fariyah

85 6 12
                                        


Kabanata 8

fariyah


Kung hindi pa namin narinig ang mga ubo at kislot sa aming paligid ay hindi ko pa maaalala na marami palang trabahador ang nandito! Nag-init ang aking pisngi at agad tumayo. Iniwas ko ang mapatingin kay Philix at nilibot ang aking mga mata sa mga trabahador na kuntodo ang ngisi sa kanilang mga labi. Ang iba ay nakipag-apir pa sa isa't isa.

Napailing-iling ako at binalingan si Tay Ino na hindi rin mapigilan ang malaking ngiti. Ugh! 

Hindi naman nila narinig ang mga pinagsasabi nito ni Philix, ano?

Of course, they did! Stupid, they have two ears!

Napabuga ako ng hangin sa sobrang inis na nararamdaman. 

"Mabuti nasalo ka ni, senyorito, madame," utas pa sa akin ni Tay Ino, may malaking ngisi sa kanyang labi.

Hilaw akong napangiti sa kanya at hindi na pinatulan ang kanyang pang-aasar.

"Now I guess you learned your lesson, Elle," untag sa akin ng malalim na tinig ni Philix. Napaangat ako ng tingin sa kanya at nakita ang nakataas na naman niyang kilay.

Inirapan ko siya. "Fine. I'm gonna just wait here until you finish harvesting all the Spanish plums on that tree!" iritang utas ko at kinuha ang basket na wala pang kalaman-laman. Narinig ko ang panabay na pagtawa nila nang mahina ni Tatay Ino.

Nice. Nice!

"You're sure you don't wanna go through that fall again?" may bahid ng aliw na utas nito.

Sinamaan ko siya ng tingin ngunit hindi naman iyon umepekto sa binata at nagkibit lamang ng kanyang mga matitipunong balikat. Pissed off!

Muli na siyang umakyat ng puno ng siniguelas at inabot ko naman sa kanya yung basket. Bored na pinanood ko lang siya roon habang kita ko mula sa aking kinauupuan ang pag-flex ng kanyang mga muscles sa bawat paggalaw niya.

He looks so illegal. I wonder why he is staying in such a secluded area? 

Para siyang international model o kaya popular na aktor. Hindi siya nababagay sa isang farm. 

Nang makita ko na na nakakarami na siya, tumayo ako at nilibot ang paligid. Nakikita ko na natitigilan ang mga trabahador kapag tumitigil ako sa kanilang harapan.

"Syota ba kayo, ma'am, ni ser?" untag sa akin ng isang maliit na lalaki ng hindi na yata makapagpigil. Naghihintay siya na mapuno ang basket.

Natawa ako. "Hindi," simpleng utas ko at pinanood siya na punasan ang pawis sa kanyang leeg. He looks like 18 years old, just like me. 

"Hindi ho? Akala ko ho, eh..." utas nito at nagkamot ng batok.

"Julio, tama na yang pag-chika mo kay madame," ani Tay Ino na katatapos lang mag-ikot para superbisahin ang mga trabahador.

"Kuryoso lang ho, Tay Ino, eh napaka sweet ng eksena kanina! Kita ko yung ngisi ni ser Philex, iba eh!" tila tuwang-tuwang utas ng binata.

Nag-init ang aking pisngi. "Playboy kasi talaga ang sir nyo, kaya ganoon," ani ko at ngumiti nang matamis sa kanya.

"Sabagay! Balita ko nga eh, maraming babae ang nagkakandarapa eh, maging sa Maynila!" dagdag pa ng tinawag na Julio.

"Girlfriend nya ho ba ang Georgina?" utas ko kay Tay Ino.

"Ayon ang nasagap kong balita, ngunit ang alam ko ay hindi naman nag-ge-gerlpren si señorito, ma'am. Wala pa yang ipinakikilala sa pamilya," utas nito.

Faint (Fiasco Valley Series 1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon