(unedited)
*
Kabanata 23
heartbeat
"Pastel colors really enhance your beauty, Elle!" nakangiting utas sa akin ni Abi habang pinapasadahan ako ng tingin pagkalabas ko ng walk-in-closet.
Hindi ko napigilan ang pagngiti at pinakatitigan ang aking magandang replesyon sa salamin. Ang kulay pastel pink na motif sa kasal ay talagang bagay sa mapusyaw kong balat. Saktong-sakto ang biniling dress ni Philix para sa akin. Low-cut iyon sa likod at may embroidery design sa bandang dibdib. Hindi gaanong show-off at revealing dahil may transparent clothing iyong cut.
Nakaayos sa isang bun ang aking buhok. The tendrils are noticeable enough even the sparkling diamond earring.
Gusto ko sana magsuot ng necklace kaso wala akong nadalang kahit anong necklace na minimalistic lamang ang design. Natural make-up ang pinili kong i-apply sa aking mukha para bagay sa aking outfit. I look mature in this type of attire.
"Baka lalong ma-in love sa iyo niyan si kuya!" pabiro pa niyang utas dahilan para mag-init ang aking pisngi.
Is he in love with me? I don't why Abi keeps on saying that her brother's in love with me. What if I just piqued Philix's interest? What if he just feels challenge with me? Since I am younger than him...I am far from his types?
Pinilig ko ang aking ulo at inatupag ang pag-apply ng lip gloss para kumikintab ang aking pinkish na labi.
I want to put an eye contact but Abi told me I look more beautiful with black eyes.
Medyo kinakabahan ako sa mismong wedding kahit na hindi naman talaga ako close sa ikakasal. This is not my first time witnessing a wedding ceremony but...still...I don't why I get nervous thinking Philix's there also.
Napalunok ako. Napakaganda ng piniling venue ng wedding couple. It's a beach wedding and their motif is absolutely fit to the venue. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung ano rin kaya ang magiging kasal ko? Beach wedding din kaya?
At...ano kaya ang gustong wedding venue ni Philix?
"Nasobrahan ka yata sa blush on, Elle. Your cheeks look red," narinig kong utas ni Abi dahilan para maagaw niya ang aking atensyon.
Nanlaki ang aking mga mata ng makita ang repleksyon ko sa salamin. Dammit!
Pinilit kong tumawa kaso lumabas na bahaw iyon. Napabuga ako ng hangin at hinintay siyang matapos na lamang mag ayos.
Nakatanggap ako ng mensahe kay Philix na nandoon na sila sa venue at kami na lang ang hinihintay kaya't pinagmadali ko na si Abi.
Malapit lamang ang venue sa tinutuluyang villa kaya ilang minuto lang ay nakita na namin ang mala-paraisong venue. Di ko maiwasang mamangha habang pinagmamasdan ang mga tila vines na nakalagay sa pa-arkong entrance.
May nakalatag na mapusyaw na red carpet sa may buhangin at may mga naka-display na iba't ibang kulay ng flowers. Halatang pinagplanuhang mabuti ang bawat detalye ng venue. This costs alot for sure!
Nilingon ko ang papalubog na araw at ang malawak na karagatan. I can smell the saltiness of the water...I can feel the warmth of the sun slowly embracing my skin.
Nang tuluyan na kaming makapasok ay agad nagtama ang mga mata namin ni Philix. He seems looking for someone to manifest at the entrance. When he saw me, he quickly straightens his back and watched me walk towards the aisle of seats.
Pilit kong kinalma ang naghuhuramentado kong sistema dahil sa uri ng kanyang titig sa akin. Kung hindi pa nakahawak sa akin si Abi ay baka nadapa na ako roon ng paulit-ulit. Nanghihina ang tuhod ko sa tuwing tinititigan nya ako ng ganyan. Na tila ba ako lang ang nag-iisang tao sa mundo...at wala na siyang makita pang iba bukod sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/206221741-288-k447982.jpg)
BINABASA MO ANG
Faint (Fiasco Valley Series 1)
RomancePeople say that when love fails, it ain't true. If love is pure and true, it won't hurt people. It won't go, betray and abandon people. Because if it is true, it is just there. . . making its way to be bigger. That's what Rochelle Evelina believes...