have been

56 7 0
                                    

(unedited)


Kabanata 33

have been

Napaangat ako ng tingin ng may kumatok sa pinto ng office ko at iluwa ang nakangising mukha ni Kali. Nagtaas ako ng aking isang kilay saka umiling bago muling tinuon ang aking atensyon sa mga papeles na nasa harapan ko.

"Elle, ano na? Don't tell me na rito ka lang buong gabi?" sarkastikong utas ni Kaliza sa akin at agad naupo sa may sofa na naroon. Hindi ako umimik dahil iyon nga naman talaga ang plano ko.

"Loosen up! Ilang weeks ka ng subsob sa trabaho," utas niya at inirapan ako.

Muli akong nag-angat ng tingin sa kanya. "Maraming trabaho, Kali," ani ko na lamang para di niya ako mapilit na lumabas. Friday night at every Friday ay lumalabas siya at nagpapakasaya sa mga bars pagkatapos ng trabaho.

"Tapos na ang working hours, Elle," utas niya at sinimangutan ako. Hindi ko na lamang siya pinansin. 

"Elle!" pangungulit niya sa akin kaya't naagaw niya muli ang atensyon ko. Ilang beses niya na akong sinasadya sa opisina kahit na may kalayuan ang pinagtatrabahuhan niya sa kompanya nina Leo. Talagang desidido ang gaga na mapapunta ako sa bar.

"Wala namang okasyon ngayon, Kali, bat' ka magba-bar?" ani ko sa kanya na kinaprente ng kanyang upo sa sofa.

"Medyo stress ako sa work eh, bwisit yung boss ko. I need some time to refresh," walang gatol na utas niya at kinindatan pa ako.

Mag-iisip na sana ako kung papatulan ko ba ang offer niya ng bigla kaming may narinig na marahang katok at sumungaw ang gwapong mukha ni Leo.

"Hi, Leo!" masayang bati ni Kali na walang hiyang nakaupo roon sa sofa na tila ba siya ang may-ari ng opisina. Kinagat ko na lamang ang aking pang-ibabang labi at tinignan ng nagpapasensyang tingin si Leo na agad pumasok sa opisina.

Mukhang nag-overtime rin siya.

"Hi, Kali. You two have plans for tonight?" utas niya kaagad at nilipat ang tingin sa aming dalawa ni Kaliza.

Ngumuso ako at tinignan kung paano na-excite si Kali na magsabi kay Leo. Talagang wala na akong kawala nito.

"Oh, good. I mean, do you need my company though? Wala rin akong plans for tonight so..." ani ng baritonong tinig ni Leo.

Napapalakpak sa tuwa si Kali kaya't napailing-iling na lamang ako. Natuloy ang plano ng gaga.

Nagdesisyon akong gumawi muna sa bahay para naman magpalit ng damit. Alangan naman kasing naka-business attire akong pupunta sa bar. Pinili kong suotin ang isang Burgundy Satin Cowl Neck Ring Detail Bodycon dress. Tinernuhan ko iyon ng black strappy heels at pouch. Hinayaan kong nakalugay ang straight at itim kong buhok at nag-apply lang ng red lip tint at nude eye make-up.

"Definition of hot!" utas ni Kali ng makababa na ako. Umiling na lamang ako at pumasok na sa aking Montero.

Pinili kong dalhin ang aking sasakyan dahil ayokong magpahatid kay Leo pagnagkataon. For sure kasi ay mag-iinvite iyon na ihatid ako.

Nang makarating na kami sa Xylo ay agad na akong umibis. Agad kong naramdaman ang hampas ng hangin sa aking exposed na legs at likod.

"Party!" masayang utas ni Kali at nauna ng pumasok. Ang dami na agad ng tao at tila wild na ang crowd. Nagsasayawan ang iba't ibang kulay sa palagid at di ko alam kung saan kami pupwesto.

Naramdaman ko ang marahang paggiya sa akin ni Leo sa isang di gaanong matao na spot. Malayo iyon sa main dance floor at sa mga taong nagkakasayahan.

Faint (Fiasco Valley Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon