stubborn

54 4 0
                                    

(unedited)

-


Kabanata 21

stubborn


"Elle!" Kahit malayo palang ay rinig na rinig ko na ang masayang tinig ni Abigail. Kumakaway-kaway siya sa aming sasakyan hanggang sa tuluyan ng tumigil ang sasakyan ay panay pa rin siya sa pagkaway.

"She missed you that much, huh?" narinig kong utas ni Philix habang pinanonood ang kanyang kapatid. Napangiti ako at napailing-iling.

Pinatay niya ang engine ng sasakyan at nauna ng bumaba. Pero bago pa niya ako mapagbuksan ng pinto sa shotgun seat ay umibis na rin ako ng sasakyan.

Nagtama ang mga mata namin at pinagtaasan niya ako ng kilay. 

"Elle! It's nice that you're here now!" masayang utas ni Abi at agad akong sinugod ng yakap. Hindi ako nakahuma ng ilang segundo pero niyakap ko rin siya pabalik.

Nakita ko ang iilang mga pinsan nila na nakaabang din sa amin. Nakita ko na agad nilang binati si Philix.

"Okay ka naman?" puno ng concern na utas ni Abi at chineck pa ako mula ulo hanggang paa. Natawa ako sa kanyang ginawa.

"Oo naman..." ani ko at tinignan si Philix na nakikipag fist bump sa mga lalaking pinsan niya.

"Hindi ko alam kung bakit ka sinolo ni kuya sa resthouse. May something ba sa inyo? Anong nangyari?" Nag init ang aking pisngi ng marinig ang sunod-sunod na tanong niyang iyon. Halata sa kanyang mukha ang pagkakuryoso.

"W-wala naman. We just...chill," awkward na utas ko at tila gusto ko na lamang lamunin ng lupa lalo na ng sa akin na napunta ang kanilang atensyon.

Looking back on those three days with Philix, I actually felt like we are somewhat a married couple. We normally did things as most couples do. He cooked for me, cuddled with me, teased me. We swam together, watched the sunset and sunrise...and talk about our experiences and just about life. I don't know what we have...or what we are but everything feels right. For the first time after years, I feel something worth looking forward to.

I feel like he is someone worth walking with. Worth letting in. That I will not ever regret if I will choose him to be with me.

Nakita ko kung paano sumama ang timpla ng kanyang mukha. "Napaka-exclusive ng sagot mo, Elle. Pang-celebrity," aniya sa akin.

Natawa ako nang mahina at nagkibit ng balikat.

"Tama na iyan, Bi. She's tired I guess," utas ni Philix para tantanan na nila ako. Lihim ko iyong ipinagpasalamat.

Ngumuso si Abi at bumulong sa akin. "Later na lang ha! Magkwento ka!" excited ang tinig na utas niya na mas lalong nagpainit sa mukha ko. Gusto ko siyang kurutin sa tagiliran dahil baka marinig ni Philix ngunit ng tignan ko si Philix ay busy siya sa pagtaas ng kilay sa akin.

He is probably wondering what her naughty sister told me! Ha!

Pumasok na kami sa loob ng magarbong resort. Hindi k mapagtuunan ng pansin ang paligid dahil nadi-distract ako sa mga kwento ni Abi. I didn't know that she is so loud until now!

Noon kasing nasa school palang kami o magkakasama kami tumambay ay ang tahimik niya. Normally, si Kali ang pinakamaingay lagi talaga. But today, I don't know why she's so hyper. Wala naman dito ang kanyang ex na si Luis. Well I'm just relieved that they've broken up. He isn't healthy for her.

Maayos naman sana si Luis, kaso I just noticed that he wanted Abi to become someone she isn't. And now I am seeing the real Abi. She's carefree and cheerful as well. Maybe nakadagdag din na kasama namin ang mga pinsan nila. It makes her feel much comfortable to be on her own skin.

Faint (Fiasco Valley Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon