kisses

63 5 1
                                    

(unedited)

Kabanata 11

kisses


Halos hindi ko napansin na pinipigilan ko pala ang aking paghinga mula ng halikan niya ako pabalik. Unti-unting pumikit ang aking mga mata. Ewan. Tila ako hinihele ng halik niya.

Pinagparte ko ang aking labi dahil di na ako makahinga. Lumayo siya nang kaunti para sumagap ng hangin at saka nagtama ang mga mata namin. Nag-init ang aking pisngi ng saka ko lang napagtanto ang ginawa kong pangahas.

I kissed him! 

And...he kissed me back!

Oh good Lord. This is so embarrassing!

Akmang tatalikuran ko na siya para tumakbo at magtago sa kanya habang buhay dahil sa sobrang kahihiyang nararamdaman ng pigilan niya ako at isandal sa puno.

Natigilan ako at namilog ang mga matang napatingin sa kanyang gwapong mukha. I can't even control the butterflies in my stomach...

"That's how you prove that you are not a kid anymore?" mahina ang tinig na utas niya.

Tila ako sinilaban ng apoy sa sobrang init ng mukha ko. Nagbaba ako ng aking tingin ngunit agad niyang pinirmi ang baba ko para mapaangat ng tingin sa kanya.

"I told you, Philix. I am not a kid anymore," utas ko kahit na nanginginig ang aking ibabang labi sa sobrang antisipasyon na nararamdaman.

Nakita ko kung paano umangat ang isang gilid ng kanyang labi. 

"Not enough, Elle...I still see you as a kid," naghahamon ang tinig na utas nya. May nakaasar na ngisi sa kanyang labi.

Akmang magsasalita ako para ipagtanggol ang aking sarili ng ikulong niya ang aking mukha sa kanyang dalawang palad at mabilis na sinakop muli ang aking nakaawang na labi. Nahigit ko ang aking hininga sa kanyang biglaang ginawa. Nanlaki ang aking mga mata at natulos sa aking kinatatayuan.

His tongue explicitly moves its way inside my mouth. Naramdaman ko ang pag iinit ng aking pisngi. He seems so expert in kissing...

Pumungay ang aking mga mata at unti-unting pinikit iyon. Naririnig ko ang aking utak na hindi nagugustuhan ang nangyayari ngunit tila ako alipin ng halik ni Philix. Traydor ang katawan ko!

Nanghina ang aking tuhod ng mas palalimin niya pa ang halik. Dammit!

I can feel myself slowly drifting away from reality. Hindi ko napansin ang pagpulupot ko ng aking mga braso sa kanyang batok at paghigit pa sa kanya palapit. 

I am not thirsty at all...

Shit. He tastes like vanilla...I like chocolates but now I doubt what I like the most...vanilla or chocolate?

Naramdaman ko ang isang kamay niya na pumulupot sa aking baywang habang ang isa ay nakahawak sa aking panga, marahang hinahaplos iyon gamit ang kanyang hinlalaki.

I feel drunk by his kisses. His tongue and the way he kisses me makes me feel hot!

This is so illegal! How can he make me feel like this? I have never felt this kind of extreme feelings before...

Habol namin parehas ang hininga ng dahan-dahan siyang lumayo nang kaunti sa akin. Ramdam ko ang kanyang mainit na hininga na pumapaypay sa tapat ng labi ko. Bumaba ang tingin ko sa nakaawang niyang labi habang hindi pa rin makahuma sa nangyari.

What the heck...

Did we really kiss? Really!?

"Don't do it again, Elle..." paos ang tinig na utas niya sa akin dahilan upang mapaangat ako ng tingin sa kanyang itim na mga mata.

Faint (Fiasco Valley Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon