wish

84 10 19
                                        


Kabanata 7

wish


"Señorito Philippe?" Napaigtad kami ni Philix sa gulat ng marinig ang tinig na iyon mula sa aking likuran. Sabay kaming napalingon at nakita ang isang matandang lalaki na may pang-bukid na sombrero. Manipis na pulang long-sleeved shirt ang suot nito at kupas na denim pants. Halatang isa itong trabahador sa bukid ng mga Montecillo. 

"Manong Gustav, kayo ho pala," utas ni Philix ng makahuma sa pagkagulat. Agad ngumiti ang binata at tinignan ang dala-dala nitong basket ng siniguelas. "Harvest season na nga pala ng siniguelas."

Tumango ang matanda at mukhang magiliw sa binata. Nawala ang gusot sa kanyang noo at agad napangiti.

"Oo, sir, eh. Marami pa nga ho roon. Sina Julio ang pinakuha ko, mukhang mga hapon pa ang tapos nila dahil marami ring gawain sa ibang parte ng bukid," utas ni Manong Gustav.

Napansin ko ang pawis na tumatagaktak sa kanyang noo. May kung anong awa akong naramdaman para sa matanda kaya bago pa magbago ang aking isip ay nagprisinta na ako.

"Then we will help you, manong," utas ko at nilingon si Philix na agad napatingin sa akin. "Talaga, hija? Nako! Sa ganda mong iyan, hindi bagay gumawa ng mga gawaing-bukid," utas ni Manong Gustav at napailing-iling pa.

Hindi ko iyon pinansin at nakipagtagisan ng titigan kay Philix. Nakikita ko ang multo ng ngiti sa kanyang labi ngunit pinakita ko na determinado ako sa aking sinabi.

Tumaas ang kanyang isang kilay. "Let's try her, Manong..." utas ni Philix at nginisihan ako. Inirapan ko siya at binalingan na lang si Manong. "Tara na ho, Manong..."

"Dalhin ko pa ito sa mga kabahayan, ma'am. Si sir Philix na lang po sasama sa inyo," utas niya sa akin. Muli kong binalingan si Philix na nakanguso at nakataas pa ang isang kilay.

"Let's go?" untag niya pa.

Bumuga ako ng hangin at nginitian na lang si Manong Gustav. "Sige ho, manong..." ani ko.

Sinundan ko na si Philix. Pababa ang daan at puro damo ang natatapakan namin. Wala na kami sa sementadong daan kung saan nakatigil ang lumang pick-up ni Philix. "Why do you want to help so sudden?" 

Napatigil ako sa paglalakad pababa ng marinig ang kanyang tanong. Napaangat ako ng tingin sa kanya at nagkibit ng mga balikat.

"I want to be useful today. Why not?" ani ko at tinignan ang malawak na lupain sa ibaba namin. Kita ko mula rito sa itaas ang mga maliliit na kabahayan mula sa malayo, ang seaside, ang mga nakatanim na mga halaman, mga puno at ang mga trabahador na busy sa mga gawaing-bukid.

I heard him chuckle but I just ignored him. Hinayaan ko ang mabining hangin na humampas sa aking balat. Nilipad niyon ang mahaba at straight kong buhok. 

"Beautiful..." Napalingon ako ng marinig ang mahinang tinig ni Philix. Sumikdo ang aking dibdib ng makita siyang nakatitig sa akin.

Hindi ko alam kung bakit may kung anong mainit na kamay ang humaplos sa aking tiyan.

Inirapan ko siya para pagtakpan ang naghuhuramentado kong puso. Ano iyon? Ano ito!?

"Tara na nga," ani ko sa kanya kahit na gusto ko pa sanang damhin ang hangin sa aking mukha. Na-a-awkward ako sa ganyang mga tingin niya! 

Mahirap makababa dahil matarik ang dinaraanan namin. Buti na lang talaga naka-boots ako kaya medyo 'di ako nadudulas at bearable ang pagbaba. Paminsan-minsan ay napapansin ko ang pag-alalay niya sa aking baywang ngunit hindi siya nagdi-dare na hawakan ako. Talaga lang! Subukan niya lang!

Faint (Fiasco Valley Series 1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon