continuously

55 3 0
                                    

(hi, it's been a while. i hope y'all are safe. )

-unedited- 


Kabanata 20

continuously


Sa isang kilalang resort daw kami mag-s-stay for two weeks pero nagtaka ako ng tumigil ang sumundong itim na sasakyan sa isang tila resthouse. Hindi ako nagkaroon ng oras na makapagtanong dahil agad bumaba si Philix ng sasakyan para pagbuksan ako.

"We won't stay in a resort?" utas ko sa kanya ng matapos magpasalamat sa pagbukas niya ng pinto para sa akin.

Nakita ko kung paano siya nag-iwas ng tingin. "We'll go there, if you want. We can stay here for a few days then stay there at the resort," kalmadong utas niya at sinara na ang pinto ng shotgun seat.

"Who owns this resthouse?" curious na tanong ko. Kitang kita mula sa resthouse ang asul na asul na daga at mga iilang bulubundukin sa di-kalayuan. Inangat ko ang aking tingin sa may second floor nyon at nakitang glass window ang gamit. Napakaganda siguro ng view mula roon.

"I own this resthouse. My first owned property," kaswal na utas niya at kinuha na ang mga dala naming gamit mula sa compartment.

Hindi ko maiwasang mamangha. Mukhang bata palang ay sobrang competent na ni Philix. He's only 22 years old now but he accomplished a lot already.

"When?" kurysong tanong ko at tinignan siya ng tumigil sa paglalakad at tiningala rin ang resthouse.

"When I turned 19. I want to prove to myself that I am really a Montecillo by earning my assets. I worked various jobs just to save money and buy this gem," nakangiting utas niya.

Nag-iwas ako at napangiti. Well, I thought he is not that responsible. Seems like I'm wrong. Maraming mga lalaki ang walang katulad niyang mindset. Most men who are born wealthy do not want to strive hard since they got everything already.

"Bakit gusto mong sa valley mag-stay?" pagbasag ko sa katahimikan ng pinipihit niya na ang seradura ng main door.

Napalingon siya sa akin at natigilan. "I mean, you're rich and you have everything that one can desire...I wonder why you chose to live in the valley...and do the hard work there," utas ko habang hindi mapigtas ang tingin ko sa kanyang gwapong mukha.

"I just live simple, Elle. Hindi ako mayaman, ang mga magulang ko ang mayaman," nakangiting utas niya sa akin.

Napakunot noo ako. "But it is also considered as yours! Anak ka nila!" ani ko pa. Sinenyasan niya ako na pumasok na na agad ko namang sinunod.

Naputol ang kung anumang nasa aking isipan ng tuluyang makapasok at makita ang kabuuang loob ng resthouse.

Hindi ko maiwasang mamanha ng makita kung gaano kalinis at kaayos ang loob ng resthouse. Halatang kahit na paminsan-minsan lang may tumitira roon ay talagang alagang-alaga pa rin. Shade ng white, black, and gray ang nakikita ko sa buong bahay. Gawa iyon sa painaghalong bricks at glass. May touch ng modernity at minimalism.

"You like it?" Napalingon ako kay Philix. Tumango ako at di na napigilan ang pagngiti. 

"You have a great taste," tipid na utas ko at ginala ang tingin sa malawak na living room. Sobrang komportable tignan ng cushions at sofa. Nakikita ko rin na nangingintab ang mga muwebles! This is so nice! 

Mula ng bumalik kami sa States ni dada ay medyo nawala yung pagiging sobrang well-off namin. Of course, I needed to take jobs and worked my ass off in order to help at least in paying our bills as well as my tuition. Mula noon, we just rented the apartment that we were living in. 

Faint (Fiasco Valley Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon