Charpter 40 - Reality

486 15 47
                                    


MACARENA.



Mahigit isang oras na ako dito sa loob ng kotse ko na nasa labas ng gate sa Mansion de Tagle at nagdadalawang isip parin kung papasok ba ako sa loob para kausapin si Barbara o hindi.

Nawalan ako ng gana at biglang naguluhan sa mga nangyayari sa amin ngayon o mas tamang sabihin na nagdalawang isip ako kung tama ba na nakipag relasyon ako sa kapwa ko babae.

Sinadya ko talagang hindi magpakita at kausapin si Barbara pagkatapos ng nagawa nya dahil gusto kong mag-isip kung tama ba na ipagpatuloy ko pa ito o hindi kaso hindi ko kayang tanggihan si Christina na nakiusap na pakinggan rin ang paliwanag ni Barbara at wag daw akong maging one sided.

Hindi dahil galit at hind ko kinakausap si Barbara ibig sabihin binalikan ko si Sebastian. Noong nag-uusap kami sa restaurant tinapat ko na sya na hindi na pwedeng maging kami at wala ng pwedeng makapagpabago sa desisyon ko at hanggang kaibigan nalang ang pwede kong ibigay, depende sa kanya kong tatanggapin nya o hindi.

Nang pumunta si Barbara sa condo ko noong isang araw, gustong-gusto ko syang yakapin ng makita ko sya. Biglang nawala ang pagdadalawang isip ko tungkol sa aming dalawa at malinaw ang sinisigaw ng puso at isip ko, ang patawarin sya. Habang nagpapaliwanag sya, nararamdaman kong nahihirapan rin sya sa mga nangyayari.

Konti nalang sana, kung hindi pa dumating si Sebastian baka napatawad ko na sya at nagkaayos na kami. Nang dumating naman si Sebastian, biglang bumalik ang pagdadalawang isip ko, muli akong nagulohan kaya mas pinili kong si Barbara ang paalisin at hindi si Sebastian.

Inamin ni Sebastian ang totoo at napatunayan kong nagsasabi ng totoo si Barbara. Masaya ang puso ko na kahit nagawa ni Barabara ang makipag sabwatan dito napatunayan naman nya na mabuti ang hangarin at intensyon nya.

Hinalikan ko si Sebastian sa labi, matagal at mapusok pero ibang-iba sa halik ni Barbara na may init at nakakasabik.

"Bakit mo ako hinalikan sa labi Maca? Ibig sabihin ba nito, tayo na ulit?" Nagulat at nagtataka na tanong ni Sebastian sa akin pagkatapos ng halik.

"Hindi. May gusto lang akong patunayan." Walang emosyon na sagot ko.

"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan na tanong nya ulit.

"Kailangan pa ba talagang malaman mo? Hindi na pwedeng maging tayo muli Sebastian kaya kalimutan muna ang nararamdaman mo para sa akin at hanggang kaibigan nalang talaga ang pwede kong ibigay sayo." Honest na wika ko sa kanya. Ayoko ko na syang paasahin at ayoko narin na kinukulit nya ako palagi. "Iwasan muna si Barbara, at wag kanang manggulo."

"Nakakalito ka naman, ewan ko sayo!" Wika nito at walang paalam na lumabas ng condo unit ko.

Napapangiti ako ng maalala ang usapang iyon, siguro kung gaano kalito si Sebastian sa ugali ko ngayon ay ganoon rin ako kalito sa nararamdaman ko at sa gusto ko at higit sa lahat sa sarili ko.

Ps. Litong-lito narin si Author. Haays.

Hindi ko rin alam kung anong masamang hangin ang nagdala sa akin dito ngayon, tss. Dalawang araw na ang lumipas mula ng paalisin ko si Barbara sa condo ko at mula noon hindi na sya nangungulit magtext at tumawag sa akin na hindi naman nya ginagawa.

Naisip ko nasa pagkakataong ito, ako ang dapat na magpaliwanag at humingi ng tawad. Pero hindi ko naman alam ang gagawin kapag nakaharap ko na sya at bigla na naman lalambot ang puso ko. Haays.

"Bahala na." Wika ko at binuhay ang makina ng kotse.

Ayoko ng patagalin pa ang tampohan namin, kailangan kong mag-sorry sa kanya at magpaliwanag kung bakit sya ang pinaalis ko sa condo at hindi si Sebastian.



TILL I MET YOU (Macarena and Barbara)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon