prologue

245 11 2
                                        



Matagal ang buhos ng ulan pero ang tangi lang nasa isip ni Rochelle ay makatakas sa lahat. Pagod at kalungkutan ang bumabalot sa kanya ngayon habang pinagmamasdan ang malakas na pagbuhos ng ulan. Tuyo ang kanyang pisngi habang tulalang nakatitig sa pagpatak ng ulan, marahil ubos na ang kanyang luha sa labis na pag-iyak.

"Sorry, miss...he's dead," malungkot ang tinig na utas ng doctor pagkalabas ng ICU. Tila tumigil ang kanyang mundo sa narinig. Hindi niya akalaing wala na siyang karamay sa buhay. Hindi niya akalaing wala na ang kanyang dada.

Nagpatuloy ang lahat sa paggalaw. Siya lang yata ang naiwang nakatulala roon at tila tuod na nakatayo lamang. Iniwan na siya ng lahat pero heto, nanatili siyang mag-isa, walang karamay.

All her life, ang dada niya lang ang kasangga niya sa lahat. Lahat-lahat. Mula nang mawala ang kanyang ina at sumama sa lalaking iyon...sila na lang ng kanyang ama ang itinuring niyang pamilya. Wala ng iba.

At ngayong wala na ang kanyang ama, hindi niya alam kung paano magpapatuloy. Hindi niya alam kung paanong muling magsisimula. Kung paanong gumising at mabuhay muli. Paano na siya?

May isang luhang nakaalpas sa kanyang mata ngunit agad niya iyong pinalis. Her heart feels so empty. Miss na miss niya na ang kanyang ama...

Ilang araw palang mula nang ma-cremate ang labi ng kanyang ama. At ngayon, kailangan niya nang tumayo muli. Harapin ang buhay nang nag-iisa. Sa ayaw man niya o sa gusto.

Tumunog ang kanyang cellphone. Walang ekspresyong tinignan niya iyon at nakitang tumatawag ang kanyang Auntie.

Tita Maristella is calling...

Kahit wala pa sa mood na sumagot ay wala na siyang nagawa. Tinignan niya ang oras. Alas-syete na ng umaga.

Huminga muna siya nang malalim bago sagutin ang tawag.

"Nakahanda na ang lahat, hija. Ikaw na lang ang hinihintay. Alas-otso ang flight mo, hindi ba? Are you ready to go?" bungad agad nito.

"Opo, tita...paalis na po ako ng condo," tahimik ang tinig na utas ko at lumipad ang tingin sa malaking dalawang maleta sa gilid ng pinto ng condo unit.

"Great. Eliza will fetch you at the airport," malamig ang tinig na utas niya at walang sabi-sabing binabaan na ako ng telepono.

Wala sa sariling napatitig ako roon.

Wala na akong choice. Si tita Maristella na lang ang kukupkop sa akin. Kaya kailangan ko nang makabalik sa Pilipinas, dahil wala na akong guardian ngayon dito sa States. Iniwan na ako ni dada...

Muling nag-init ang gilid ng aking mga mata ngunit agad kong pinigilan iyon. Huminga ako nang malalim, paulit-ulit, at nang maging maayos na ay tumayo na rin. Pinasadahan kong muli ng tingin ang condo na tinitirhan namin ni dada for years dito sa America...na ngayon ay iiwan ko na rin. Mapait akong ngumiti nang rumagasa ang masasayang alaala namin dito ni dada.

Bago pa ako lamunin ng kalungkutan ay agad na akong umalis doon. Hindi na ako nag-abala pang lumingon muli dahil baka hindi ko na kayanin at ma-miss ko pa ang flight ko pabalik ng Pilipinas.

Matagal na rin mula nang nasa Pilipinas ako. Mula kasi nang iwan kami ni mama ay napagdesisyunan naming ni dada na sa States na lang manirahan. Hindi ko alam, siguro iyon din yung paraan ni dada upang takasan ang nangyari. Ang takasan ang memories niya kasama si mama...

I find it so cruel. Bakit kailangang magmahal pa ng iba kung sa una palang ay may minamahal na? Totoo bang nawawala talaga ang pag-ibig mo sa una? Or in the first place, your love for someone is just not enough?

Kasi, hindi ko maintindihan kung paanong kayang natalikuran kami ni mama. My dada always makes me understand my mother's reason---that she's only chasing her love---but what about us? Ganoon ba talaga ang true love? It requires destroying other people in order to get it? Kasi kung ako lang, hindi ganoon iyon! Dahil kailanman, ang totoong pag-ibig, hindi kailangan manira ng ibang tao! Hindi iyon pinipilit!

Kaya hindi ko maintindihan si dada...how can he still love her despite what she did to us? Why...

She didn't even have the guts to go to his funeral. How dare she...

I will never be like her! I will never abandon someone who loves me dearly...I will never make the same mistakes she did to us!

"Welcome to my home, Elle!" magiliw na bati sa akin ni tita Maristella nang makita niya akong papasok ng kanyang mansion. Kimi akong ngumiti sa kanya. We're not that close ni tita dahil nga ilang years kaming nanatili ni dada sa America. Madalang lamang kaming bumisita sa Pilipinas, at usually sa Manila pa. Ngayon lamang ako nakarating sa Fiasco Valley...lalong-lalo na sa kanyang pinagmamalaking Hacienda Evelina.

"If I'm not mistaken, nakarating ka na rito noon, hindi ba?" untag niya sa akin matapos niya akong kulungin sa isang mainit na yakap. Nakahinga ako nang maluwag nang pakawalan niya.

"T-talaga po? Hindi ko po maalala..." ani ko habang naglalakad na kami sa maluwang na bulwagan. Ang alam ko ay dalawa lamang sila ng kanyang asawang si tito John ang naninirahan sa mansion na 'to. Pa-minsan-minsan ay lumuluwas pa ng Manila si tito dahil sa kanilang business.

"Talagang hindi mo na maalala iyon. Bata ka pa noon..." aniya.

Hinayaan ko muna ang nakabibinging katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hindi ko alam ang mararamdaman kong ngayong nandito na ako...tila lahat sa buhay ko ay mag-uumpisa sa umpisa. Lahat ay muli kong bubuuin mula sa wala.

"Tita..." mahina ang tinig na utas ko sa kanya dahilan para matigilan siya at lingunin ako.

"Bakit, my dear?" malambing ang tinig na utas niya sa akin.

Huminga ako nang malalim. "A-am I going to start from scratch?" nanghihina ang tinig na utas ko sa kanya, hindi na natago ang nararamdamang pagod, kalungkutan, at takot.

Nakita ko kung paanong lumambot ang kanyang ekspresyon at agad akong dinaluhan. Nang maramdaman ko ang hagod niya sa aking likod ay tila roon ko pa lamang naramdaman na hindi ako mag-isa. Na kahit papaano, ay may karamay ako.

"I am so sorry for our loss, hija...but life is always like that. No matter how many shits it throws to us, we need to always get up. We need to be brave enough to stand for ourselves and start anew. Because, if we don't, we will become losers ourselves. And we don't want that, aren't we? Evelina, like us, isn't born to be a loser. We are always the winner, Elle. Always," mahabang utas niya habang patuloy sa paghagod sa aking likod.

Hinayaan kong tumulo ang sunod-sunod na luha sa aking pisngi at tumango.

My heart is aching so much, I wonder how it still beats...

Pagkatapos noon ay giniya na ako ni tita patungo sa magiging kwarto ko. Tinulungan niya akong maging komportable hanggang sa tuluyan na akong hilahin ng antok dahil sa pagod, antok, at lungkot.

Faint (Fiasco Valley Series 1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon