuwi, galit ba sya? Wala sa sariling bumalik ako sa loob ng town house, ang laki siguro ng galit ni Barbara sa akin kaya sya umalis nang hindi nagpapaalam.

Pumunta ako sa imbakan ng mga alak namin, nag-shot ako ng dalawang baso ng imported na alak. Naiinis at nagtatampo ako kay Barbara, masyadong immature ang ginawa nya ah.

Muli akong nagshot ng pangatlong baso ng alak saka nagpasyang bumalik sa loob ng kwarto ko. Pagpasok ko sa loob, napasandal ako sa pinto ng maisara ko ito. Naalala ko ang nangyari kanina, ang muntik ko nang halikan si Barbara. Alam kong iyon ang dahilan kaya sya umalis, galit ba sya dahil ginawa ko iyon o galit sya dahil hindi ko itinuloy?

"Ano ba talaga?" Nagugulohan na naitanong ko sa sarili.

Napapikit ako, at dahan-dahan akong napaupo sa sahig. Napasapo ako sa noo ko. Baka galit nga sya dahil muntik ko na syang halikan, baka ako lang ang nag-isip na may gusto sya sa akin, gayong ako naman talaga itong may gusto sa kanya, haays.

Gosh, wala na akong mukha na maihaharap kay Barbara bukas kapag nagkita kami sa skwelahan.

"Nakakahiya!" Wika ko at agad tumayo mula sa pagkakaupo ko sa sahig at pumunta sa kama at humiga.

Napatitig ako sa kisame, ugh. ano kaya ang iniisip ni Barbara ngayon? siguro nandidiri sya, nakakahiya kaya ang ginawa ko. Haays, pareho kaming babae.

"Nakakahiya ka Maca!" Bulalas ko at tinampal ang noo ko ng dalawang beses.

Tumagilid ako, niyakap ko ang isang unan. Ang lambot! napangiti ako ng maalala ko ang mukha ni Barbara. Iniimagine ko nalang nasi Barbara ang niyayakap ko. hmp!



___________




De Tagle Mansion


                       Natalia

Palabas na ako galing sa wine cellar habang hawak ko ang isang baso na may lamang wine na dala namin kanina ni Stacy galing sa Barcelona. Ito ang panghuling laman ng bote na ininom ko, at hindi pa ako tinatablan dahil sa dami ng iniisip ko.

Naabotan ko si Barbara, paakyat na sya ngayon sa isa sa dual grand staircase. Tinawag ko sya.

"Barbara." Mahinahon ngunit madiin ang pagkakatawag ko sa pangalan nya.

Napalingon sya sa akin, muli syang bumaba ng hagdanan at lumapit sa kinatatayoan ko.

"Umuwi na pala kayo." Walang emosyon na wika nya. Napatingin sya sa baso na hawak ko. "Umiinom ka pala."

"Ang sabi sa akin ni George, nag slepover ka daw sa bahay ni Macarena." Pag-iiba ko sa usapan.

"Sana." Sagot nya agad, na tila walang gana. "Pero nagbago ang isip ko, hindi ako makakapag isip ng matino kong sa bahay nila ako matutulog."

"Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong ko. Uminom ako ng alak na nasa baso na hawak ko.

"Wala Ma."

TILL I MET YOU (Macarena and Barbara)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon