Chapter 37 - Federico and Luisa Achaga

512 17 18
                                    


Federico.

Pagkagaling namin sa casino sa Cronico Bar kami dumeritso ni Pablo at nag-inuman. Hindi ko inaasahan na magkikita kami ni Juliana ngayong gabi, nabigla ako at hindi alam kong ano ang dapat kong sabihin o magiging reaskyon nang magkaharap kami kanina. Hindi naman ganon ang plano ko kapag nagkaharap na kami, gusto ko syang sumbatan at batohin ng mga masasakit na salita. Pero bakit ako itong nasasaktan ng makita ko sya at nalaman nasi George de Tagle ang asawa nya, na iniwan nya ako dahil sa lalaking iyon.

Bakit sya nagpakita sa casino kanina, bumalik ba sila dahil gusto nilang maghiganti sa amin ni Luisa? Nagulat ako ng makita ko si de Tagle sa grand opening namin sa casino, ngayon si Juliana naman ang biglang lumitaw, huh! Sigurado akong may plano sila.

Hindi ko rin maitatanggi na mas lalong gumanda si Juliana ngayon, napaka sosyal na nya tingnan at ang layo na nya sa Juliana na isang katulong lang sa Mansion namin twenty two years ago at ang mga titig nya sa akin kanina ibang-iba nasa mga titig nya dati na punong-puno ng paghanga at pagmamahal.

"Federico, nakikinig kaba sa mga sinasabi ko?"

Napatingin ako kay Pablo pagkatapos kong ubosin ang laman na alak sa basong hawak ko.

"Ano nga ulit ang sinabi mo?" Wika ko sa kanya.

"Hindi ka nga nakikinig." Reklamo nya. "Ang sabi ko, napaka ganda ni Natalia de Tagle---"

"Siya si Juliana, Pablo!" Putol ko sa mga sinasabi nya. "Binihisan lang sya ni George de Tagle at binusog sa mga luho nya kaya sya nagiging sosyal tingnan sa mata ng mga tao pero hindi sa akin."

"Que (what)?"

"Si (yes), sya parin si Juliana, ang katulong namin dati sa Mansion." Hindi ko alam pero bigla akong naiinis ng puriin ni Pablo si Juliana. "Kaya sya sumama ni George de Tagle ay para sa pera. Ngayon ko lang napagtanto na mukha syang pera at kaya sya pumatol sa akin dati dahil marami rin akong pera kaso si Luisa ang pinakasalan ko."

"Para, para (Stop, stop)! Bakit ba ang bitter mo magsalita? Hindi mo ba narinig, sya si Natalia de Tagle at hindi si Juliana." Wika naman ni Pablo, naniniwala talaga sya nasi Juliana at Natalia ay magkaiba. "Isa pa Federico, ginusto mong pakasalan si Luisa kaya lumayas si Juliana at kung pera mo ang habol nya bakit sya nagpabuntis sayo at bakit umalis sya na walang pera na nakuha kahit isang sentimo sa pamilya mo."

"Bakit mo ba pinagtanggol ang babaeng iyon?"

"Hindi ko sya pinagtanggol Federico, sinabi ko lang kung ano ang totoo at isa pa, ang layo ni Natalia de Tagle kay Juliana." Sagot ni Pablo. "Fine, magkamukha sila pero hindi iyan basihan na iisa lang si Natalia at Juliana dahil si Juliana katulong lang samantalang si Natalia Reyna."

Napatitig ako kay Pablo, ano ba ang gustong palabasin ng lalaking ito bakit pinipilit nyang paniwalaan ko nasi Natalia de Tagle ay hindi si Juliana.

"Wag mo akong titigan ng ganyan." Wika nito saka uminom ng alak na nasa baso. "Patunayan mo muna na iisa lang sila saka ako maniniwala ."

"Sige, patutunayan ko sayo iyan Pablo." Tanggap ko sa hamon nya, napabugtong hininga ako. "Galit ako kapag naiisip ko sya at ang mga ginawa nya sa akin Pablo, pero nang makaharap ko sya kanina biglang bumabalik ang lahat ng nakaraan lalo na ang nararamdaman ko sa kanya."

"Siguro dahil mula noon at hanggang ngayon ay hindi ka huminto na mahalin sya kaya ng magkita kayo kanina mas nangingibabaw ang dikta ng puso mo kaysa sa isip mo."

Muli akong napatitig kay Pablo, totoo ang sinabi nya dahil ng makita ko si Juliana kanina gusto ko sana syang lapitan at yakapin pero nagpigil lang ako dahil may ibang tao at nagulat ako ng magpakilala sya nasi Natalia de Tagle.

TILL I MET YOU (Macarena and Barbara)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon