Chapter 3 - Ang Katotohanan

1.5K 83 88
                                    


MACARENA's POV.
*******

HAPON na nang lumabas ako sa kwarto at bumaba sa ground floor. Hindi ako nag-almusal kaninang umaga dahil wala akong gana, nag-skip rin ako ng lunch dahil tinatamad ako. Di naman ako tinatablan agad ng gutom dahil sanay akong mag-fasting.

Naabutan ko si Mama sa living room na nagbabasa ng business magazine.

"Hola Mama, buenas tardes. (Hello mama, good afternoon)"

"Hola hija, buenas tardes. (Hello anak, good afternoon)" Inilapag nito ang magazine sa mesa. "Bakit ngayon ka lang bumaba?"

"Tinatamad ako Mama, feeling ko hindi pa ako nakapagpahinga ng mabuti mula ng dumating ako galing NY." Umupo ako sa bakanteng sofa at napacrossed-legs. "Wala ka bang lakad ngayon?"

"Na-cancel ko na lahat hija, hindi ako aalis today para makasama ka. By the way, tatlong araw na mula ng dumating ka from NY pero hindi ko pa nakikitang dumalaw dito si Sebastian. Nag-away ba kayo?"

Wow! Ngayon pa lang ginawa ni Mama ang mag-cancel ng lakad para makasama ako.

"No Mama. Nasa Cordoba parin sila hanggang ngayon, actually nag-usap kami ni Sebastian kanina bago ako bumaba dito. Di niya alam na nakauwi na ako, gusto ko siyang e-sorpresa."

"You're so sweet hija, kaya inlove na inlove sayo si Sebastian. Keep it up my baby girl, dapat ingatan mo si Sebastian, wala ng ibang lalaki ang babagay sayo, siya lang."

"Mama por favor! (Mom please) Wag mo na kasi akong tawaging baby girl, nakakahiya di na ako bata." Natawa si Mama habang nakasimangot naman ako sa kanya. Ngayon yata ako nagsisisi kung bakit di ako humingi ng bunsong kapatid.

Napasulyap ako sa nakasiradong pintoan nang may nag-doorbell.

"Bernardo! Bernardo! Hindi mo ba naririnig na may nag-doorbell? Buksan mo ang pinto!"

"May inaasahan kang bisita, Ma?"

"Wala. Baka bisita mo 'yan o baka si Sebastian 'yan." Biglang na excite si Mama sa sinabi niya.

Wag naman sana. Hiling ko.

"Imposible Mama, hindi alam ni Sebastian na nakauwi na ako. Baka si Papa 'yan."

"Hindi umuuwi ng ganitong oras ang Papa mo."

"Hola! (Hello)"

"Abuela! (lola)" Bulalas ko sabay tayo. Sinalubong ko si abuela (lola), hinalikan at niyakap. "I missed you so much!"

"And i missed you more nieta, (apo) como estas? (how are you) Akala ko magtatagal ka sa New York."

"Anong ginagawa mo dito Angelica?" Tanong ni Mama at dahan-dahang tumayo.

"Seriously Luisa. Kailangan pa bang itanong mo kung ano ang ginagawa ko dito sa sarili kong pamamahay?"

Ngumiti si Mama pero halatang pilit. Nag-flip siya ng hair bago tiningnan si abuela mula ulo hanggang paa.

"Wag mong mamasamain ang tanong ko, hindi ka kasi nagpasabi na ngayon ka uuwi." Malumanay na wika ni mama bago ako nilingon. "Can you please do me a favor hija. Pumunta ka sa kusina at sabihin mo sa cocinera (female cook) na lutuin ang lahat na paboritong pagkain ni Angelica."

"Eres tan dulce Luisa. Pero no, gracias. (You're so sweet Luisa. But no, thanks.)"

Nakita ko ang pasimpleng pag-irap ni Mama bago siya muling tumingin sa akin at ngumiti.

"Sabihin mo nalang kay Soccorro na magluto na siya ng hapunan hija."

"Si Mama. (Yes mama) Mag-usap muna kayo ni abuela (lola), babalik ako kaagad."

TILL I MET YOU (Macarena and Barbara)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon