Chapter 66 - Palpak na Plano

441 19 11
                                    


BARBARA.

Masaya pero maarteng binati ni Debbie sina Natalia at Señor Federico pagpasok namin sa loob ng kwarto.

"Hello Naty." Bati ni Debbie kay Natalia pero kay Señor Federico nakayakap.

"Hello Debbie." Maikling sagot ni Natalia sabay iwas ng tingin, lumapit ako sa kanya para tingnang maigi ang mukha nya.

May nunal ang Natalia na kaharap ko ngayon sa ibabaw at kanang bahagi ng kanyang bibig pero kabaliktaran naman ang ugaling pinapakita nya sa ugali ng totoong Natalia.

"Como estas Federico? (How are you Federico)" Tanong naman ni Debbie dito.

"Good Debbie, im good." - Si Señor Federico at hindi alam ang gagawin kung tatanggalin ang pagyakap ni Debbie sa kanya o hindi.

"Naty, mabuti nalang at hindi ka nabalian ng buto." Wika ulit ni Debbie at humagikhik pa. Nakita kong medyo umiba ang ekspresyon ng mukha ni Natalia sa sinabi ni Debbie. "Joke lang!" Sigaw ni Debbie maya-maya sabay peace sign.

"Of course Debbie, hindi mangyayari iyang sinasabi mo. Baka gusto mo ikaw ang balian ko ng buto." Sagot ni Natalia pero hindi ko matukoy kung biro lang ba o hindi ang sinabi nya. Nakita kong natahimik si Debbie at napatulala. "Joke lang!" Sigaw naman ni Natalia at ginaya si Debbie na nagpeace sign.

"I know na joke lang iyon, palabiro kana naman talaga dati pa." Wika ni Debbie at humagikhik pa. Nakita kong palihim na umirap si Natalia. "Bagay parin tayo Federico." Wika ni Debbie ng bumaling sya kay Señor Federico.

"Tu loca. (your crazy)" Komento ni Natalia at nakasimangot na ang mukha.

"Palabiro ka parin hanggang ngayon Debbie." Natatawang wika ni Señor Federico.

"Hindi ako nagbibiro."

> Cellphone Ringing<

"Excuse me, sasagutin ko muna ang tumatawag." Paalam ni Señor Federico saka nagmamadaling lumabas ng silid, umupo si Debbie sa kama ni Natalia.

"Umalis ka kagabi ng walang paalam Naty at malalaman ko nalang na nandito kana sa hospital dahil nahulog ka sa hagdanan sa mansyon pa ng mga Achaga. Anong ginagawa mo doon? Diba hindi ka naman pumupunta doon?" Pasimpleng tanong ni Debbie sa kaibigan.

"Bakit kailangan ko pang magpaalam sayo?" Malumanay na balik tanong ni Natalia pero halatang hindi nya nagustuhan ang tanong ni Debbie. "Buhay ko ito Debbie, my life. My rules. My choice." Ngumiti pa sya sa amin ni Debbie na feeling nya napaka friendly nya.

Wala akong karapatan na husgahan si Natalia pero sa pananalita at ikinikilos nya ngayon, halata nang sya si Juliana. Hmp! Nakakainis talaga. Bigla akong nakaramdam ng galit ngayon habang nakatingin sa kanya, bakit nya ginagawa ito? Ano ba ang motibo nya? At nasaan ang totoong Natalia?

"Dont look at me that way Barbara." Sita nya sa akin, hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sa kanya. "Hindi ako sanay na titigan ng ganyan." This time, halata ng naiinis na sya.

"Im sorry." Sagot ko at agad na tumalikod para lumabas ng kwarto. Hindi ko sya kayang komprontahin, natatakot ako na baka magkamali ako na imbes na makakatulong na ibuko ko sya baka mas lumala pa.

Paglabas ko ng kwarto naabutan ko si Señor Federico na may kausap pa sa cellphone, nakatayo lang ako at hinihintay syang matapos sa pakikipag-usap. Nang malingunan nya ako nagpaalam sya sa kausap nya sa kabilang linya at nilapitan ako.

"Bakit ka nakasimangot?" Tanong nya sa akin. Paano kaya kung sabihin ko sa kanya nasi Juliana ang nandito sa hospital at hindi si Natalia? Pero baka hindi nya alam na kambal sina Natalia at Juliana, siguradong hindi nya ako papaniwalaan. "Kailangan ko ng umalis Barbara, ikaw na ang bahala kay Señora de Tagle. Darating si George mamaya, ikaw na ang bahalang maghintay sa step-father mo anak."

TILL I MET YOU (Macarena and Barbara)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon