Chapter 56 - Ang Magkapatid

491 21 19
                                    


NATALIA.

Huminto ang kotse namin sa harap ng isang 5-star hotel dito sa Palermo. Ito ang lugar na sinasabi ng source ko na tinutuloyan ng kapatid ko.

"Sasamahan ba kita?" Tanong sa akin ni George, hinawakan nya ang nanginginig kong kamay at pinisil. "Tayong dalawa ang kakausap sa kanya."

"Hindi, ako lang mag-isa ang kakausap sa kanya." Nakatingin ako sa asawa ko, pilit akong ngumiti para ipakita lang sa kanya na okay ako dahil alam kong nag-alala talaga sya sa akin. "Hintayin mo nalang ako sa parking area ng hotel."

"Okay Chuchi." Sabi pa nya at hinalikan ako. "Mag-iingat ka."

______

Nang nasa tapat na ako ng inuukopahan nyang kwarto kumatok ako ng tatlong beses pero walang nagbukas. Pagkatok ko ulit saka lang bumukas ang pinto at bumungad ang taong napaka pamilyar sa akin, ang nag-iisa kong kapatid.

Para akong nakatingin sa salamin at tinitingnan ang sarili ko habang nakatingin ako sa babaeng kaharap ko ngayon. Ang hugis ng mukha, ang kulay at hugis ng mga mata, ang matangos na ilong, ang labi at pati mga pilik mata parehong-pareho nang sa akin. Isang mukha na dalawang tao ang nagmamay-ari.

Siya si Juliana ang kakambal ko, ang totoong ina ni Barbara. Siya si Juliana, ang dating katulong ng mga Achaga na minahal at inanakan ni Federico Achaga. Siya si Juliana, ang may galit at gustong gumanti sa mga Achaga dahil sa hirap na dinanas nila sa mga kamay ng pamilyang iyon. Pero hindi ko lubos maisip, bakit sya pa mismo ang sumira sa mga plano namin, bakit ako ang inilagay nya sa alanganin at hinayaang masira sa paningin ni Barbara.

"Hola hermana. (Hello sis)" Nakangiting bati nya sa akin, para bang inaasahan na nya ang pagdating ko. Hindi ako sumagot, sinampal ko sya ng sobrang lakas na mas malakas pa sa sampal ni Barbara sa akin.

Nagulat sya sa ginawa ko pero nakuha parin nyang ngumiti sa akin. "Iyon ba ang pasalubong mo? Ang sweet mo nga talaga." Wika pa nya na lalong nagpapainis sa akin.

"Anong ginawa mo? Bakit galit na galit sa akin ang anak ko?" Hindi ko alam kung paano ilalabas ang galit ko ngayon, kung kumilos at magsalita sya ngayon parang wala lang nangyari.

"Correction, anak ko sya!" Wika nya at biglang sumimangot. Muli ko syang sinampal pero sa pagkakataong ito gumanti narin sya ng sampal sa akin. "Ito ba ang gusto mo, magkasakitan tayo? Sige, pagbibigyang kita."

Hindi ko sya sinagot kasi mukhang seryoso nga sya at baka mas lalo akong maiipit sa sitwasyong ito. Pumasok ako sa loob ng kwarto at inihagis ko ang aking bag sa kama nya saka ko sya muling hinarap. "Now tell me, anong ginawa mo?"

"Kailangan ko pa ba talagang sabihin sayo lahat? Wag kang mag-alala dahil parte parin iyon sa mga plano natin Natalia. Gusto kong ipamukha kay Luisa na nakakalamang na ako sa kanya at ipamukha kay Macarena na hindi sya para sa anak ko. Two birds hit in one stone diba?" Napangiti ulit sya habang nakatingin sa akin. "Ginawa ko lang ang gusto mo, ang ipakilala si Barbara sa pamilya ng ama nya." Yes, sinabi ko iyon pero hindi sa ganitong paraan. Pinapahamak nya ako ngayon. "Dapat lang rin kay Barbara na saktan ko sya dahil masyado syang nahuhumaling sa babaeng iyon."

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo?" Bulalas ko, hindi ko masyadong nakuha ang ibig nyang sabihin pero bakit kailangan nyang saktan ang sarili nyang anak? Ako at si Barbara ang iniipit nya. Lumapit sya sa kama at umupo sya dito.

"Matagal nating plinano ito Natalia, nangako ka sa akin na tutulungan mo ako, hindi mo ako iiwan pero bakit ngayon parang naduduwag kana?"

"Ayoko na Juliana, nakukonsensya na ako, naaawa na ako kay Barbara. Mahal nilang dalawa ni Maca ang isat-isa at ramdam ko ang sakit na dinanas nila ngayon dahil sa ginawa mo."

TILL I MET YOU (Macarena and Barbara)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon