(unedited)
Kabanata 32
ulan
"Yes, babalik na rin ako riyan after a few days..." ani ko kay Leo habang kausap ko siya sa aking cellphone. Pumipintig pa ang aking ulo mula sa hangover kagabi. Buti na lamang ay di gaanong sobra. Bearable pa naman.
Bumuga ako ng hangin ng makita ang hitsura ko mula sa salamin. I look like a zombie. Gulo-gulo ang aking buhok at obvious na obvious ang aking eyebags.
"Okay..." ani Leo sa kabilang-linya. Nag-usap pa kami sandali tungkol sa mga nangyari sa kanyang deals bago tuluyang tinapos ang tawag.
Mabilis akong naligo at nag-ayos bago bumaba. Agad akong natigilan ng makita ang singkit na pinsan ni Philix sa sala at prenteng nakaupo sa may sofa habang si Madelaine ay busy sa panonood ng T.V.
I didn't know they stayed up all night. Medyo nadapuan ako ng hiya lalo na ng kumaway sa akin si Madelaine.
"They're in the dining room. Kanina pa kita hinihintay bumaba to have some breakfast," aniya sa akin habang nakangiti ang kanyang natural na mapulang labi. Tumango na lamang ako at tipid na nginitian ang singkit at mapang-asar na pinsan ni Philix na agad napatingin at ngumisi sa akin.
Dahil siguro sa kalasingan kaya di ko maalala ang pangalan niya. Hindi ko na lamang iyon binusisi pa.
Pagkarating namin sa dining room ay agad kong nakasalubong ng tingin si Fajid. "Elle!" masayang utas niya sa akin at napatayo mula sa kanyang pagkakaupo. Naramdaman ko ang pagtitig ng kung sino kaya't lumihis ang tingin ko at nagtama ang mga mata namin ni Philix.
Agad akong nag-iwas ng tingin. Binati rin ako ng ibang pinsan nilang naroon na halos di ko na matandaan ang mga pangalan. Si Kali ay agad akong nginisihan habang si Mikael ay agad kinausap si Madelaine.
"Dito ka na," utas ni Fajid na agad nakaagaw ng atensyon ng ilang pinsan nila. Sakto pa na pumasok na rin sa dining area yung singkit na lalaki. Narinig ko ang pagsipol niya ng marinig ang nangyari. Napailing-iling na lamang ako.
Since occupied na ang lahat ng upuan ay sinunod ko na lamang si Fajid. Naupo ako sa kanyang tabi habang nasa tapat ko si Philix na nakatitig lang sa akin.
I don't know why he's staring but I refused to give a care. Breakfast lang ang pinunta ko rito.
"So, what do you plan, guys?" ani Madelaine nang mag-umpisa na kaming magsikainan. Wala akong gana gaano kumain ng marami dahil naco-conscious ako sa lalaking nasa tapat ko. I know I shouldn't get affected but he is watching me like a damn hawk.
Daig pa ang CCTV ng kapitbahay namin!
"Why do you eat so little, Elle?" narinig kong utas sa akin ni Fajid ng mapansin niyang mga tatlong kutsarang subuan lang ang kinuha kong fried rice.
Gusto ko sana siyang sagutin ngunit naunahan niya na ako. Ang dami niyang nilagay sa plato ko! Aas if mauubos ko iyon?
"That's too much," ani ko sa kanya.
"It's fine, I can eat the excess." aniya at may gana pa na kindatan ako. Gusto kong mapailing na lamang.
Hindi ko na tuloy nasundan ang usapan nila sa hapag tungkol sa outing daw. Mukhang mahabang vacation leave rin ang ni-file ng mga pinsan ni Abi. Game na game sila mag-island hopping at magpakasaya sa mga beaches.
Pinilit ko na lang inignora ang mga tingin ni Philix at nagpatuloy sa pagkain. Paminsan-minsan ay hinihingi ang opinyon ko kaya't nakakasama ako sa usapan. Ngunit nadi-distract ako sa pagkausap sa akin ni Fajid.
BINABASA MO ANG
Faint (Fiasco Valley Series 1)
RomancePeople say that when love fails, it ain't true. If love is pure and true, it won't hurt people. It won't go, betray and abandon people. Because if it is true, it is just there. . . making its way to be bigger. That's what Rochelle Evelina believes...
