(unedited)
Kabanata 30
iba
Agad kong kinausap si tita kinabukasan tungkol sa ginawa niya. She didn't know that time that I would accept Leondreo's proposal kaya niya nagawa iyon. She seemed so desperate that time and she didn't know who else to run to. It was hard to understand that time...but through the time, I was left no choice but to accept everything that has happened.
Ever since that night, I've never heard of him again.
Ang huling balita ko ay ang paglipad niya patungong Paris. I heard from Abi that a French investor and mentor was there to help him grow and expand more his business.
Well, that's for the best I suppose. Iyon naman talaga ang gusto kong mangyari. Ang maging successful siya. Ang maging malayo siya sa amin to the point na hindi namin siya mahila pabagsak.
I kinda felt relieved that he didn't chase me after all the hurtful words I told him...but a part of me felt a huge amount of pain, thinking that he has already moved on.
Alam kong selfish na hilingin na sana hindi pa siya nakaka-move on katulad ko pero parang napakaimposible naman ng hiling kong iyon. Lalo na at mas mararaming magagandang babae sa Paris...at ang balita ko nga ay may nalilink sa kanyang mga babae.
Pinanatili kong sikreto ang kalagayan namin. Leo was there for me the whole time. He became my best guy friend. My supporter. Kahit na malaki ang utang ng pamilya namin sa kanila, he's too considerate to us. Hanggang sa unti-unti namin iyong nabayaran dahil sa tulong niya. Muling nag-function nang maayos ang takbo ng negosyo namin at bumalik na ang iilang kliyenteng nalagas sa amin. Unti-unting nakikilalang muli ang aming negosyo although marami kaming naging sakripisyo para mangyari iyon. Maraming ari-arian ang nawala sa amin kasama na ang mansyon sa valley. Ang tanging natira sa valley ay ang malawak naming farm na paminsan-minsan ay sinusuperbisa mismo ni Uncle John, pero kadalasan ay ang mga pinagkakatiwalaang trabahador ang namamahala roon at iniimporma na lamang si Uncle kung may mga aberya ba.
Si tita naman ay nag umpisang mag online business. Ang mga koleksyon niya ng mga mamahalin at branded na damit, sapatos, at mga bags ay sinimulan niyang ibenta online hanggang sa unti-unti iyong lumago at nag umpisa na siyang mag re-selling.
Muli noon ay naging busy na ako sa pagsubsob sa aking pag-aaral. May pangarap pa akong hinahabol...kahit paminsan-minsan ay sumasagi sa akin lahat ng nangyari sa amin ni Philix, pilit ko iyong binabaon sa pinakailalim ng aking isip kung saan di na iyon muli pang makakagambala.
I need to focus on reaching my goals. Ang hirap lalo na kapag kailangan ko pang magtrabaho sa kompanya ng mga Mendres. It's an advantage na malapit ako kay Leo, natutustusan ang iilang gastusin na kailangang bayaran dahil nakakapagtrabaho ako kahit nag-aaral ng Accountancy.
It's never easy though. Ilang gabi akong puyat at sa loob ng anim na taon, puro trabaho at pag-aaral ang inatupag ko. Pakiramdam ko nga ay wala na akong social life buong kolehiyo.
Si Leo lang at si Kali ang kasa-kasama ko.
"Congrats!" masayang utas ni Leo sa akin at agad akong hinila para ikulong sa kanyang mga bisig. Hinayaan ko siya dahil di naman na ito bago sa akin.
Finally, graduated na ako at nakapasa pa ako sa board exam!
"Wow! Ang gara! May kaibigan akong CPA!" namumula ang pisnging utas ni Kali ng nasa club na kami. Marami-rami na rin ang nainom ng isang ito at halatang halata iyon sa hilatsa ng kanyang mukha.
Hindi mapuknat ang ngiti sa aking labi ng marinig iyon. Napaka-sarap sa tainga. I'm so proud of myself! After long years of endurance and hardwork, finally...I achieved my dream to become a CPA, tulad ng gusto ni dada.
BINABASA MO ANG
Faint (Fiasco Valley Series 1)
RomancePeople say that when love fails, it ain't true. If love is pure and true, it won't hurt people. It won't go, betray and abandon people. Because if it is true, it is just there. . . making its way to be bigger. That's what Rochelle Evelina believes...
