Chapter 25 - Unexpected

705 29 8
                                    

Barbara

De Tagle Mansion.

Pababa na ako sa ground floor ng Mansion, hinihila ko ang safari 56 vortex trolley bag ko na kulay pula habang palabas ako mula sa elevator. Tumawag si Christina sa akin kagabi at sinabi nyang nasa Cork, Ireland sila ni Macarena.

Mahigit isang linggo na kaming hindi nagkikiboan ni Maca at hindi nagpansinan. Siguro, dinamdam nya masyado ang nagyari noong nasa sinehan kami.

Kung alam lang nya, na ang pagtawa ko  sa sinabi nya ang paraan para hindi nya mahalata ang kabang nararamdaman ko sa mga oras na iyon. Pareho naman kami ng nararamdaman para sa isat-isa ah, pero masyado lang syang sensitive.

Mula noon, iniiwasan na nya ako, kapag nagkita kami sa school hindi nya ako pinapansin, hindi narin nya sinasagot ang tawag ko, hindi na sya nagrereply sa mga texts ko. Haays, nimimiss ko na si Maca. Hindi ko narin sya ginugulo, binigyan ko sya ng space na makapag-isip kung tama ba ang ginawa nyang pag-iwas sa akin o hindi. Ayoko rin mag-explain, di ako ganon at isa pa hindi naman kasi ako yong tipong pinagpilitan ang sarili ko.

Pero, tumawag sa akin si Christina kagabi, nasa Ireland daw sila ni Maca at gusto nya susunod ako sa kanila, gusto rin nyang magkaayos na kami ni Maca, namimis na nya kaming tatlo na magkasama. Kaya heto ako ngayon, hila-hila ang trolley bag ko ay aalis ako para pumunta ng Ireland.

"Buenos dias, Señorita. Aalis ka?" Tanong ni Antonieta na nagtataka.

"Si, pupunta ako sa Ireland. Ilang araw lang ako doon Antonieta, uuwi rin ako agad."Sagot ko at tuloy-tuloy lang palabas ng Mansion.

"Nagpaalam kaba sa Papa at Mama mo?" Tanong nya ulit at nakasunod parin sa akin. "Ano ang sasabihin ko kapag hinahanap ka? Baka magalit si Señora Natalia."

"Sabihin mo ang totoo Antonieta, sina Maca at Christina naman ang kasama ko kaya alam kong okay lang iyon sa kanila." Nakangiting sagot ko kanya, ugh. ang dami nyang tanong.

Tumango nalang si Antonieta at hindi na muling nagsalita. Agad akong nagpahatid ni Cayetano sa private airport na pag-aari ng mga de Tagle. Pagdating namin, naka handa na ang piloto at ang mga kasama nya, ako nalang ang hinihintay nila.

Sakay sa Airbus 380 private jet na pag-aari ng mga de Tagle agad kaming nag-take off. Kaaalis lang namin pero magkahalong kaba at tuwa ang nararamdaman ko ngayon. waahhh! two hours and twenty minutes lang, nasa Ireland na ako, gosh! ano ang unang sasabihin ko kay Macarena kapag nagkita na kami?

Pababa na ako sa private jet, agad kong nakita si Christina na kumakaway sa akin at nakangiti. Agad nya akong niyakap ng makalapit na ako sa kanya.

"Hola, bienvenido a Irlanda mi amiga (Hello, welcome to Ireland, my friend)." Masayang wika ni Christina.

"Gracias Christina. Dónde está Maca (Thank you Christina, Where is Maca)?" Tanong ko nang hindi ko makita si Maca na kasama nya.

"Me fui de casa, por que (I left home, why)?" Nang marealized nya ang tanong ko ay ngumiti sya at kinurot ako sa tagiliran. "La extrañas mucho (You miss her a lot)?"

"Que (What)?" Balik tanong ko sa kanya pero napangiti narin ako, hmm? parang may alam sya ah. ugh.

"Que? eres tan obvio (What? you're so obvious)!" Napahalakhak na sya, halatang nang-eechos na sya sa akin.

"Oh, God no!" bulalas ko at napahalakhak narin. "Vamos amiga (Lets go friend)."

Agad kaming sumakay sa kotse ni Christina, nasa bahay pala si Macarena at nagluluto daw ng tanghalian.

"Hindi alam ni Maca na dumating ka, ang paalam ko sa kanya may nakalimutan lang akong bilhin na kailangan ko kaya umalis ako nang bahay." Paliwanag ni Christina, habang nagmamaneho. "Usapan namin na kakain kami nang tanghalian pagbalik ko."

TILL I MET YOU (Macarena and Barbara)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon