(unedited)
Kabanata 28
galit
Nag umpisa na ang pasukan. Syempre distracted ako dahil nga sa naluluging business nina Uncle John at tita. Pilit pa ring hinahanapan ng mga solusyon...ang balita ko nga ay naibenta na ang iilang property namin sa Maynila, maging ang main office ng pinamamahalaang negosyo. Since supplier kami at mismong kami ang source ng mga kilyente, dahil nga di na gaanong nama-manage ang aming farm ay naipasara na rin ang dapat ay e-expand pa.
"Gatorade ka muna," narinig kong utas ni Mikael ng umupo sa may tabi ko. Busy ako sa paghilot sa aking sentido habang tinitignan ang libro sa harapan ko.
I need to fucking study.
Umiling na lamang ako sa kanyang paanyaya. Napangisi siya at napapalatak pa habang pilit sinasabihan sina Kali at Abi na pagpahingahin muna ako kahit ilang minuto.
Well, that's true though. I've been studying here for five hours straight at talagang di ko alam kung pumapasok pa ba ang mga terms sa utak ko.
Buti nga napagsasabay ko ang pag-aaral at ang pag-asikaso sa papaluging negosyo.
I've come to terms with Leondreo Mendres. He will give me a chance to have the deal. To propose it to him this week kaya't sobra akong naiisstress.
"You seem so tired..." nahimigan ko ang pag-aalala sa tinig ni Philix. Pilit akong ngumiti sa kanya habang siya ay tahimik na nagda-drive.
"I'm sorry, I've been so busy these past few months..." mababa ang tinig na utas niya sa akin matapos ang isang nakabibinging katahimikan.
It's already midterm at sobrang dami na ring nangyari. Patuloy na lumalago ang kanyang planta at bukirin kaya't sobrang busy na niya rin. I think he really needs to expand everything and hire more employees. Kulang na kulang na sila kumpara noon. Marami na siyang kliyente, umaabot na yon sa iba't ibang rehiyon.
That's why he's always out-of-town. Paminsan-minsan na lamang niya akong nahahatid at nasusunod kagaya ngayon, kapag may free time siya na aabot lamang ng hanggang tatlong oras.
Well, there's no arguing about that. I'm totally okay with it though. Mas okay nga iyon para mas makapag focus din ako sa mga problema ko.
"Mahirap ba maging college student? Hmm?" may bahid ng ngisi sa kanyang labi ng tanungin ako niyon. Kahit pagod ay di ko maiwasang mapangiti sa pang-aasar niya.
Inirapan ko siya at sumandal sa shotgun seat.
"I'm going to Manila this Saturday," walang pag aatubiling utas ko sa kanya dahilan para mapasulyap siya sa akin. Pero dahil nga nagda-drive siya ay di niya ako gaanong makita.
Lumipad ang kanyang palad sa aking hita at kinagat ang ibabang labi.
"I want to go with you...." mahina iyon ngunit puno ng lambot.
Lumabi ako at pilit pinigilan ang ngisi. "You told me, sa Bacolod ka noon?" nakataas ang isang kilay na utas ko sa kanya.
He groaned and started to draw small circles on my exposed legs. Talagang nag-abala pa siya na hawiin pataas ang aking palda para lang magawa iyon!
"I missed you..." paos ang tinig na utas niya at tinigil na ang sasakyan. Hindi ako nagkaroon ng chance na tignan muna kung nasa destinasyon na kami dahil agad niya ng sinakop ang aking nakaawang na mga labi.
Nag aatubili ako kung sasabihin ko ba ang sadya ko sa Maynila ngunit napagdesisyunan ko na lang na 'wag na. Mabilis lang naman ako roon...at baka mamaya mamali pa siya ng isipin. Ayoko namang magmukhang immature.
BINABASA MO ANG
Faint (Fiasco Valley Series 1)
RomancePeople say that when love fails, it ain't true. If love is pure and true, it won't hurt people. It won't go, betray and abandon people. Because if it is true, it is just there. . . making its way to be bigger. That's what Rochelle Evelina believes...
