(unedited)
Kabanata 19
let it
"Elle!" Narinig ko ang malakas na pagtawag ni Kali mula sa labas ng aking kwarto.
"Oo, pababa na!" untag ko bago pa niya masira ang pinto ng aking kwarto. Mabilis kong sinulyapan sa huling pagkakataon ang hitsura ko bago hinablot ang duffel bag na nasa gitna ng aking kama.
Huminga ako nang malalim bago mabilis na lumabas ng aking kwarto at bumaba ng hagdan. Agad nagtama ang mga mata namin ni tita na hindi maitago ang saya sa kanyang mukha habang pinagmamasdan ako. Pinanatili kong blangko ang aking mukha at tinignan si Kali na malungkot ang magandang mukha.
"Buti ka pa kasama sa Batanes! Naiinggit talaga ko!" maktol niya at tinignan si Philix na kapapasok lang sa aming main door. Nahigit ko ang aking hininga ng magsalubong ang mga mata namin.
He looks dashing by just wearing his fitted denim pants and a white v-neck shirt. He looks fresh...
"Good morning po," magalang na bati niya pero nakatingin pa rin sa akin. Nag-init ang pisngi ko at nag-iwas ng tingin.
"Ingatan mo si Elle, Philix, ha. Ikaw lang at si Abi ang kasama niya roon," utas ni tita ngunit halata ang tuwa sa mga mata.
Tumango si Philix kay tita. "Bawal ba talaga ko masama?" malungkot na utas ni Kali.
Kinagat ko ang aking labi. "Ano ka ba, Kali! Kasal iyon sa pamilya ng mga Montecillo. Unless may mag imbita sayong Montecillo eh hindi ka talaga makakasama!" ani tita kay Kali na ngumuso lang.
Bigla namang umilaw ang mukha ng dalaga ng humarap sa akin. "Enjoy yourselves there, Elle! Lalo ka na! Loosen up, okay?" malambing na utas niya sa akin habang inaayos ang iilang hibla ng buhok na tumabing sa aking mukha.
Ngumiti ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya. "Thanks, Kali..."
"Philix! Ingatan mo 'to!" baling niya kay Philix na may amusement sa mga mata.
"Next time, tayo-tayo naman ang pupunta sa Batanes! Balita ko kasi ang ganda talaga riyan," dagdag pa ni Kali.
"Sige po, mauna na ho kami," malalim ang tinig na utas ni Philix.
"Kasabay nyo ba si Abi?" curious na untag ni Kali kay Philix habang kinukuha sa kamay ko ang duffel bag na hawak ko.
"Ah, mauuna sila..." utas niya saka tinitigan ako.
"Kayong dalawa lang bibiyahe?" untag ni Kali ulit ngunit agad siyang sinaway ni tita.
"Eh, ano naman! Parehas naman na silang nasa tamang edad..." ingos ni tita saka tinulak tulak na kami palabas.
Napailing-iling ako.
"Pero matagal ang biyahe---" narinig ko pang utas ni Kali ngunit isinara na ni tita ang main door. Naiwan kami sa balkonahe ni Philix.
Nakita ko ang pagkaway nila mula sa bintana. Kimi akong kumaway at nilingon na si Philix.
"You look sleepy," bulong niya sa akin ng pababa na kami ng balkonahe. Umingos ako at di siya sinagot. Nagsalita eh siya ang kausap ko kagabi!
Pinagbuksan niya ako ng pinto sa passenger seat.
"Are you excited?" bulong niya ulit ng papaupo na ako sa passenger seat. Nag-init ang pisngi ko.
"Hindi," mataray na utas ko at iniwas na tingin sa kanya. Narinig ko ang mahina niyang halakhak at sinara ang pinto sa aking tabi. Pinanood ko siyang umikot sa kabilang side ng kanyang Montero at umupo sa driver's seat.
BINABASA MO ANG
Faint (Fiasco Valley Series 1)
RomantikPeople say that when love fails, it ain't true. If love is pure and true, it won't hurt people. It won't go, betray and abandon people. Because if it is true, it is just there. . . making its way to be bigger. That's what Rochelle Evelina believes...
