pero

56 7 1
                                    

(tinatamad ako mag edit. so here it is, UNDEDITED)


Kabanata 12

pero


"Oh? Tapos ka na kumain?" natigilan ako sa biglaang utas ni tita Stella ng makita akong ibinaba ang aking hawak na kubyertos at akmang tatayo na mula sa aking kinauupuan.

Maging si Kali ay napaangat ng tingin sa akin at nakataas pa ang isang kilay.

"Yes po, tita..." ani ko at uminom ng tubig.

"May pupuntahan ka pa ba, hija? Alas-siete na," utas sa akin ni tita dahil tila napansin niya ang pagmamadali ko.

"W-wala po. Gusto ko lang po na humiga nang maaga," ani ko at pilit na ngumiti. Tinignan ko pa ang aking cellphone kung nag message na ba si Philix.

Wait! Bakit ko ba siya hinihintay! Ugh! No, this is wrong.

Nang mag-angat ako ng tingin ay agad kong nasalubong ang mapanuring mga mata ni Kali at ang pinipigilan niyang ngiti.

"Baka may hinihintay siyang kung sino, Auntie," utas pa ng dalaga habang aliw na nakatingin sa akin. Agad akong nagpanggap na hindi alam ang kanyang sinasabi.

"What the hell are you talking about, Kali?" utas ko saka sinundan pa iyon ng mahinang pagtawa para makumbinsi si tita na hindi totoo ang sinasabi ni Kali.

Nagkibit lamang ng kanyang mga balikat ang dalaga saka lumabi. "Just kidding. Don't mind me, auntie," utas ni Kali saka nginitian nang matamis si Tita na mapanuri na rin akong tinitignan.

Medyo nakahinga ako nang maluwag ng makita ang pagkalma ng ekspresyon ni tita dahil sa sinabi ni Kali. Nang tignan ko ulit si Kali ay agad niya akong kinindatan.

Napailing-iling ako ngunit lihim na nagpasalamat. Tumayo na ako at nagpaalam na tutuloy na.

Nang makaakyat sa aking kwarto ay agad kong chinarge ang cellphone ko kahit na 70 percent pa ang battery charge nito saka mabilis na tumalon sa aking malambot na kama at tumulala sa puting kisame ng aking kwarto.

Well, I can't admit it to myself, yes, but I can feel something inside me that is changing...

Hindi ko iyon gusto dahil tila nagbibigay iyon ng kakaibang haplos sa aking puso at kakaibang init sa aking tiyan. Tila nagugulo ang lagi ay kontrolado kong emosyon at mundo...

Pero sa di ko malamang dahilan ay tila may parte sa akin na gustong sumubok at sumugal sa kakaibang pakiramdam na ito. Na tila ba hinihimok ako niyon at hinahamon sa hindi ko alam na mundo...

It gives me that thrill...that I think I have been missing all my life. Until he came.

Huminga ako nang malalim at hinayaan ang sarili na maisip ang gwapong mukha ni Philix. Pinilig ko ang aking ulo at agad napabalikwas ng bangon.

What is really happening to me? This is not so me!

Malakas akong bumuga ng hangin at sumimangot. I don't know what is happening to me. No one has ever control my thoughts and feelings like that.

Kinagat ko ang aking ibabang labi at naisipan na matulog na lang. I shouldn't be waiting for his call. I should not be!

Muli akong humiga at niyakap ang aking unan saka pinilit na makatulog kahit na panaka-naka ay pumapasok siya sa aking isipan.

Ilang minuto lang ay agad na akong nahila ng antok.

Nagising ako sa malakas na tunog ng aking cellphone. Agad akong napabalikwas ng bangon at tinignan ang screen ng aking cellphone.

Faint (Fiasco Valley Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon