Chapter 16 - Confused

875 44 18
                                    

Achaga Town House


                       Macarena


Katatapos ko lang mag-dinner mag-isa dahil hindi pa umuuwi sina Papa at Mama galing sa bahay ng kaibigan nila na nag-invite sa kanila ng dinner tonight. Gusto sana nila akong isama pero tumanggi ako dahil alam kong mabobored lang ako doon dahil puro negosyo rin ang pag-uusapan nila.

Suot ang sexy blue low cut push up V wire underwired two piece swim suit ko, tumalon ako sa rectangular pool namin. Lumangoy ako papuntang dulo pabalik sa kabilang dulo.

Nagbabakasakaling makalimutan ko sandali si Barbara. Kanina pa sya laman ng isipan ko. Nag freestyle stroke ako, nag backstroke, nag breaststroke, nag butterflystroke, nag sidestroke, lahat na yata ng klase sa paglangoy ginawa ko na. Pero malinaw parin sa isip ko ang mukha ni Barbara.

"Shit!" Napamura ako ng makaahon ako mula sa tubig. Napasapo ako sa ulo ko at napabuga ako ng hangin.

Naalala ko ang nangyari kanina sa cafeteria, ang mga reaksyon ni Barbara ng makita ako. Naalala ko ang unang pagkikita namin, ang muling pagkikita. Ang pagiging malapit namin sa isat-isa.

"God! May something ba?" Tanong ko habang tapatingala sa langit.

Lumapit ako sa mesa at dinampot ang isang puting towel at pinunas ko sa mukha at katawan ko. Lumapit ako sa color light blue pool chair namin at umupo. Muli akong napabuga ng hangin.

"Kung may gusto sya sa akin, kaya ko bang suklian iyon?" Tanong ko ulit sa sarili ko.

Whuut? Anong gusto? Anong suklian? Your crazy Maca! Nakakahiya, pareho kayong babae. Wait! Bakit ba nag conclude na ako na may gusto nga si Barbara sa akin?

"Feeling ko talaga gusto mo ako Barbs." Wika ko sa sarili ko habang nakapikit, malinaw ang mukha ni Barbara sa isipan ko.

Ano ngayon, mabait naman si Barbara. Whuut? Nooo! Nakakahiya. Nakakadiri, promise! Tumayo ako, lumapit ako sa mesa at umupo sa upuan.

Tawagan ko kaya sya ngayon para ma prove ko talaga ang pagdududa kong ito. Whuut? Bakit ko naman sya tatawagan, baka napaparanoid lang ako at kahit ano na ang iniisip ko. Grrrrr!

Dinampot ko ang cellphone ko na nasa mesa. Dina-dial ko ang number ni Barbara.

Ringing.....

Kukumustahin ko lang sya. Iyon lang!

"Hola Maca, Buenas Noches (Hello Maca, Good evening)." Bati ni Barbara sa kabilang linya.

Napangiti ako ng marinig ko ang boses nya. Gosh! What's the meaning of this.waah!

"Hola Barbara, kumusta?" Tanong ko na nakangiti.

Narinig kong napahagikhik sya sa kabilang linya. Ugh. Bakit naman? Anong nakakatawa sa tanong ko?

"Bien (Good) Maca, napatawag ka?" Tanong nito.

Di agad ako nakasagot. Oo nga, bakit nga ba ako napatawag? Shit! Anong idadahilan ko? Nangungumusta lang, sureness na pagtatawanan nya ako dahil magkasama kami kanina buong araw sa skwelahan.

"A-ahh, kasi, kasi naalala lang kita." OMG! Bakit iyon ang lumabas sa bibig ko! Anong nangyari at nagka utal-utal akong sumagot.

"Talaga, naalala mo ako? Bakit naman?" Tanong ulit ni Barbara.

"Oo, naalala kita. Palagi." Sagot ko at napangiti.

Narinig ko ang mahina nyang tawa. Pinagtatawanan nya ba ako? Ugh.

"Ikaw rin. Lage kitang naalala." Wika ni Barbara na ikinatahimik ko.

Dugdug. Dugdug.

OMGEEEE! Bakit ganito ang tibok ng puso ko. Anak ng putik! Waahhh! Hindi ko alam paano magreact! Helppppp!

TILL I MET YOU (Macarena and Barbara)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon