Chapter 5 - Juliana

1.2K 68 34
                                    


MACARENA's POV.
**********

Lumipas pa ang dalawang araw na pagkukulong ko dito sa kwarto. Wala akong kinakausap na tao bukod kay Nana na siya lang ang naglabas pasok dito. Di ako napilit ni abuela (Lola) na umamin kung ano ang problema ko. Di ko rin masabi sa kanya na sila ang problema kaya ako nagkakaganito.

Araw-araw parin pumupunta dito si Sebastian at nagpupumilit na kausapin ako pero di parin ako nagpapakita.

Kasing tigas ng bato ang ulo ng gago at kasing kapal ng pader namin ang pagmumukha niya.

Lumabas ako sa terrace ng kwarto at nag-unat, napapikit at napapangiti ako habang hinayaang tumama sa balat ko ang mainit na sikat ng araw. Maganda at maaliwalas ang panahon, para akong tinatawag ng swimming pool ng mapatingin ako sa ibaba. Napangiti ulit ako ng maisipan kong mag-swimming at mag-sun bathing.

Naglalakad na ako sa hallway para bumaba, napadaan ako sa kwarto ng mga magulang ko at di sinasadyang marinig ko na may nag-uusap sa loob.

Bakit may tao sa kwarto nina papa at mama? Dapat naka lock ito kasi wala pa sila dito.

Balak ko sanang buksan ang pinto pero nagbago ang isip ko, idinampi ko sa pintoan ang tainga ko para marinig ang mga taong nag-uusap sa loob bago ko sila pasukin at pagalitan.

"Hindi mo ako naiintindihan Luisa!"

Oh! Nakauwi na pala ang Papa at Mama. And it seems nag-aaway na naman sila. Tsk.

"Ako ang hindi mo naintindihan Federico! Makinig ka muna!"

Haays! Sana di nalang umuwi ang mga ito sa out of town nila kung mag-aaway lang pala. Parang gusto ko ng magsisisi nasa sobrang pagkahilig kong makinig sa usapan ng iba, ang dami ko na tuloy nadiskubre na nagbibigay naman sa akin ng pasakit at alalahanin.

"Nagsasawa na ako sa ugali ni Angelica! Ayoko nang makipagplastikan sa kanya!"

"Bakit hindi? Plastik ka rin naman. Dapat ang parehong plastic ang nagkakasundo."

"Stupido! (stupid)"

"No Luisa! Wag kang magkamaling sampalin ako! tutuhanin ko talaga ang banta ko sayo na puputulan kita ng kamay!"

"Gusto kong ilayo mo sa akin si Angelica!" Sigaw ni mama na parang ubos na talaga ang pasensya.

"May karapatan sa mansyon na ito si mama! Hindi ko siya basta-basta mapapaalis! Sa laki ng mansyon na'to pwede kayong di magkita, iwasan mo siya!"

"Gusto mong ako ang mag-adjust para sa ina mong---"

"Okay! Mamili ka! Magtitiis kang kasama si mama o aalis ka?!"

"Hindi ako aalis dito! Ayokong bigyan ng pagkakataon si Angelica na basta-basta nalang niya patitirahin dito ang anak mo sa hampas lupang 'yon!"

Napakuyom ang mga palad ko nang marinig ang sinabi ni mama.

Alam ni mama ang tungkol sa anak ni papa at may balak pa si abuela (lola) na dito patirahin sa mansyon ang bastarda niyang apo. Sa sobrang inis ko sa kanila, tumakbo ako pabalik sa kwarto ko at umiyak dahil sa sobrang galit.

Ilang araw pa lang ang lumipas mula ng mangako silang di na mag-aaway pero nag-away na naman. Mas gusto ni papa na umalis si mama at masira ang pamilya namin dahil pabor siya sa plano ni abuela na dito tumira ang babae niya at anak niya sa labas.

I hate you papa!

Napatingin ako sa cellphone na nakapatong sa bedside table ng tumunog ito. Wala akong balak sagutin ang tumatawag dahil siguradong si Sebastian na naman ito.

TILL I MET YOU (Macarena and Barbara)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon