get you

74 8 14
                                    


Kabanata 6

get you


"Oh, hija? Where are you going?" Napatigil ako sa paglalakad sa malawak na sala ng mansion ng marinig ang tinig ni tita Stella.

Natulos ako sa aking kinatatayuan ng makitang hindi siya mag-isa na nakaupo sa may sofa. Agad nagtama ang mga mata namin ni Philix na tila nagulat din ng makita ako pero agad din namang nakahuma. 

What in the world is he doing here?

"Elle, come here..." untag sa akin ni tita ng hindi man lang ako gumalaw sa aking kinatatayuan. Medyo hindi pa rin ako makahuma at makapaniwala na nandito siya. Umagang-umaga!

Wala akong nagawa kundi maglakad palapit sa kanila. Fresh na fresh tignan si Philix sa suot na white sweatshirt at black knee-length chino bottoms. Tinernuhan niya lang iyon ng sneakers. Mamasa-masa rin ang buhok nito, mukhang kaliligo lang.

"Elle, hija, I want you to meet Philippe Elixir Montecillo, ang tagapagmana ng mga lupain ng mga Montecillo rito sa Fiasco," magiliw na utas ni tita Stella, hindi mapugnat ang kanyang matamis na ngiti habang nakatingin sa lalaking kasama namin.

"Philix, hijo, this is my beautiful and intelligent niece, Rochelle Margarita Evelina..." 

Inilahad ni Philix ang kanyang kamay. Napataas ang aking kilay. So, ayan ang gusto niya? Magpanggap na hindi kami magkakilala?

Kimi kong inabot ang kanyang nakalahad na kamay at pilit na ngumiti lalo na ng makita ko ang panlalaki ng mata ni tita sa akin. Well, what the heck.

"Nice to meet you, Elle," malalim ang tinig na utas niya. Tumango na lamang ako.

"But tita, we already met several times," pormal na utas pa nito at nilingon si tita Stella.

"Oh! Dahil kay  Abigail?" ani tita at pinaglipat-lipat ang mata sa amin ni Philix. Pasimple kong binitiwan ang kanyang kamay ng mapansin na nakahawak pa rin siya.

"Yes po..." 

"That's great!" tuwang-tuwang utas ni tita at nilingon ako.

"Hija, I heard from Kaliza that you want to learn how to ride horses?" Nanlaki ang aking mga mata at hindi alam ang isasagot lalo na ng sa tingin ko ay alam ko na kung saan patungo ang usapan.

"Really?" Nahimigan ko ang kung ano sa tinig ni Philix ngunit inignora ko siya.

"I think huwag na---" Naputol ang sasabihin ko ng biglang magsalita si tita.

"Ah! Philix is the great horseback rider here in valley, hija! Why not teach her, Phil?" baling agad ni tita Stella kay Philix. Nanigas ako sa aking kinatatayuan ng magtama ang mga mata namin.

May kung anong aliw ang dumaan sa itim nitong mga mata. It is so obvious that tita is selling me to this...man!

At alam kong napapansin iyon ni Philix! 

Nag-init ang aking mukha ng pinakatitigan niya lang ako. "I bet she's a fast learner," utas niya habang tinitignan pa rin ang pag-iinit ng aking mukha.

"Oo naman, hijo! Matalino itong si Elle at napakasipag pa lalo na noong nasa States siya. Mahilig kasi yan na matutunan ang iba't ibang bagay..."

Hinaplos nito ang panga na may mga stubbles. Talagang inaasar pa ako!

"Sure po. Hindi naman gaanong busy sa planta. I think  I can squeeze some hour for your beautiful and intelligent niece," aniya at tinignan si tita Stella.

Faint (Fiasco Valley Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon