never

75 4 0
                                        

(unedited)


Kabanata 13

never


Nakahinga ako nang maluwag ng sa wakas ay ibaba na niya ako. Pinanatili ko ang galit na ekspresyon ng aking mukha at sinamaan pa lalo siya ng tingin.

Nakita ko kung paano niya pigilan ang ngiti. What the hell! Why is he like that? Talagang natutuwa pa siya sa ginawa niya, ha? 

"What now?" sikmat ko sa kanya ng dalhin niya ako sa garden. I crossed my arms and looked directly at him.

"I just want to say sorry," puno ng sinseridad na utas niya. Agad kong pinaikot ang aking mga mata.

"Kung ayan lang maririnig ko sa yo, you should better leave me," matigas ang tinig na utas ko at akmang iiwan siya roon ng mabilis niyang hagipin ang aking braso.

"Elle...hear me out," frustrated na utas nya.

"I don't need to hear you out, Philix! You just ditched me last night!" mataas ang tinig na utas ko at agad piniksi ang aking braso sa pagkakahawak niya.

Narinig ko ang malakas na pagbuntong hininga nya.

"Yes, I did because---"

"Yes! See? Alam mo na mali pero ginawa mo pa rin!" lalo akong nanggigil dahil umamin syang ginawa nya nga talaga!

I even thought for a second that he has some reasonable explanations!

"Siguro masyadong kailangan ka ng aso ni Fariyah kaya nakalimutan mo ko?" utas ko saka napailing iling.

"No! I just need to think..." mabilis na utas niya at hinarap ako sa kanya.

Naguguluhan ko siyang tinignan. "Hindi kayo magkasama ni Fariyah?" mahina ang tinig na utas ko.

Umiling siya at hinaplos ang pisngi ko. "Of course not. Saglit lang ako roon, Elle," seryoso ang tinig na utas nya.

Napayuko ako. Tila biglang nagtalo ang mga naiisip ko. Well, I don't even know if he is telling the truth!

"Elle..." mahina ang tinig na utas niya at itinaas ang baba ko para muling magtama ang mga mata namin.

"I want to court you." Natigilan ako at napaawang ang aking labi ng marinig ang kanyang ibinulalas.

"W-what?" tila hindi ko iyon mailabas sa aking bibig dahil sa aking narinig. Nakita ko ang kislap sa kanyang itim na itim na mga mata at ang marahang paghaplos niya sa aking kanang pisngi.

"I want to court you, Elle, because I like you so much," halos pabulong na utas niya. Nanginig ang aking ibabang labi at hindi malaman ang sasabihin, iisipin, o gagawin. 

Gulat lamang akong nakamata sa kanya habang siya ay titig na titig sa akin.

"Niloloko mo ko..." naguguluhang utas ko kahit na naninindig ang balahibo ko sa batok. Umiling-iling ako.

"Imposible..." dagdag ko pa at lalayo na sana sa kanya ng muli niya akong hilahin.

"Bakit kita lolokohin, Elle? At bakit imposible?" utas niya sa akin.

"It just is!" utas ko saka natatawang inalis ang pagkakahawak niya sa akin.

"I don't understand why you're doing this..but please just stop," nanginginig na utas ko at mabilis na tumakbo.

This time ay hindi na niya napigilan ang pagkawala ko.


"Totoo ba yon, Elle? Ni-reject mo si Philix sa panliligaw niya?" Narinig ko ang talim sa tinig ni tita ng makarating ako sa hapag. Alas-siete na ng gabi at kakain na kami ng hapunan. 

Faint (Fiasco Valley Series 1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon