(unedited)
-
Kabanata 2
mine
"These are our friends, Elle. This is Mikael," untag sa akin ni Abi at itinuro ang lalaking medyo rough ang features kumpara sa kasama niyang isang lalaki.
Agad ngumisi sa akin ang binata at naglahad ng kanyang kamay.
"Mikael Ayuson," pakilala nito at ngumiti. Nakita ko kung paano lumabas ang isang dimple niya sa kaliwang pisngi.
Inabot ko ang kanyang kamay at sinuklian ang kanyang ngiti. "Elle Evelina," utas ko.
"And this is Luis..." utas naman ni Kali at tinuro ang katabi ni Mikael na maamo ang mukha. Singkit ang mga mata nito at maputi ang balat.
"Luis Teng," utas nito at naglahad din ng kanyang kamay. Agad ko iyong inabot. "Elle."
"Pamangkin ka ni Senyora Stella?" utas sa akin ni Mikael nang umupo na kami sa isa sa mga table sa cafeteria. Tumango ako.
"I see. Medyo hawig mo nga siya..." nakangising utas nito.
"Order na! Gutom na ako!" sabay kaming napatingin kay Kali na nakatingin sa may counter.
"Kami na ni Elle," biglang utas ni Mikael kaya napaangat ako ng tingin sa kanya. Agad niya akong kinindatan kaya't hindi ako nakahuma agad.
Anong trip nito?
"Hay salamat! Chicken sandwich sa akin," ani Kali at sumandal na sa kanyang upuan at kinalikot ang kanyang cellphone. Napanguso ako nang magkatinginan kami ni Abi na ngumiti lang sa akin.
"Duma-damoves agad ito..." nakangising utas ni Luis na narinig naman ng lahat.
Humalakhak lang si Mikael habang tinutulungan ako na makatayo.
It is not funny.
"So, anong gusto mo?" untag sa akin ng binata ng makarating na kami sa counter. Halatang malakas ang dating nitong si Mikael dahil pagkatayo palang namin ay agad na kaming nakaagaw ng atensyon.
Well, gwapo naman talaga sya.
Pero hindi ko nga lang type.
"Cheeseburger ba?" untag niyang muli ng hindi ko nasagot ang kanyang tanong.
"Sige. Iyon na lang..." ani ko na lang at siya na ang hinayaan ko na mag-order para sa aming mga kasama.
"Bakit ka nga pala napunta rito sa valley? Balita ko sa States ka raw talaga..."
Nag-isang linya ang aking labi ng bigla siyang magsalita patungkol sa akin. Lumunok ako at nag-iwas ng tingin.
"Well, wala na kasi akong kasama sa States. So, mas mabuti na rito na lang kay tita Stella," utas ko.
Tumang-tango ito. "For sure, marami kang naging boyfriend sa US. Sa ganda mo ba namang iyan..."
Nalipat ang tingin ko sa kanya at umiling. "I don't have time for that...and I still don't have." matigas ang tinig na utas ko.
Nakita ko ang pagtaas ng isang kilay niya na tila ba naintriga siya sa sagot ko.
Hinaplos niya ang kanyang may stubble na baba. "Why not? Ano ba pinagkakaabalahan mo?"
Nilipat ko ang tingin sa kalalpag lang na tray sa harap namin. "I have my important priorities. At wala roon ng pagkakaroon ng boyfriend," ani ko at kinuha na ang tray saka nagmartsa paalis.
I know his guts. Alam ko kung saan patungo ang mga ganoong aksyon niya. Hindi ako tanga at lalong hindi ako bulag.
I have enough of that when I was in the States. At lahat iyon ay hindi ko pinatulan. It will just waste my time. I need to concentrate on myself. On being what my dada wanted me to be. To be a CPA. His CPA.
BINABASA MO ANG
Faint (Fiasco Valley Series 1)
RomancePeople say that when love fails, it ain't true. If love is pure and true, it won't hurt people. It won't go, betray and abandon people. Because if it is true, it is just there. . . making its way to be bigger. That's what Rochelle Evelina believes...
