uhaw

100 4 0
                                        

(unedited p.s. medyo spg sa bandang dulo, if you are not 18 & above, kindly skip it, thanks :)

///

Kabanata 25

uhaw


Hindi ko na hinintay pa si tito John na makabalik sa sasakyan. I quickly bought a flight pabalik sa valley. I don't want to see him right now nor even talk to him.

Galit ako dahil isinikreto niya sa akin iyon. Ginawa niya akong tanga! I really thought my plan could pull this through but seems like everything is going downhill. Kahit isang chance ay hindi man lang ako mapagbigyan...

Mariin kong pinikit ang aking mga mata at hinilot ang aking pumipintig na sentido. Damn. I feel so stressed.

Habang naghihintay sa oras ng flight ay tinignan ko ang mga mensahe sa aking cellphone.

Kay Kali, Abi, tita, at Philix.

Agad kong binuksan ang kay Philix at nakita ang sunod-sunod niyang messages asking where I am.

Kinagat ko nang mariin ang aking labi at tinawagan siya. Isang ring palang ay agad na niyang sinagot ang tawag.

"Elle? Are you okay?" Nanginig ang aking ibabang labi ng mahimigan ang pag-alala sa kanyang mababang tinig.

Nag init ang gilid ng aking mga mata at tumango kahit na di niya naman nakikita. "Yes..." mahina ang tinig na utas ko.

"You don't sound okay, babe...where are you?" malambing ang tinig na utas niya. Lalo akong nanghina at gusto na lamang pumalahaw ng iyak. I want him close to me...I want him to be here...to embrace me.

"M-Manila," tipid ang tinig na utas ko at hinintay siyang magsalita. Narinig ko ang paghinga niya nang malalim.

"I'm gonna pick you up and return you here--"

"No need, Philix. I've already booked a flight," ani ko sa kanya. Katahimikan ang sumalubong sa akin.

"Don't do that again..." bulong niya sa kabilang linya. Napakurap-kurap ako at medyo naguluhan sa sinabi niya.

"Do what?" ani ko. Narinig ko ang paggalaw niya sa kabilang linya. 

"Leave...without telling me..." anas niya.

Damn. I badly want to see his face. Pinikit kong muli ang mga mata at in-imagine ang gwapong mukha niya.

"Okay...I'm sorry," mahina ang tinig na sagot ko.

Dumaan ang isang nakabibinging katahimikan. Tanging paghinga lang namin ang naririnig sa magkabilang linya.

"I wish I could see you..." masuyo ang tinig na utas niya na nagdulot ng mga paru paro sa aking tiyan.

***

"Something's bothering you..." mahina ang tinig na utas ni Philix sa akin habang mabagal niyang pinatatakbo ang sinasakyan naming kabayo.

Naramdaman ko ang pag-amoy niya sa aking buhok. Pinili kong huwag siyang sagutin.

Nang makabalik ako sa valley ay agad akong dumiretso sa mansion ng mga Montecillo. I want to get close to Philix because he makes me feel safe. Because I feel like when I'm with him, all my problems do not exist anymore. With him, I feel like I can be myself. I can be free.

"Why did you come to Manila?" masuyo ang tinig na utas niya. Ang tinig niya ay tila nag-iingat...

Kinagat ko ang aking labi at tinignan ang treehouse. "Let's go there," ani ko sa kanya. Agad niya akong sinunod at tinigil ang kabayo.

Faint (Fiasco Valley Series 1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon